Chapter 02

72.3K 3.2K 1.6K
                                    

Chapter 02

Ayoko talaga na maging babae na sa lalaki lang umiikot ang mundo kaya naman nagfocus ako sa ibang mga kailangan kong gawin. Nasa kwarto lang ako habang inaayos iyong sketch ko. Ayoko na lumabas dahil makikita ko na naman si Mama na naka-simangot sa akin. Kailan niya kaya matatanggap na hindi ako magiging teacher? Malapit na akong maka-graduate sa Fine Arts.

Nung maka-rinig ako ng katok, tumayo na ako at lumabas. Magagalit si Mama kapag hindi agad ako lumabas. Simula nung hindi na rito naka-tira si Kuya, mas lalong naha-highlight iyong mga ginagawa ko.

"Nagtuturo na si Celine d'yan sa elementary school," sabi ni Mama. Tumango ako. "Ano'ng trabaho mo pagka-graduate mo d'yan?"

I shrugged. "Hindi ko pa po alam."

She clicked her tongue. "Ayan na nga ang sinasabi ko sa 'yo, Marian. Ano? Talagang aasa ka na lang sa Kuya mo? Hindi ka ba nahihiya?"

I remained silent dahil ayokong pagtalunan na naman 'to. Bakit ba kasi niya pinipilit sa akin na maging teacher ako? Mukha bang dapat akong maging teacher? Napaka-igsi ng pasensya ko. Kung magiging teacher man ako, sigurado ako na marereport agad ako dahil baka patulan ko 'yung mga pasaway na estudyante.

Besides, si Kuya naman ang nagbabayad ng tuition ko. At kung hindi man ako magkakaroon ng trabaho pagka-graduate ko, problema ko na 'yon. Hinding-hindi ako hihingi na pera kay Mama kahit mamatay pa ako sa gutom kasi alam ko isusumbat niya na naman sa akin na bakit hindi na lang ako kumuha ng Educ.

Nung gabi na 'yon, natulog na naman akong badtrip. No wonder badtrip ako araw-araw dahil ganito na lang lagi ang topic. Kung pwede lang talaga na kay Kuya na lang ako tumira, pero hindi pumayag dati dahil ayaw niya na walang kasama si Mama.

Pagdating ko sa school, naupo agad ako sa tabi ni Chloe. She was fiddling with her new camera. She likes photography. And painting. And sports. Ang dami niyang hobby.

"May model ka na?" she asked.

Umiling ako. "Ikaw?"

She nodded. "Daming gwapo 'dun sa Tourism! Gusto mo samahan kita mamaya?" she asked. Mukhang mas excited pa siya na pumunta roon at ginagawa niya lang na dahilan iyong pagtulong sa akin. Lagi siyang tambay doon sa Tourism.

I nodded. "Okay," I replied dahil gusto ko na rin na mayroong masimulan sa requirement namin sa portrait. Hindi ko pa naman talaga favorite magsketch ng tao.

Dumating na iyong professor namin. Nagsimula na iyong klase. I fought boredom because I didn't want to waste my brother's money. Isa pa, kailangan kong maging magaling para hindi naman ako magutom after. If this wouldn't workout, e 'di maghahanap ako ng ibang trabaho, no problem. Mas lalo akong hindi matatahimik kapag ni hindi ko man lang 'to sinubukan.

Sabi nga nila, regret is far worse than failure.

Kung hindi magwork, e 'di hindi. At least hindi ako magwowonder kung ano kaya ang pwedeng mangyari kung sinubukan ko.

"Ano ba ang gusto mo?" Chloe asked habang naglalakad kami papunta sa building ng Tourism students.

"Chinito," I said.

"Marami doon."

"Matangkad."

"Meron."

"Med student," I absentmindedly said.

Napa-tingin sa akin si Chloe. "Med student?" she asked.

"Ha?"

"Sabi mo med student."

(Yours Series # 4) Zealously Yours (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon