Chapter 04

64K 3.4K 1.6K
                                    

Chapter 04

Even in the midst of the crowd, pansin na pansin pa rin si Chase dahil sa tangkad at sa puti niya. Huminto siya sa paglalakad at lumingon sa akin.

"Saan tayo?" tanong niya.

"Dito," sagot ko. Hindi nga pala niya alam kung saan kami pupunta. Nauna akong maglakad sa kanya dahil medyo masikip dito. Sinabihan ko siya na mag-ingat sa paglalakad dahil maraming magnanakaw dito. "Sorry," sabi ko nung maka-rating kami doon sa maliit na bookstore.

"Why?" he asked.

"Wala—hindi ka ata sanay sa ganitong lugar," sabi ko sa kanya.

He's a med graduate. Mahal ang tuition sa med school, unless kagaya siya ni Kuya na scholar. Kasi kung hindi scholar si Kuya, sigurado ako na hindi siya magiging doctor dahil hindi kaya ni Mama iyong tuition sa school niya pati mga libro at kung anu-ano pang kailangang bayaran.

Nagkibit-balikat siya. "There's always a first time in everything," sagot niya sa akin. "Ito na ba 'yung bookstore?"

Tumango ako. Pumasok kami sa loob. Tinanguan ako nung matanda na nagbebenta. Naggood afternoon si Chase sa lalaki. He's polite—he's well-mannered.

"Sketch pad ho," sabi ko roon kay Manong. Alam niya naman kung ano ang bibilhin ko dahil dito ako simula nung nagcollege ako. Bumili na rin ako ng iba ko pang supplies dahil paubos na rin iyon. "Pahiwalay ho nung sa sketch pad," sabi ko kay Manong nung kinocompute niya na iyong binili ko.

"Here," sabi ni Chase nung abutan niya ako ng dalawang libo.

Kumunot ang noo ko. "Ang dami niyan—168 lang 'yung babayaran."

"Iyong iba?" he asked.

"Ako magbabayad nun," sabi ko. Hindi naman ganoon kakapal iyong mukha ko para pagbayarin siya roon. Iyong sketch pad lang naman iyong nabasa niya ng tubig.

"No, it's fine. Ako na rin magbabayad."

"Ayoko. Nakaka-hiya."

"Sige na," he replied. "Since hindi mo ako sinumbong kay Dr. Nicolas."

"Bakit ba takot ka kay Kuya?" I asked. "Naninigaw ba siya? Nasigawan ka na ba?"

Natawa siya. "Hindi naman."

"Bakit ka takot?"

"Hindi ako takot—I just want to be in his good graces."

"Dahil?"

He shrugged. "I want him to be my mentor."

"Mentor?" I asked.

Tumango siya. "He topped all his boards and he's on the way to become a neurosurgeon—that's the same path I want to take for myself."

Tumango na lang ako. Parang kapareho siya nung mga babae dati na nagpapalakad din sa akin sa Kuya ko. Iyong mga babae na iyon ang dahilan kung bakit nasurvive ko iyong elementary at high school dahil lagi sila nagpapaabot ng pagkain o regalo kay Kuya. Most of the time, ako rin ang kumakain nun dahil maraming 'di pwedeng kainin si Kuya nung athlete pa siya. Nung college nga si Kuya, naka-kuha pa ako ng make-up kit galing kay Ate Joey, e. Nagbenefit talaga ako sa pagkakaroon ng gwapong kapatid.

"Okay," I said. "Pero ako pa rin magbabayad ng binili ko," dugtong ko at natawa siya. Hindi naman ako nagpasama sa kanya para magpa-libre. I just wanted to spend time with him—to know if I really like him o nagwapuhan lang ako sa kanya. So far, gusto ko siya.

"Fair enough," sagot niya. "How about dinner on me?"

"Di ka pa ba pagod?" I asked kasi galing siya sa duty.

(Yours Series # 4) Zealously Yours (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon