Chapter 08

62.2K 3.1K 2K
                                    

Chapter 08

Kita ko iyong unti-unting paglaki ng mga mata niya, iyong pag-awang ng labi niya, iyong pagkurap niya, at iyong paghagod ng mga daliri niya sa buhok niya.

"Oh, wow..." sabi niya habang naka-tingin sa akin. "Thank you, Marian."

It was my turn to have my lips part. "You're... welcome," sagot ko sa salamat niya.

Naka-tingin pa rin siya sa akin. Ibinaba niya iyong portrait at hinawakan gamit iyong kanang kamay niya. "I mean... I'm very flattered that you like me, but... I really am not looking for a relationship right now—with the boards and everything."

Kinagat ko iyong dila ko para hindi ako maka-sagot. Gusto kong sabihin sa kanya na hindi naman ako nagdedemand ng time. Hindi ko rin naman siya kukulitin. Pero dumiretso agad siya rito.

"Oh. Okay. Got it. Thanks," sabi ko gaya nung turo sa akin ni Chloe. Tumingin ako sa kanya at ngumiti.

"Marian—"

"Una na ako," sabi ko sa kanya. "Ingat ka pauwi," dagdag ko bago mabilis na tumalikod ako at naglakad pauwi. Hindi ako naiyak gaya nung sinabi ni Chloe—ang tanging nasa isip ko lang ay kailangan kong maka-uwi. Kailangan kong maka-balik sa kwarto ko. Gusto kong humiga sa kama at yakapin iyong unan ko.

Naglakad lang ako nang naglakad.

Narinig ko iyong pagtawag ni Chase sa pangalan ko, pero hindi ako lumingon—nagpanggap lang ako na bingi at walang naririnig. Kailangan ko lang maglakad nang maglakad hanggang sa makarating ako sa bahay namin.

Paghinto ko sa harap ng bahay namin, nakita ko na nandoon si Mama. Naka-tingin siya sa akin. Tapos ay tumingin siya sa likuran ko. Ibinalik niya iyong tingin niya sa akin.

"Pasok na ako," sabi ko habang nilalagpasan ko siya.

"Sino 'yun?"

"Wala."

"Bakit hawak niya 'yung painting mo?"

Hindi ako sumagot. Nagdiretso lang ako sa paglalakad papasok ng bahay. Ayokong makipag-usap sa kanya. Ayokong makipag-usap kahit kanino pa. Gusto ko lang mapag-isa.

"Ma—" I said, frustrated, nang marinig ko na sundan niya ako sa kwarto ko.

"Boyfriend mo ba 'yon?"

"Hindi."

"Bakit ganyan itsura mo? Na-basted ka?"

Huminga ako nang malalim. Nararamdaman ko na iyong paghapdi ng paligid ng mga mata ko. Hindi ko alam kung bakit ganito siya sa akin. Anak niya rin naman ako. Anak niya ba ako?

"Ampon ba ko?" tanong ko habang naka-tingin sa kanya—habang unti-unting nanlalabo iyong paningin ko.

"Anong klaseng tanong 'yan?" galit na sagot niya.

"Kasi iyon lang ang naiisip kong dahilan kung bakit ganyan ka sa 'kin? Baka hindi mo naman talaga ako anak kaya ka ganyan," sabi ko habang mabilis na pinupunasan iyong luha na tumutulo galing sa mata ko. Hindi ko alam kung ano na iyong iniiyakan ko—kung iyong nangyari kanina kay Chase o iyong galit na nararamdaman ko kay Mama na ilang taon kong tiniis.

"Kasi kung anak mo ako, bakit 'di mo na lang ako suportahan? Bakit ikaw iyong unang nanghahatak sa akin pababa, ha, Mama? Mahirap ba talagang gawin 'yon? Mas madali ba na hilahin ako pababa? Ganon ba 'yon?"

Napaawang iyong labi niya. "Aba, Marian Eliana, sumu-sobra ka na!"

"Mas sumu-sobra ka, Mama! Lagi ka na lang ganito sa 'kin! Lagi mo na lang ako kinukumpara kay Kuya, kay Celine, sa lahat ng kakilala mo! Kung ayaw mo talaga sa 'kin, sabihin mo na ngayon! Ano?"

(Yours Series # 4) Zealously Yours (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon