Ang sunod ko na lang na nakita ay ang dulo ng baril na nakatapat sa noo ko habang hawak hawak ko ang sanggol. Wait, what?! Bakit napunta ako sa sitwasyon ng babae? N-No! Don't shoot me Drake!

"Give me back my child, Chiara!"

"Patayin mo na lang ako."

What? I didn't say that! How come?!

"Chiara! I'll give you one last chance! Give me my child!"

"Please, just leave me or I'll kill myself together with this child."

Bigla siyang ngumisi sa akin. Kumabog ang dibdib ko sa paraan niya ng pagtingin. Hindi na niya ako nakikita bilang isang tao.

"Don't bother, I'll kill you myself. Goodbye, Chiara."

*BANG!*

Napasinghap ako ng malakas dahil sa kakapusan ko ng hininga. "Ha! Ha! Ha! Shit!"

Habol habol ko pa rin ang hininga ko ng mapansin kong nasa loob na ulit ako ng kwarto ko. Did I have a nightmare? Pero 'yung putok ng baril, it feels real.

Hinilot ko na lang ang dibdib ko dahil sobrang sakit nito. Bigla namang bumukas ang pinto ng kwarto ko at pumasok doon si Drake na nakasuot ng apron.

"Oh? Did you wake up because of the noise earlier?" bigla niyang tanong kaya kumunot naman ang noo ko.

"What noise?"

"Ah, I drop the pan while cleaning it kaya dumeretso ako kaagad dito dahil naisip ko na baka nagising ka dahil sa ingay. By the way, you look sick. Bakit namumutla ka? Ayos ka lang ba?" tanong niya kaya naman ay napahawak ako sa mukha ko.

Hindi lang yata ako namumutla, ang lamig din kasi ng mukha ko pati ng pawis ko sa noo. This is maybe because of my nightmare. Hays. Hindi ko maintindihan kung bakit ganoon ang napanaginipan ko. Is it because I was with Drake last night? Eh? Hindi ba dapat ay mas lalo ngang maging komportable ang tulog ko dahil katabi ko siya? Jeez. Sabi na nga ba at pangit talaga ang dulot sa akin ng Drake na 'to eh.

Hindi naman ako binabangungot kapag mag-isa lang ako. Kung kailan kasama ko siya ay tsaka naman ako binangungot. Tch.

"Are you okey, Chiara? Why are you glaring at me like that?" nakangiwi niyang saad kaya napabuntong hininga na lang ako bago ako umalis sa higaan.

"Why are you dressed like that? Don't you have a shirt? Bakit apron ang suot suot mo? Parang wala rin," saad ko kaya napatingin naman siya sa sarili niya.

"Huh? Nagluto ako ng breakfast kaya ako nakasuot ng apron," pagdadahilan niya pa.

"You cooked? Anong niluto mo?" curious kong tanong kaya nginisian niya naman ako.

"Just see it for yourself. Maghilamos ka na para sabay na tayong mag-almusal," utos niya pa kaya lumabas na kami at nagderetso ako sa lababo para makapaghilamos ng mukha at para makamumog na rin habang siya naman ay naghanap ng tshirt na masusuot.

Matapos kong mag-ayos ng mukha ay naupo na ako sa katapat niyang upuan. Naglaway naman ako nang makita ko ang mga pagkaing nakahain. Now, this is what we called breakfast. Palagi na lang kasi akong sa labas kumakain tapos puro tinapay pa 'yun. Ngayon na lang ako makakakain ng paborito kong fried rice na pinaresan ng sunny side up egg at dried fish. Simple but it made me this happy.

"Thanks for cooking this for me," saad ko kay Drake kaya nginitian niya lang ako.

Nagsimula na akong kumain at dahil masyado kong in-enjoy ang almusal ko, hindi ko na nagawang makipagkwentuhan kay Drake pero mukhang ayos lang naman sa kaniya 'yun dahil wagas siyang makangiti habang nakatingin siya sa akin.

CODE X |S.C. BOOK 2| •DROPPED•Where stories live. Discover now