LABING DALAWA

Magsimula sa umpisa
                                    

Fvck! I can't remember a thing!

Mariin akong napapikit bago siya nahihiyang tiningnan. “M-may ginawa ba akong out of this world? Or baka may mga sinabi akong hindi makatotohanan?” I forced a smile.

Hindi nagbago ang ekpresyon niya. Pero halata ko sa mga mata niya ang lungkot na parang nagtatanong at may gustong sabihin. Nakaramdam ako nang takot at kinakabahan sa mga titig niyang iyon.

So, I did something last night?

He shook his head and averted his eyes somewhere. “Wala naman, natulog ka lang at...” he paused and looked back at me. “Natulog.”

Naningkit ang mga mata ko at hinampas siya sa braso. “Bwisit! Akala ko naman may ginawa na 'ko!” singhal ko sa kan'ya bago muling binalik ang tingin sa suot ko. “Siya nga pala, bakit hindi niyo ako pinalitan ng damit? Alam mo namang ayaw na ayaw kong humihiga sa kama ko nang walang ligo.” Tiningnan ko siya at tiningnan nang masama

“May respeto pa rin naman ako sa'yo kahit ilang beses ko nang nakita ang katawan mo. Ayoko rin na may masabi ka sa'kin, lalo na ngayong may...” Umiwas siya nang tingin at nagda-dalawang kung itutuloy pa ang sasabihin. “May boyfriend ka na...” mahinang sabi niya.

“What?! May boyfriend ako?!”

Sino namang may sabi na may boyfriend na ako? At kung si Aiko 'man ang tinutukoy niya, wala pang kami. Masyado naman yata siyang mabilis para pag-isipan ako nang ganoon.

Napairap na lang ako sa ere bago nagsimulang maglakad palabas ng kwarto ko. Wala akong dapat na ipaliwanag, kung iyon ang iniisip niya, fine. Wala na rin naman kami kaya dapat magsimula na akong ilugar ang feelings ko bilang kaibigan niya, para hindi na kami parehong nasasaktan.

“Nasaan si Manang Diday? Hindi ba't siya ang tinawag ko kanina?” tanong ko nang naramdaman ko ang pagsunod niya sa akin.

“Wala si Manang Diday, may notes akong nabasa sa ref mo kagabi. Hindi raw siya makakapasok, kaya hindi na rin kita naiwan baka kung ano pa ang mangyari sa'yo lalo na at nag-iisa ka dito.”

“Okay pa naman ako, p'wede ka nang umalis.” Nagtungo ako sa may hagdan at hahakbang na sana pababa nang muli akong nakaramdam nang pananakit ng ulo. Napahawak ako sa railings at muntik nang mawalan ng balanse nang bigla akong hinawakan ni Aki sa braso.

“Be careful! Muntik ka nang mahulog,” sermon pa niya sa akin.

“I am. Sumasakit lang talaga ang ulo ko,” sagot ko pabalik sa kan'ya at kukunin ko na sana ang braso nang hindi niya ito binitawan.

“Ako na, baka mahulog ka pa.” Inalalayan niya akong bumaba na halata ang galit sa boses niya. Hindi na lang ako nagsalita at hinayaan siyang alalayan ako. Baka nga mahulog ako, mahirap na.

“Nagluto ako ng soup, alam ko namang mangyayari 'to. Sana naman pagkatapos nito hindi ka na umiinom nang mag-isa. Kababae mo pa namang tao,” sermon pa niya.

Napasinghap lang ako at inirapan siya. Sana rin hindi siya nagagalit, 'no. Sumasakit na nga ang ulo ko sinisermonan pa niya ako. Feeling boyfriend. Tsk.

Pagkababa namin ianalalayan niya pa rin ako patungo sa dining room. Nagulat ako nang makita ang mesa na punong-puno ng mga pagkain.

“May bisita ka ba at kung makapagluto ka parang ang takaw kong tao.”

Inalalayan niya lang ako sa upuan ko at maingat na pinaupo doon. Hindi siya nagsalita. Tinalikuran pa niya ako at nagtungo sa may kitchen.

Pinanuod ko lang siya hanggang sa pagbalik niya na may dala-dala pa rin na pagkain.

“Aki! Sinasayang mo ang mga pagkain, ang dami niyan para sa akin!” reklamo ko pa at muling tiningnan ang mesa.

Binibwisit niya ba talaga ako? Dahil kung oo, masasapak ko na talaga siya. Pasalamat siya sumasakit ang ulo ko at hindi ako makakilos nang maayos.

“Sino bang may sabi na ikaw lang ang kakain niyan?“ aniya at ibinaba ang fried rice na dala niya sa mesa. “May darating kang bisita, hindi mo alam?” dagdag pa niya at tumingin sa akin.

Kumunot ang noo ko at umiling. May bisita ba talaga ako? Sino?

“Hindi mo maalala? You called your Uncle last night. I tried to stop you, pero ang tigas ng ulo mo. Ayan tuloy, nagkaroon ka ng bisita nang wala sa oras.” Ngumisi siya bago muling bumalik sa kusina.

“Ha?! Bakit hindi mo ako pinigilan? Ano pang sabi ko?! Aki!” sisigaw ko.

Nakakainis. Hindi pa nga nagsisimula ang araw ko sirang-sira na agad. Ano bang ginawa ko para parusahan ako nang ganito?! Bwisit!

“What?!” sisigaw niya pabalik. Bakas sa boses niya ang panunuya kaya mas lalo akong nainis.

Nasaan ba kasi si Aiko at bakit hindi siya ang nag-iintindi sa akin. Kapag kailangan palaging nawawala, tapos biglang susulpot na lang kung kailan niya gusto.

Humingi kaya ako kay Aki ng number niya?

Umiling ako sa sarili kong ideya. Bad idea.

“Bibigyan mo raw sila ng pera kaya maaga pa lang pupunta na sila rito. You offered them kaya hindi ka na makakatanggi.”

Nasapo ko ang sarili kong noo sa frustration. Mas lalong sumasakit ang ulo ko sa lalaking 'to. Imbis na alagaan ako bininigyan pa ako ng problema.

“But I told them na lasing ka lang kaya huwag na silang tumuloy,” dagdag pa niya sabay halakhak.

Parang nagdi-dilim na ang paningin ko sa mga oras na ito. Naningkit ang mga mata kong nag-angat nang tingin at matalim siyang tiningnan.

“Pinagti-tripan mo ba ako? Aki naman! Sabi nang masakit ang ulo ko, e!”

Tumawa lang siya bago umupo sa tabing upuan ko. Matalim ko lang siyang tiningnan. At sa mga oras na ito, gusto ko na lang siyang saksakin ng tinidor sa galit at inis na nararamdaman ko.

Kumukulo talaga ang dugo ko. Bwisit ka, Aki!

Ilang minuto pa ang lumipas bago siya tumigil sa pagtawa at biglang seryoso na kumuha ng mga pagkain na niluto niya.

“But I invited someone...” biglang sabi niya na kumuha nang atensyon ko. Seryoso lang siya sa pagkuha ng mga pagkain bago lumingon sa akin. “I invited him to eat with us. Okay lang naman sa'yo 'yon, 'di ba?” aniya pa.

Mas lalo akong naguluhan sa sinabi niya. “Who?”

Ngumiti siya. “Your boyfriend...” he said and returned his attention on his food. “Si Aiko...” dagdag pa niya habang seryoso na sa pagkain.

Naghihiganti na ba siya?

✔ || Midnight Mask Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon