Part 5

350 21 4
                                    

HABANG naglalakad sa school lobby ay nag-angat ng mukha si Vanna para tingnan ang tarpaulin na ikinakabit ng maintenance personnel sa balcony ng school lobby. Lumipat ang tingin niya sa isang grupo ng female students na lahat ay halatang excited habang nakatingala sa tarpaulin.

Mukhang hindi na niya kailangan pang hintaying mabuo ang paglalagay ng tarpaulin para malaman kung sino ang nakalagay roon. It was probably Ayla's. Isa ito sa mga babaeng nakatayo sa gitna ng lobby habang nakatingala sa ikinakabit na tarpaulin. Namumukod-tangi ito sa mga kasama. Hindi niya alam kung dahil sa blonde hair nito o sadyang sinusundan ito ng liwanag kahit saan magpunta.

Ayla Tiffany Lopez was one of the most popular girls in DLRU and among the prettiest ones. But they said she was conceited and had princess syndrome.

Nagpalakpakan ang grupo nang sa wakas ay ma-expose ang mukha ni Ayla sa tarpaulin. Lahat ng mga lalaki sa lobby ay nagsitingalaan doon. Ayla looked too proud that could not take her eyes off herself.

Sasali na naman pala ito sa Campus Queen-ang taunang school pageant sa DLRU. Last year ay nakalaban nito si Charlotte. The latter won because, well, she was too perfect. Not only she had the looks, she had the brains and great personality. Not to mention, she had a lot of fans in school. Bagay na hindi kayang tapatan ng mga kalaban. Not even Ayla dethroned the legendary Campus Queen. Mukhang hindi papayag si Ayla na hindi mahawakan ang korona kaya susubok uli ito.

Well, the only way Ayla could be Campus Queen was if Ms. Perfect would not join the pageant for that year.

Mula sa tarpaulin ni Ayla ay lumipat ang tingin ni Vanna sa katabi niyon. Si Karson Villanueva pala ang next na ipapa-date ng CSC. Siguradong magkakaubusan agad ng tickets dahil kung si Charlotte ang ultimate campus dream girl, si Karson ang ultimate campus dream guy. It seemed he did not enjoy it though. Sa palagay niya ay hindi ito komportable sa mga atensiyong natatanggap. Ibang iba ito sa kaibigang attention-seeker.

Tumunog ang cellphone ni Vanna kaya dinukot niya iyon mula sa satchel bag. Umpisa pa lang ay alam na niyang phishing text message lang iyon na naghahanap ng tangang mabibiktima pero na-realize niyang may kakaiba sa mensaheng iyon kaya itinuloy niya ang pagbasa.

INFO: Your sim# has won (a date with the hottest guy in your school). From: (Mr. Wilson Navarro). To claim your prize, text your NAME/ADDRESS/AGE/DREAM DATE. DTI#5474 S'14.

Hindi alam ni Vanna kung matatawa o maaasar siya sa nabasa. This guy was indeed a joke. Ang lakas ng loob ni Wilson na pag-trip-an siya. At paano nito nalaman ang cellphone number niya? Nobody in the school knew her number, except for the school registrar!

Campus Girls Series #1: In Love With A Psychopath GirlTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon