Pag alis niya niligpit ko ang mga pinag kainan ko at nilagay sa drawer ang sulat mula kay Papa gusto ko yun ipunin para mabawasan yung pangugulila ko sa kaniya.

"M-May.. iniisip lang." Nag iwas pa ako ng tingin kay Meli, ramdam niya kasi kapag may problema ako hindi ko yun matatago sa kaniya.

"Sus halata namang may problema ka pero mukang malalim yan kaya hindi na kita papakielaman but I'm always here for you." Kahit na minsan may pag ka siraulo tong si Meli siya yung lagi kong nasasandalan kapag mag problema ako.

I don't want to loose them.

P.E kami ngayon pero may History Class muna kami. Hindi raw si Zaiker ang magtuturo sa P.E si Coach Jonas daw. Buti nalang napaka strict mag turo na dala pa tuloy ako sa clinic nun.

"Ano friendzone ka ulit, tigilan mo na kasi yang si Keijo." Pagupo palang namin rinig na namin ang kwentuhan nila Shii na nakaupo sa katabi naming sit.

"I like him kasi, bakit kasi he don't like me." Conyo niya talaga.

"Hanggang kapatid lang daw turing niya sayo. Rinig pa ang pang aasar sa kaniya ng mga kaibigan niya.

"Yhonna." Kinalabit ako ni Shii kaya agad akong napatingin sa kaniya. "I'm pretty and sexy right? Do you think Keijo will like me naman diba." Hinawi hawi pa niya ang buhok niya kaya napangiwi ako.

Wala naman akong pakielam sa love story nyo.

"O-Oo?" Parang naging patanong pa ang sagot ko.

"Malapit ka sa half sister niya diba, kay Ryona may na kwekwento ba siya na nagugustuhan na ni Keijo? tell me ha."

Agad akong umiling at tinaggal ang kamay niya sa braso ko. "Wala naman." Simpleng sagot ko. Eh sa wala naman talaga.

Padabog na pumunta si Shii sa upuan niya at yumuko na parang nag tatampo. Dumating na ang prof namin at naging maayos ang Class.

Nasa Locker ako at kinuha ang damit ko para sa P.E pagtapos agad akong pumunta kay Meli sa Cr para mag palit na. Malapit narin ang lunch baka one hour lang ang P.E namin ngayon.

Pagtapos namin mag bihis dumeresyo kami sa field kung saan natanaw agad namin a g mga students wala sila Ryona mamaya pa silang hapon ang gulo rin ng schedule nila.

Nandito sila Zaiker at ang ibang kasama namin sa music club natanaw ko rin si Veronica kasama ang dalawang babae na ka room namin nung vacation.

Umayos na kami ng puwesto dahil magsisimula nadaw, basic exercise ang gagawin namin ngayon sana hindi ako himatayin gaya ng nangyari nuon.

"Find a partner!" Sigaw ni Coach at tinuro ang mga blanket na nakalatag sa sahig ng field. "Girl and boy." Napaatras kami ni Meli kala ko basta partner lang kailangan pala girl and boy sino namang ipa-partner ko?

Yung iba may ka partner na muka kasing mag kakilala naman sila. Nakita ko na may nag aya narin kay Meli si Christian yung kaaway niya palagi sa room.

"Yhonna sure ka? sasama na ako dito." Pilit ko siyang tinutulak papunta kay Christian.

"Oo may mahahanap rin naman ako." Sagot ko.

Lumakad lakad pa ako parw mag hanap ng pwedeng ipartner bakit kasi need by partner pa.

Nagulat ako ng biglang may humila sakin. "May partner kana? tara tayo nalang Yhonna." Kaharap ko si Keijo na halatang kagagaling lang ng practice dahil pawis pa siya.

"T-Tayo?" tanong ko pa. "Oo tayo nalang."

"Eh..hindi ayos lang." lalakad na dapat ako ng biglang sumigaw si Coach.

"ANO LIGAWAN STAGE NALANG KAYONG DALAWA D'YAN? MAG START NA!." Napahawak ako sa noo ko ng mapansin na lahat ng tao dito nakatingin sa akin at kay Keijo.

Napilitan akong sumunod sa kaniya at pumunta sa isang blanket. Boy daw muna ang una. Humiga si Keijo sa blanket habang hawak ko naman ang mga tuhod niya.

"START!" Sigaw ni Coach at nagsimula na kami.

Nakayuko ako habang si Keijo naman ay patuloy lang sa ginagawa niya.

"Hoy Yhonna lingon kanga." Mahina niyang sambit kaya nag angat agad ako ng tingin.

Nagulat ako at napaatras ang ulo ko dahil sa sobrang lapit niya, halos naamoy ko na ang hininga niyang galing sa mouth wash ngayon ko lang din napansin na mapula ang mga labi niya at mahaba ang pilit mata clear skin na parang hindi tinubuan ng pimples.

"Namumula ka, ayos ka lang?" Napalunok ako at nag iwas ng tingin. "Oo a-ayos lang."

Ten minutes yun ginawa at nag break muna bago ang next exercise. May naramdaman akong mahapdi sa may paahan ko kaya tinignan ko yun. Nanlaki ang mga mata ko ng may nakita akong dugo sa medyas ko at ng itaas ko ang Jogging pants ko may gasgas ako.

Saan ko naman to nakuha?

"It's hurt?" Umangat ang tingin ko sa lalaking nag salita.

Zaiker.

Lumuhod siya para pantayan ako at hinawakan ang paa ko.

"H-Hindi ayos lang." Binaba ko na ulit ang pants ko at tatayo na sana ng hagitin niya ako paupo.

"Wait me here." Taka akong napatingin sa kaniya ng tumakbo siya palabas ng field.

Hinahanap ko si Meli pero sabi ni Christian nasa cafeteria daw para bumili ng inumin.

Bumalik nalang ako sa pag kakaupo at uminom ng tubig na baon ko.

"Let's go." Hinila ako ni Zaiker papuntang wooden chair at lumuhod siya sa harapan ko.

"N-No I can do it by myself." Kinuha ko ang hawak niyang band aid pero kinuha niya ulit yun sa kamay ko.

Ang kulit nito, baka mamaya kung ano isipin ng ibang students.

Dahan dahan niyang nilagay ang band aid sa sugat ko at hinipan pa ito.

"Next time be careful." Sambit niya at deresyong tumingin sa mata ko.


Until Our Voice Meet Again Stranger | ✓Where stories live. Discover now