"Oy, pahingi naman ng pagkain jan. May dala ka?" kalmadong tanong sa 'kin ni Yano habang lumalamon ng Piattos.

Napairap ako saka mabilis na kinuha ang chocolate sa bag ko, "Ayan, basta paturo ako sayo ng lesson namin kapag nakalipat na ako ng school ha."

Mahina ako sa academics, kay Yano lang talaga ako umaasa para maintindihan ko yung lesson namin. Ngayong lilipat na ako, it's more difficult since 'di ko araw-araw makakasama si Yano. Hindi man lang tumango si Yano, basta kinuha niya lang bigla yung binigay ko, "Palipat-lipat ka pa kase, sabagay rich kid," parinig niya na ikinatawa ni Qrester.

Inakbayan ako ni Qrester, "Let's go, di mo lubos kilala si Kaloy, baka kung ano pa ipagsasabi nun sa Principal,"

Salubong kilay kong tiningnan si Qrester. "Aba, hindi pupwede 'yon! Tara na." Umalis na kami habang hawak ang kamay niya, sumusunod naman sa 'min si Yano.

Pagkarating sa tapat ng office ng Principal tangka ko na sanang buksan ang pinto pero nagulat nalang ako nang sinipa ito ni Qrester ng malakas para bumukas, hinampas ko siya ng malakas sa balikat dahil sa ginawa nito pero tumawa lang siya. Tukmol talaga ang gagong to.

"Don't be scared, you're safe with me," aniya saka malakas akong hinila papasok sa office. Ang gagong 'to siguradong ipapahamak na naman ako.

When I saw the Principal's expression nang makita kami- nakatayo siya at nakakuyom ang kamao sa desk habang naka de kwatro naman si Kaloy, nginingisian ako. Napatiim bagang ako at palihim na ginigitgit ang ngipin sa inis.

"Sino sa inyo ang sumira---"

"Si Racci, Sir. It's Xaracci"

Kitang kita ko ang biglang pagdilim ng paningin ng Principal. "Babayaran mo ang sinira mo, and you're just giving me a reason kung bakit possibleng di kita maitransfer sa ibang school---"

"No!!!" I immediately beat my palms to the desk dahilan para magulat silang lahat-pati ako nagulat sa sarili ko. I cleared my throat, "I mean, n-no... Sir," umiwas ako ng tingin.

"Mr. La Veda came here and told me the reasons kung bakit hindi kita papayagan na mag transfer ng ibang school---"

"Then I also have reasons kung bakit kailangan niyo akong pakinggan," putol ko sa linya niya.

Napalunok muna ako bago mailang sa mga tingin nila sa'kin.

"I'm dangerous, Sir. I can make trouble and will cause problems in this school, just like what happened right now. Hindi pa ba sapat na dahilan 'to para pumayag kayong lumipat ako? Isa pa..." tumingin muna ako kay Custhin bago ipagpatuloy ang sasabihin, "Bobo ako, wala akong ambag sa paaralan na 'to kundi problema lamang. Lalo na't wala din naman kayong karapatan na pigilan ako kasi desisyon ko naman 'to."

Medyo nahiya ata ang Principal sa mga sinabi ko ganun rin si Custhin no'ng sinabi ko na bobo ako, 'yon naman ang tawag niya sa 'kin at ayoko rin i-deny kasi totoo haha. Medyo masakit pero sige, itatawa nalang natin. Lagi naman.

"No," nagulat kami sa biglang pag tayo ni Custhin.

"Oh, ano na naman yan Kaloy," gitgit ngipin kong tanong sa kanya.

"You said you're dumb so---"

"No, you said it." tumaas kilay ko, "Sinabi ko lang sa Principal yung puna mo sa 'kin."

I heard our friends coughed samantalang pumagitna naman sa amin ang Principal, tiningnan ako ng masama ni Kaloy. I can't see him as one of my best friends, he's still a stranger who always makes me angry and teased!

"Ok, pwede ka nang lumipat ng paaralan."


KAHIT saan ako pumunta ay bumubuntot parin sina Qrester, Yano at Kaloy sa 'kin. Hindi maalis ang pagkakunot ng noo ko dahil sa pakiramdam ko ay may binabalak ang mga kumag sa akin until Qrester called my name at inakbayan na naman ako. He kiss me on my forehead then I heard Kaloy and Yano chuckled. Tinakpan ko ang bibig ng gago saka pinunasan ang noo ko.

RAIN OF HEARTS (ADORE SERIES #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon