Part 6

632 39 14
                                    

KAAGAD na naningkit ang mga mata ni Vanna nang makita si Wilson na papalapit sa kanya habang nakaupo siya sa tree bench na nasa secluded part ng campus. He was smiling happily. Nobody had dared to smile at her like that.

"Hi!" bati nito nang makalapit sa kanya.

Imbes na pabalik na bati ay matalim na tingin ang ibinigay niya sa lalaki. Mukhang walang talab dito ang panlilisik ng mga mata niya dahil nakuha pa nitong umupo sa bench na kinauupuan niya nang walang paalam. Mabuti na lang at hindi ito dumikit sa kanya sa upuan kundi ay baka automatic na lumipad ng kamao niya sa mukha nito.

"Who told you to sit there?" malamig na sita ni Vanna.

"Myself?" kaswal na sagot nito.

"Get your butt off this bench or it'll end up flat on the floor."

Tinapunan ni Wilson ng tingin ang lupa. "You wouldn't do that to my butt. May underwear pictorial pa ako sa Sunday. You wouldn't want to see my butt cheeks deformed or with bruises on my print ads and billboards."

Nagbuga ng hangin si Vanna. Hindi siya makapaniwalang walang katakot-takot sa kanya ang lalaking ito. Hindi rin niya maintindihan kung paano niya napipigilan ang sarili sa pagkakataong iyon. Normally, kumikilos na ang katawan niya para bigwasan o sipain ang lalaking nang-iinis sa kanya pero kataka-takang hindi niya magawa iyon kay Wilson. Siguro ay dahil hindi naman siya binabastos o iniinsulto nito na gaya ng iba. He just wanted to pester her with his attention-seeking antics.

"I think you've won a date with me."

Sinasabi na nga ba niya at iyon ang dahilan ng paglapit nito. Mabuti na lang at walang ibang tao sa paligid kaya walang uusyoso sa kanilang dalawa.

"You're a lucky girl. Kahit hindi ka sumali, nanalo ka."

She snorted. "You're a clown."

He grinned as if flattered. "Yeah. People say I have a perfect sense of humor."

"You don't get it, do you? I'm insulting you."

Parang natigilan pa ito. "Really?"

"How could you be so dense?" O baka sadya lang talagang masyadong bilib ito sa sarili na sa tingin nito ay walang taong may dahilan para insultuhin ito.

"'You think I'm dense?"

"If not, mapapansin mo sanang ayaw kitang kausap kaya dapat umalis ka na rito bago pa ako hindi makapagtimpi sa 'yo," mariing banta ni Vanna.

Sa inis niya ay ngumiti pa si Wilson at itinaas ang isang binti para mag-dekuwatro. "Come on, Vanna. You don't know what you're passing up. Every girl in school wants to date me. But here I am, asking you out on a date. I seldom do this, you know. Hindi ko na kailangang magyaya ng date sa mga babae dahil sila mismo ang nagyayaya. Believe it or not, marami na akong babaeng tinanggihan pero wala pang nakakatanggi sa 'kin. Ikaw pa lang."

She smirked. "Do I need to say the exact words? I'm not attracted to you. Kaya hindi ako interesado sa inaalok mong date. Besides, alam ko namang gusto mo lang may mapatunayan sa sarili mo kaya mo ako ginugulo. You can't accept the fact that not all girls would die to date a guy with good looks. Only." Diniinan niya ang huling salita.

Nasilip ni Vanna ang amusement sa mga mata ni Wilson. Hindi ba talaga marunong ma-offend ang lalaking ito? O sadya lang talagang sa sobrang bilib sa sarili ay hindi ito naniniwala sa mga negatibong komento tungkol dito?

"You really think I'm all good looks?" he asked casually while running his fingers through his well-groomed hair. "How could you say that? You don't even know me that well."

Natameme si Vanna. Hindi nga naman niya lubusang kilala si Wilson pero nagsalita siya na parang sigurado siya sa sinabi tungkol dito. Suddenly, she felt like she was no different from those people who judged her just because her father was a psychopath killer.

And Wilson... he was the second person who did not judge her for having a criminal father. Ang unang taong hindi siya hinusgahan ay nakilala niya noong grade school.

Kaya siguro kahit binubuwisit siya ni Wilson ay hindi niya magawang saktan ito. Hindi ito tulad ng iba na lumalapit para kutyain o husgahan siya.

"Spend a day with me, Vanna. Para makilala mo 'ko nang mabuti. I swear there's more to me than just having good looks."

Napatitig si Vanna sa lalaki. Kung totoo mang mayroon pang ibang kahanga-hanga rito bukod sa pisikal na katangian ay hindi siya interesado. She hated human interactions. Mas gusto niyang magkulong nang mag-isa sa kuwarto kaysa ang makipag-date sa kahit sinong lalaki.

"Are you in?" he asked anticipatingly.

"No," mabilis na sagot niya.

Mukhang aapila si Wilson pero tumunog ang cellphone nito. Dinukot nito iyon at sinagot ang tawag. "What?" Saglit nitong pinakinggan ang sinasabi ng kausap bago muling nagsalita. "Fine. I'll be there."

Tumayo na si Wilson. Thank God.

"Tomorrow. Two PM. Chatters' Cafe."

"'Not coming."

Ngumiti lang ito at tumalikod na. Nakakailang hakbang pa lang ang lalaki nang lumingon ito. "By the way, I never thought you'd grew up so feisty. When I told you to learn how to fight, hindi ko sinabing balian mo ng buto 'yong mga nambu-bully sa 'yo. Well, but at least you don't cry anymore now, do you?" He grinned and continued to walk away.

Natigilan si Vanna sa narinig. She held her breath when she realized one thing.

He was that boy! That boy who saved her then!

Campus Girls Series #1: In Love With A Psychopath GirlWhere stories live. Discover now