Titigil din naman sila at mapapagod.

“Ako na ang maghuhugas,” rinig kong sabi ni Aiko at kinuha ang pinggan ko na nasa tabi.

“Ako na,” may diin na sabi ni Aki habang nagliligpit ng mga pinagkainan.

“Ako na, Aki,” sagot pa ni Aiko.

“Ako na nga sabi, ako naman ang nagluto.” Si Aki.

“Kaya nga. Ikaw ang nagluto, kaya ako na ang maghuhugas. Hindi ka naman marunong maghugas.” Si Aiko. 

“Really?” Aki gritted. “Then, I'll learn. Hindi naman mahirap maghugas, 'di ba, Natnat?”

Maagap akong napaangat nang tingin sa tanong na 'yon at nag-iisip ng sasabihin.

“She doesn't know either,” sabad ni Aiko dahilan para maagaw ang atensyon ko. “Right, Eve?”

Tiningnan ko lang si Aiko saglit bago inirapan. E'di ikaw nang magaling. Marunong naman akong maghugas, hindi lang talaga siya para sa akin. Palagi kasi akong nakakabasag kaya sinukuan ko na ang paghuhugas ng pinggan.

I tsked and continue what I'm doing. “Magtalo na nga lang kayo, huwag niyo na akong idamay,” I blurted.

Saglit na katahimikan ang namayani bago nga sila nagtalo muli. Napasinghap na lang ako bago sila hinayaang dalawa at hindi na pinansin.

Pinirmahan ko na lang ang dinala ni Lily at hinayaan silang dalawa. Hindi pa ako natatapos sa pagpirma nang nakaramdam na naman ako nang mas matinding sakit ng ulo. Tang*nang alak 'yon, mukhang hindi ako tatantanan ng headache ko.

Mariin akong napapikit at sumandan sa upuan ko. Hindi ito ang unang beses na nangyari sa akin ito. Huling beses na nagkaganito ako noong naghiwalay kami ni Aki, five years ago. We mutually understand our separation that time, it's just that, nasanay akong nandiyan siya kaya masakit para sa'kin.

“Eve? Are you alright?”

Hindi ako nagmulat ng mata. Alam kong si Aiko iyon, na naririnig ko ang mga yabag papalapit sa'kin.

“May masakit ba sa'yo?” tanong pa niya.

“Headache, but I'm fine. Mani lang ito sa'kin.” I opened my eyes and sit up straight.

Masakit talaga, pero kailangan kong umakto na ayos lang ako. I'm a strong independent woman. Iinom na lang ako ng gamot mamaya pag-alis nilang dalawa.

“Hindi ka okay, Natnat. Inumin mo ito, pangtanggal ng headache mo.”

Napaangat ako nang tingin at nakita si Aki na pinatabi si Aiko para makalapit sa akin. Tumingin lang si Aiko kay Aki at hinayaan ang kapatid.

“Here,” aniya pa at nilahad sa akin ang isang pirasong capsule na gamot.

Tiningnan ko muna siya sa mga mata bago napatingin kay Aiko sa likod. He's watching us like there's nothing he can do.

I smiled a bit before shaking my head and looked back at Aki. “No, thanks. I can do it myself,” I utter and move my chair backward. I stood up and passed him.

I walk towards Aiko and stopped right beside him. I move closer to him and whispered. “You're the only medicine I'd like to take. So, don't just stand there and follow me.” I ordered him and go straight up the stair.

Hindi ko na siya hinintay at nagpatuloy lang sa paglalakad patungo sa kwarto ko. Ito na ang simula para malaman ni Aki na hanggang magkaibigan lang talaga kami. Na hindi ko na ulit kailangan magpaliwanag at ipaalala sa kan'ya na tapos na kami. Para na rin sa peace of mind ko.

✔ || Midnight Mask Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon