Part 7

659 28 3
                                    


NAPANGITI si Wilson nang makita si Vanna na pumasok sa front door Chatter's Café. She came. Ibig sabihin ay naaalala nito ang isang tagpong iyon nine years ago. Ang sabi niya sa sarili, kung maaalala ni Vanna ang eksenang iyon, posibleng sumipot ito sa date nila.

"Hi!" masiglang bati niya. "'Glad you came."

Umupo kaagad ang babae at pinakatitigan siya. "You were that boy?"

Lumuwang ang ngiti ni Wilson. "Yeah."

Hindi pa rin siya makapaniwalang nagkita na pala sila ni Vanna dati. Unang araw ni Wilson as a transferee sa montessori na iyon nang makita ang isang batang umiiyak habang binu-bully ng schoolmates nito. He rescued her from the female bullies.

They said she was a murderer's daughter but he didn't bother to delve into the details. Hindi na niya nakita ang batang babaeng iyon pagkatapos ng insidenteng iyon. Ni hindi alam ni Wilson kung sino ito. Hindi rin siya aware sa aktor na napabalitang isang psychopath killer dahil wala siyang pakialam sa showbiz.

"Bakit hindi mo agad sinabi sa akin na nakilala mo ako noon pa?"

Napangiti si Wilson matapos tapunan ng tingin ang mga braso ni Vanna na nakapatong sa table. She was leaning towards the table as if eager to talk to to him. Kakaiba ang aura niya ngayon. She looked less daunting that moment. Sa tuwing nilalapitan niya ito ay parang gusto siyang laging sipain palayo pero sa pagkakataong ito ay ang babae pa ang lumapit sa kanya.

"Actually, a few days ago ko lang nalaman na ikaw 'yong little frail girl na 'yon. Sobrang tagal na kasi 'yon. I didn't even know who you were then. Nakita ko lang si Trixie sa isang coffee shop after I got off from work. That girl used to have a crush on me nine years ago but she wasn't my type. She was waiting for her boyfriend so we just chatted for a bit. Tapos, naalala niya 'yong una niya akong nakita. May binu-bully siyang isang schoolmate na iniligtas ko. She said that girl is actually studying at my school right now. Na-curious ako kaya tinanong ko 'yong pangalan. I was surpised when I heard your name."

Titig na titig pa rin sa kanya si Vanna. Mukhang hindi ito makapaniwala na siya ang batang lalaking iyon. Mukhang nag-iba ang tingin nito sa kanya sa nalaman.

"What?" he asked amusedly. "Nagbago na ba ang tingin mo sa 'kin ngayong nalaman mong naging knight in shining armour mo pala ako dati?"

Nagbuga ng hangin si Vanna. Inalis nito ang mga braso sa mesa at isinandal ang likod sa backrest ng silyang kinauupuan. "Knight in shining armour, my ass." She twitched her lips and crossed her arms in front of her chest as she continued to stare at him. "You were so cool back then. Sinong mag-aakala na ikaw 'yong cool and smart-looking guy na 'yon?"

"I'm still cool and smart."

"Yeah, right," labas sa ilong na sabi nito. Hindi alam ni Wilson kung para saan ang disappointment na nasilip niya sa mga mata ng babae.

"But you've changed a lot."

Hindi kaagad sumagot si Vanna. Para bang nag-reminisce muna ito ng nakaraan bago nagpasyang sagutin siya. "I've learned to be strong. Kaya kapag nakita ko ulit ngayon si Trixie, hindi na niya ako masisindak na tulad nang dati."

"You've learned to be strong... or you've learned to be scary?"

Naningkit ang mga mata ni Vanna pero hindi nagsalita ito.

"Because," patuloy ni Wilson, "you know, those are two different things—being strong and being scary. Pakiramdam ko, natutunan mo na lang na sindakin 'yong mga tao sa paligid para hindi ka na ma-bully, using your dad's scary image."

Halatang natigilan si Vanna. Tama ba siya ng hula tungkol sa babae?

"So, you believe that I'm just trying to be scary to protect myself?"

"And to drive people away," dugtong ni Wilson.

She smirked. "So you're saying that I am still that helpless frail girl nine years ago?"

"I'm saying that you are not a psychopath. You just let people think that way."

Nagbuga ng hangin si Vanna. Nakita niya ang pagkaaliw sa mga mata nito. "Interesting. Ikaw pa lang sa lahat ng mga taong nakilala ko ang nagsabi sa 'kin ng ganyan. You really are something else. You amaze me with your useless take on things. You could not sense danger. Mukhang madali kang maitutumba kung sakali." Tumalim ang tingin ng babae sa kanya.

Wilson smiled. She had no idea that he found her "death stare" sexy. "Itutumba mo ba 'ko?"

"'Would be a total waste of time and energy. Kung may itutumba ako, gusto ko naman 'yong may konting challenge. Hindi 'yong tulad mo na gusto pang makipag-date sa killer." Lumingon si Vanna sa counter. "Hindi ka pa ba o-order? Caffè Americano ang sa 'kin."

Lumuwang ang ngiti ni Wilson. It looked like he just got what he wanted—a date with a rumored psychopath girl.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Feb 02, 2022 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Campus Girls Series #1: In Love With A Psychopath GirlTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon