CHAPTER SIX

Depuis le début
                                    

Kumunot ang noo ko ng makita ko kung sino ang naka-upo sa may pang-isahang sofa, lumapit ako dun at umupo sa mahabang sofa.

"Ahm.. bakit nandito ka?" Tanong ko at ang malamig niyang mata ang tumitig sakin.

"Ibabalik ko lang yan." Sagot niya sabay turo sa paper bag.

"Ano yan?" Tanong ko at tinignan ang loob.

"Yung sweater mo na naiwan sa van." Sagot niya at tumayo na.

"Thanks." Sagot ko na lang.

"That guy.. why is he here?" Tanong niya.

"Bumisita lang." Sagot ko.

"Visit ha." Mahinang sabi niya.

"Aalis kana?" Tanong ko ng tumalikod siya.

"Yeah." Sagot niya.

"Kain kana muna, ahm.. nagluluto kami." Nagpilit ako ng ngiti.

"No thanks, enjoy." Sabi niya at dere-deretsyong lumabas.

Nagkibit balikat na lang ako bago bumalik sa kusina at nakita ko naman si Hanz na hinahalo na ang karne sa kawali.

"Tagal niyo naman." Sabi niya.

"Tabi na diyan." Sabi ko at inagaw sa kaniya ang sandok.

"May kanin na ba?" Tanong niya.

"Ay wala pa." Napalatak ako.

"Ayan tanga." Sabi niya at nilapitan ang rice cooker.

"Maka tanga ka naman." Sabi ko.

"Okay lang yan, at least pareho tayong tanga." Sabi niya habang nagsasaing. "Pero mas tanga ka nga lang." Sabi niya pa.

"E kung palayasin kita ngayon?" Nakapa-mengwang na tanong ko.

"Joke lang eto naman.." sabi niya at iniwan na ang rice cooker doon. "Pero promise mas tanga ka talaga." Dugtong niya pa.

"Gusto mo isaboy ko toh sayo?" Tanong ko.

"Ay balik na ako sa sala." Agad siyang umalis ng kusina.

"Tss."



Makalipas ang ilang oras ay nakakain na din kami sa wakas at nakapag-hugas na din si Hanz at ngayon ay naglalaro kami ng ml sa sala, kasama namin sa laro si Abi at Elvie online kasi ang dalawa.

"Abi dito ka lang." Sabi ni Hanz at ngumiwi ako.

["Tricia nandiyan yung kagura."] Sabi ni Elvie sa kabilang linya.

"Fuck!" Sigaw ni Hanz.

["Ayan sugod kasi ng sugod."] Sabi naman ni Abi.

"Niligtas kana nga e." Ngumuso si Hanz.

["Tricia patong!"] Sigaw ni Elvie kaya naman pumatong ako sa kaniya.

"TRIPLE KILL."

"Woah!" Sigaw ko.

["Chamba!"] Pang-aasar ni Abi kay Elvie.

"Mahina." Sabi naman ni Hanz.

["Ulol, mamaya savage toh— sino kausap mo?"] Boses ba ni Steven yun?

"Elvie nandiyan yung lance!" Napasigaw ako ng mapatay si Elvie.

"Savage pala ah." Tumawa si Hanz.

["Aray patay HAHAHA."] Tumawa ng malakas si Abi.

["I hate you kuya!"] Sigaw ni Elvie.

"Deserve."

["Deserve."]

Sabay na sabi ni Hanz at Abi.


Ilang minuto pa ang lumipas sa laro...

"DEFEAT."


["Bobo kasi Hanz!"] Sigaw ni Abi.

"Sabing sa base e." Pinalo ko sa braso si Hanz na tawa lang ng tawa.

["Tangina mo Hanz sayang star ko!"] Inis na sigaw ni Elvie.

"Sayang din naman star ko." Tawa parin ng tawa si Hanz.

"Ulol!" Sigaw ko sa kaniya.



Umalis na ako ng lobby ng umalis na din sila Abi, pinatay ko ang phone ko at saka naman huminto si Hanz sa kakatawa.

"Uuwi na nga ako." Sabi nito at kinuha ang jacket.

"Akala ko wala kanang balak umuwi, 10:30pm na oh." Sarkastiko na sabi ko.

"Sige dito na lang ako matutulog." Sabi niya bigla.

"Umuwi kana! Layas!" Tinulak ko siya palabas ng pinto.




Tatawa-tawa naman siyang lumabas at ng makalabas na siya ay agad kong sinara ang pinto at saka naman ako pumasok sa kwarto ko at saka ako nag-shower at saka ako natulog, parang nakakapagod atah ang araw na toh tapos may pasok pa bukas.


Nakakatuwa naman malapit na ang graduation namin, makakapag-pahinga na ako kahit mga ilang buwan.















SEPTEMBER_AVERY

Chasing The Heartless Guy Series #2Où les histoires vivent. Découvrez maintenant