"Ahhh!"

"Malaki na ang apoy!"

Mga sigawan nila dumami na kami pagdating sa first floor dahil sa mga iba pang students, lumalaki na din ang apoy at ang usok ay sobrang kapal na. Halos hindi na ako maka-hinga dahil sa sobrang sikip at sa pagtutulakan nila ay napa-upo na naman ako sa sahig at pinag-lalampasan na nila ako at saka naapakan na din ang palda ko.

Walang tumutulong sakin na maka-tayo at ng wala ng tao ay doon palang ako naka-tayo at saka ako dali-dali na bumaba sa hagdan at ng malapit na ako sa may baba ay bigla namang bumagsak ang isang kahoy na galing siguro sa first floor at dahil dun ay natakpan ang daan ko palabas ng building. Malaki na ang apoy at nadidinig ko na din ang semento na parang babagsak sa kung anong oras.

"Tulong!" Sigaw ko, nagbabakasakaling may maka-rinig sakin.

Nagbuntong hininga ako at saka ko tinakpan ang ilong ko ng damit ko at bumalik ako sa second floor para sana tumingin sa taas para kumaway baka sakaling makita, malapit na ako sa may second floor ng may madinig ako sa may unahang room na sumisigaw.

"M-may tao dito! Tulong!" Teka Althea?!

"Althea?!" Sigaw ko.

"Tulong!" Sigaw niya.

Agad akong lumapit sa unang room na nilalamon na din ng apoy ang kalahati dahil ang sa katabing room nito ang sumabog, pinagsisipa ko ang pinto hanggang sa bumukas iyon at saka ko nakita si Althea na naka-upo sa sahig at nag-aagaw hininga na.

Agad ko siyang nilapitan at saka ko binigay sa kaniya ang panyo ko para pang-takip sa ilong at bibig niya, dahan-dahan ko siyang tinulongan maka-tayo at saka ko inakbay ang braso niya sa balikat ko at saka kami dahan-dahan na bumaba kahit pa nga ang apoy ay sinusundan na kami.

"Althea?.. kapit lang." Mahinang sabi ko kahit pa na ako ay hinang hina na.

"S-salamat.." bulong niya.

Nakalapit na kami sa may sarang daan at saka ko pinagsisipa ang kahoy kahit na nakapalda ako, at ng maalis ang kahoy ay saka naman kami dahan-dahan na bumaba at ng maka-alis kami ng building ay akay-akay ko si Althea hanggang sa makarating kami sa may gate at nadidinig ko ang sigaw ni Zander.

Malayo pa kami pero nadidinig ko na siya, napatingin sa gawi namin si Steven at nanlaki ang mga mata niya agad na may lumapit samin na rescue at saka niya binuhat si Althea dahil ito na ang walang malay ngayon, nanlalabo na ang mga mata ko at nahihirapan akong huminga.

Naglakad ako palabas ng gate na ika-ika at pagkalabas ko ay agad na lumapit sakin si Hanz.

"Tricia! Fuck! Are you okay?!" Tanong niya.

Pagkalapit niya ay doon ko na hinayaan na lamunin ako ng kahinaan ko, natumba ang katawan ko sa kaniya na agad naman niyang nasalo, may malay ako pero pagod na pagod ang katawan ko at nahihirapan din ako huminga siguro ay sa usok.

"Shit! Help us!" Inis na sigaw ni Hanz.

May lumapit sakin na lalaki at saka niya inutosan si Hanz na ilagay ako sa ambulance para mabigyan ng oxygen. Pinahiga ako ni Hanz sa strecher at saka naman ako nilagyan ng oxygen mask ng lalaki na nurse.

"Dadalhin ka pa po ba namin sa hospital?" Tanong ng nurse kaya umiling ako. "Sige po, wala ka namang ibang sugat." Sabi nito.

Nararamdaman ko ang kaniyang pag-lagay ng kung ano sa binti at tuhod ko, siguro ay ginagamot niya ang sugat ko doon at yun siguro ang mga nakuha ko ng madapa ako.

At ng matapos na siya ay doon na niya kami iniwan dahil may iba pa daw na sugatan na kailangan nilang asikasohin, umupo ako sa stretcher at saka ko tinanggal ang oxygen sa mukha ko, sapat naman na yung hangin na nakuha ko.

"Ayos kana ba?" Tanong ni Hanz.

"Oo salamat." Sagot ko.

"Mabuti naman, pinag-alala mo ako.." sabi niya. "Nang makita ko si Abi at Elvie kanina na palabas ng gate ng hindi ka kasama agad kaming nag-alala." Sabi niya at yinakap ako.

"Ehem." Naghiwalay kami ng biglang may pumeke ng ubo.

"Puntahan ko muna sila Abi, sabihin kong andito ka." Paalam ni Hanz sakin kaya tumango ako saka naman siya umalis.

"Ano kailangan mo?" Tanong ko.

"Thank you for saving Althea." Sabi niya at kumirot ang puso ko.

"Okay lang.." mahinang sagot ko.

"Alis na ako." Yun lang at umalis na siya.

"Omaygad Tricia!" Boses yun ni Elvie at Abi na agad pumasok sa ambulance.

"Are you okay?" Tanong ni Abi.

"Naku kung nandito ka lang kanina." Sabi ni Elvie.

"Bakit?" Tanong ko.

"Mag-asawa pala si Zander tsaka si Althea." Sabi ni Abi.

"Wei? Seryuso?" Gulat na tanong ko.

"Oo teh, jusko grabe yung sigaw kanina ni Zander.. "Nandun ang asawa ko pano ako kakalma." Ganiyan." Sabi ni Elvie.

"Grabe noh." Sabi naman ni Abi.





Hindi ko alam kong matutuwa ako o malulungkot para kay Steven, alam kong may gusto siya kay Althea at balak niya pa itong ligawan tapos ngayon malalaman niyang mag-asawa pala ito at si Zander, at matutuwa dapat ako dahil wala na akong kaagaw kay Steven dahil wala ng Althea na magkakagusto sa kaniya pabalik dahil may asawa na ito.

















SEPTEMBER_AVERY

Chasing The Heartless Guy Series #2Where stories live. Discover now