Ang Planong Paghihiganti

26 2 0
                                    

Habang tahimik na humihigop ng mainit na kape ay pinagmamasdan ni Renji ang malungkot na si Jade na nakasubsob ang mukha sa kabaong ng kanyang kapatid. At sa mga sandaling iyon ay nakaramdam ng awa si Renji sa dalaga at sinisi nito ang kanyang sarili sapagkat siya ang dahilan kung bakit namatay si Arman...

"Kasalanan ko ang lahat... Ako ang dapat na sisihin sa pagkamatay ni Kuya Arman at ng kanyang mga magulang. Kung hindi sana ako nakilala ng pamilyang ito ay masaya pa sana sila hanggang ngayon..." Wika ni Renji sa kanyang isipin sabay yuko at higop ng kape sa hawak-hawak niyang tasa.

Lingid sa kaalaman ni Renji ay nabasa ni Jade ang isip ni Renji kung kaya't napatingin ito sa binata...

"Hindi mo kasalanan ang lahat Renji... Kagustuhsn ni kuya ang tulungan kang maging malakas kaya hindi mo dapat sinisisi ang sarili mo... Kasalanan ito ng mga pumaslang sa kanya!!!.." Wika naman ni Jade na ikinagulat ng binata...

"Himdi ka dapat nagugulat nang ganyan sapagkat may kakayahan talaga kaming malaman at marinig ang mga iniisip ng isang nilalang..." Dugtong pa ni Jade sa kanyang sinabi..

Nang mga sandaling iyon ay tahimik lamang si Renji at hindi nagsasalita. At pagkalipas ng isang oras ay nagpaalam na si Renji kay Jade at pagkatapos ay tumayo na ito sa kanyang kinauupuan at naglakad na palayo. At habang papalayo si Renji ay pinagmamasdan siya ni Jade. At batid na ni Jade ang planong paghihiganti ng binata kung kaya't plano niya itong sundan sapagkat ayaw niyang mapahamak ang binata sapagkat may lihim siyang pagtingin sa binata at iyon ay hindi alam ni Renji...

"Nawala na sa akin sina kuya, mama, at papa!!... At sa pagkakataong ito ay hindi ko na hahayaang mawala ang aking minamahal!..." Wika ni Jade sa kanyang sarili.. At sa isang kisap-mata lamang ay naglahong parang bula si Renji...

Nang makarating na si Renji sa kanilabg tahanan ay mabilis niyang tinungo ang kanyang silid at binuksan ang isang baul. At sa mga sandaling iyon ay kinuha niya ang benditadong espada na ibinigay sa kanya ni Arman. Iyon abg Espada na pagmamay-ari ni Aira. Ibinigay niya ito kay Arman bago ito magtungo sa Kaharian Ng Medesia, at ipinagbilin ni Aira kay Arman na ibigay iyon kayvRenji pagsapit ng tamabg panahon... At pagkatapos ay bigla itong lumutang at naglaho upang hindi ito makita ng sinoman. At pagkalipas ng isang minuto ay lumabas na si Renji sa kanyang silid at sumumod naman sa kanyang ang benditadong espada. At nang makita ni Damela si Renji ay kinausap niya ito.

"Renji, saan ka pupunta???..." Tanong ni Damela sa binata.

"Tita Damela, hindi na po ako magsisinungaling sa iyo dahil hindi ko po gawain iyon... Nais ko pong ipaghiganti ang pagkamatay ni Master Arman at ang kanyang mga magulang nito..." Seryosong tugon ni Renji na labis namang ikinagulat ni Damela...

"Ha!!?... Ano!!?... Tama ba ang narinig ko!!?... Patay na si Arman at ang mga magulang niya!!?... K- - - Kailan pa!!?..." Gulat na gulat na tanong ni Dameka kay Renji...

"Kagabi po, mga bandabg 9:00 ng gabi..." Seryosobg tugon ni Renji sa tanong ni Damela hababg nakayukom ang kamay nito...

"Renji... Wala akong balak na oigilan ka sa gagawin mo ngunit mag-iingat ka lang para hindi ka mapahamak..." Wika ni Damela sa binata...

At mayamaya ay kinuha ni Damela ang puting aklat na nasa kanyang kanang bulsa at hinanap ang orasyong magbibigay kay Renji ng proteksyon laban sa mga masasamang nilalang. At nang mahanap iyon ni Damela ay sinimulan na niya itong banggitin nang paulit-ulit. At pagkalipas lamang ng isang minuto ay may pananggalang na lumitaw sa buong katawan ni Renji ngunit ang binata at si Damela lamang ang nakakakita ng pananggalang na iyon...

"Ang pananggalang na iyan ang magbibigay sa iyo ng proteksyon para hindi ka tuluyang mapaslang ng mga masasamang Aswang na iyon... Oo, masasaktan ka sa bawat pag-ataki nila ngunit hindi iyon gaanong tatalab sa iyo dahil ang pananggalang na inilagay ko sa iyo ay may kasamang panghilom..." Seryosong wika ni Damela kay Renji sabay yakap sa binata...

"Mag-iingat ka Renji..." Dugtong pa ni Damela sa kanyang sinabi habang nakayakap nang mahigpit sa binata..

"Opo tita... Mag-iingat po ako..." Nakangiting tugon naman ni Renji kay Damela... Ilang sandali pa ang lumipas ay kumalas na si Damela sa pagkayakap sa binata, at nagsimula nang maglakad si Renji palayo sa kanilang tahanan..

Mayamaya ay biglang naramdaman ni Damela ang isang aura, at alam ni Damela na nasa paligid lamang ang pinagmumulan ng aurang iyon.

"Jade!.. Alam kong ikaw iyan!... Lumapit ka rito sandali dahil may sasabihin lang ako sa iyo bago mo sundan si Renji!..." Wika ni Damela sa pinagmumulan ng aura sapagkat batid na ni Damela na nais nitong sundan si Renji... At sa isang iglap lamang ay naroon na si Jade sa harapan ni Damela...

"Bantayan mo si Renji... Huwag mong hahayaang mapaslang siya ng mga masasamang Aswang..  At bantayan mo rin ang aura ni Renji dahil sa oras na humina ang aura ni Renji ay mawawalan ng bisa ang pananggalang na inilagay ko sa kanya at baka tuluyan itong mawala kaya bantayan mo siya nang mabuti..." Bilin ni Damela sa dalaga...

"Makakaasa po kayo na babantayan ko suya tita Damela dahil hindi ko na po papayagang mawala sa akin ang lalaking mahalaga sa akin!..." Nakangiting  tugon naman ni Jade kay Damela.. At nang matapos na ang pag-uusap nina Jade at Damela ay sinundan na ni Jade si Renji na nakalayo na nang tuluyan sa kanilang tahanan...

Renji, The Aswang SlayerOnde histórias criam vida. Descubra agora