Nang makapasok kami sa loob ay napahinto talaga kami ni Diya. Para kaming na-guidance sa ayos namin ngayon dahil nakatayo kami sa harap tapos madaming guidance counselor ang naka-mata sa'min. 

Literal na madami ang naka-mata sa'min ngayon. Napahigpit ang hawak ko sa kamay ni Diya dahil sa kaba.

Narinig ko na lang ang pag sarado ng pinto pero para akong estatwa na nakatingin lang sa kaniya.

"So ayan, nandito na kayo. Sila pala ang magtuturo sa inyo."

Parang nabingi naman ako sa sinabi ni Ma'am. Sila daw ang magtuturo sa'min? Bakit? Iniwas ko ang tingin sa kaniya nang taasan niya ako ng isang kilay.

Hmp ang sungit!

Lumapit si Ma'am sa pwesto nila Syd at Britt dahil sila ang nasa unahan.

"Alam niyo naman kung anong subject ang itu-turo sa inyo 'di ba?"

Tumango naman kami sa tanong ni Ma'am. Chem at Physics sa'kin. Pinipigilan ko ang sarili na lumingon sa mga arm chair na nandito. Medyo malaki naman ang office ni Ma'am kaya kasya naman kami.

Tinanong si Sydny kung anong subject ang kaniya at tinuro ang babaeng Patty daw ang name. Isa siya sa mga head ng student council ah.

Nahihiya namang lumapit si Sydny sa kaniya, if I know sumisigaw na 'yan sa loob loob niya dahil ayaw niya sa babae, except sa'ming mga kaklase niya.

Nang ilahad na nung Patty ang isang arm chair na nasa harapan niya tsaka lang umupo si Syd. Sunod si Britt, tinignan ko yung tinuro ni Ma'am. Isang lalake ang gwapo. Florence daw ang name.

"Ma'am, may tanong po ako." Singit ni Sofie.

"Ano iyon?"

"Paano po kapag dalawa yung subject na ano?" Mahinang tanong niya.

"Ah okay, 'di ba ang sabi ko sa group chat ay two to three tao lang ang tuturuan nila per hour since vacant niyo ngayon dahil breaktime ay uunahin niyo yung isang subject and ang second naman ay sa uwian na. If tatlo ang kukunin niyo, the two will be tuwing uwian." Paliwanag ni Ma'am.

Tumatango na lang ako sa kaniya. Nakakaloka! Bakit naman kasi ganito, tutor or remedial man 'to hindi nakakatuwa na nandito ang mga Allegra.

"Literature po, Ma'am." Sabi ni Anjali.

"Ilan kaba doon, anak?"

"89 po, damot isang point na lang eh." Nakangusong sabi niya.

"Galingan mo, kaya mong ma-90 plus 'yan kapag natapos mo ito." Tumango na lang si Anjali kay Ma'am, "Kay Xirano."

Nagkatinginan naman kami ni Diya dahil doon. Hala siya! Isang Allegra ang magtuturo sa kanila.

"Hala, hoy! May literature ako!" Bulong ni Diya.

"Oh, akala ko ba 'di ka takot sa kanila?" Pang aasar ko.

"Hindi ako takot sa kanila 'no, baka lapain lang ako nung Xirano na 'yan kapag hindi ko maintindihan tinuturo niya." Umirap pa si Diya. "Isa pa, baka mag away kami niyan."

"General Biology po." Simpleng saad ni Chan kay Ma'am.

"Isa lang?" Tanong ni Ma'am na tinanguan naman ni Chan.

"Cold mo naman, babe!" Ani Sofie na hindi pinansin ni Chanelle.

"Doon kay Arcane."

Kita kong napapikit ng mata si Chanelle. "Fuck." Bulong niya na rinig naman namin.

Mukhang nawala siya sa mood dahil basta nalang siyang umupo sa arm chair na nasa harapan ni Arcane. At nakatingin lang naman siya kay Chanelle na mukhang any moment ay mag ta-tantrums na.

Falling for Miss PresidentWhere stories live. Discover now