Ang Simula

81 5 0
                                    

Introduction...

Naniniwala ka ba sa mga kakaibang nilalang o Mythical Creatures na pinaniniwalaan ng tao dito sa mundo?... Kung naniniwala ka sa mga kakaibang nilalang na ito, sigurado ako na nanimiwala ka rin sa mga nilalang na tinatawag na "Aswang". Nakakita ka na ba ng Aswang o nakaharap mo na ba ang nilalang na ito????... Ako kase, himdi pa. Hindi pa. Hindi pa ako nakakakita ng Aswang. Napapanood ko lamang sila sa mga palabas at sa YouTube, pero sa totoong buhay ay di pa ako nakakakita ng Aswang. Pero anong malay natin? Baka isang araw, makakita at malkaharap ang nilalang na ito???...

Ang kuwentong ito ay kathang-isip lamang at walang kinalaman sa totoong buhay. At ang mga pangalan ng mga tao, pangyayari, at ang mga pangalan ng lugar na mababanggit sa kuwentong ito ay gawa-gawa lamang, at ito ay nagmula sa malikot na isipan ng manunulat...
.........

Simula Ng Kuwento...

Sa isang nayon sa bayan ng Donsol na kung tawagin ay Ogod ay nakatira ang isang binatang nagngangalang Renji Avara, 19 taong gulang. Ulila nang lubos si Renji sa kanyang mga magulang sapagkat noong 10 taong gulang palamang ang binata ay pumanaw na ang mga magulang nito, at dahil iyon sa isang malagim na trahedya na nangyari sa pamilya ng binata. Bukod pa riyan, ang dalawang kapatid na babae ni Renji ay itinakas ng matalik na kaibigan ng mga magulang ni Renji at dinala sa malayong lugar upang hindi ito matunton ng mga pumaslang sa mga magulang ng binata samantalang si Renji naman ay naiiwang nag-iisa sa kanilang tahanan. At mula nang araw na iyon ay  nagpalaboy-laboy  na ang kawawang si Renji sapagkat walang kamag-anak ang pamilya ni Renji sa bayang iyon sapagkat bago palamang sila sa nayon na kanilang tinitirahan noon sapagkat ang mga magulang ni Renji ay hindi nagmula sa Mundo Ng Mga Tao. Sila ay nagmula sa kakaibang mundo na kung tawagin ay Medicus, ang mundo kung saan nakatira ang mga Diwata, Engkanto, Aswang, at iba pang mga kakaibang nilalang. Tumakas ang mga magulang ni Renji sa kanilang mundo sapagkat nais paslangin ng ibang mga kamag-anak ng magulang ni Renji ang kanyang dalawang kapatid na babae. At ng mga panahong iyon ay himdi pa ipinapanganak si Renji. At dahil sa nanganganib ang buhay ng dalawang kapatid na babae ni Renji na sina Nayumi at Aira ay napilitan ang mga magulang ni Renji na sina Liandro at Althea na magtungo sa Mundo Ng Mga Tao upang doon manirahan at nang upang mailigtas na rin  ang buhay nina Nayumi at Aira sa mga gustong pumaslang sa mga ito... At makalipas ang tatlong taon ay isinilang ni Althea ang isang sanggol na lalaki, at pinanglanan nila itong Renji. Nang mga panahong iyon ay mapayapa naman ang naging pamumuhay ng pamilya ni Renji sa Mundo Ng Mga Tao ngunit nang sumapit na si Renji sa kanyang ika- 10 taong gulabg ay naganap ang isang napakalungkot at napakalagim na pangyayari sapagkat natuntun ng mga gustong pumaslang kina Nayumi at Aira ang kinaroroonan ng tahanan ng mga ito. At sa pagkakataong iyon ay naganap ang isang matinding labanan, at nakita nina Nayumi, Aira, at Renji ang pagbabagong anyo ng kanilang mga magulang ganoon din ang mga gustong pumaslang kina Nayumi at Naira. At doon nalaman nina Nayumi at Aira na sila ay kabilang sa lahi ng mga Aswang samantalang si Renji ay nalilito sa mga pangyayaring kanyang nasasaksihan. At habang nagaganap ang matinding labanan sa pagitan ng mga magulang nina Nayumi, Aira, at Renji at ng mga nais pumaslang sa dalawang kapatid na babae ni Renji ay nakita ng magkakapatid na napaslang ng mga nais pumaslang kina Nayumi at Aira ang kanilang mga magulang kung kaya't nalungkot sina Nayumi, Aira, at Renji sa pagkamatay ng kanilang mga magulang. At nang akmang susugurin ng mga pumaslang sa mga magulang nina Nayumi, Aira, at Renji sina Nayumi at Aira ay biglang dumating ang matalik na kaibigan ng mga magulang nina Nayumi, Aira, at Renji at mabilis nitong pinaslang ang dalawa sa mga pumaslang sa mga magulang nina Nayumi, Aira, at Renji habang ang isa naman ay mabilis na nakatakas. At nang mga panahong iyon ay mabilis na nagtago si Renji sa ilalim ng kanilang kama sapagkat hindina nito alam ang kanyang gagawin samantalang ang dalawang kapatid naman ni Renji na sina Nayumi at Aira ay dinala na ng matalik na kaibigan ng kanilang mga magulang sa malayong lugar upang masiguro ang kaligtasan ng dalawang kapatid na babae ni Renji. At nang mga panahong iyon ay naiwan si Renji na nag-iisa sa kanilang tahanan. At nang lumabas na,si Renjibsa kanilang tahanan ay nakita niyang walana ang mga katawan ng kanyang mga magulang kung kaya't lalong tumindi ang kanyang kalungkutan.

At mula nang araw na iyon ay kung saan saan na napunta si Renji. Sa madaling salita ay naging palaboy si Renji hanggang sa matagpuan siya ng mag-asawang sina Kevin at Reena Villaserra. At mula nang matagpuan nina Kevin at Reena si Renji ay kinupkop na nila ito at itinuring na parang isang tunay na anak sapagkat kailanman ay hindi nagkaroon ng anak sina Kevin at Reena. At mula nang kinupkop nina Kevin at Reena si Renji ay naging masaya at maligaya ang pagsasama ng mag-asawa. At lahat ng kailangan ni Renji ay ibinigay ng mag-asawa kay Renji at pinag-aral pa nila ito sa isabg magandang paaralan. At habang lumalaki si Renji ay napansin nina Kevin at Reena na hindi ito maluho at mapaghangad ng materyal na bagay sa halip ay matulungin pa ito sa kanyang kapwa kung kaya't labis na natuwa ang mag-asawa sa kabutihang ipinapakita ni Renji sa kanyang kapawa.

Nang sumapit na sa ika- 17 taong gulang si Renji ay pumanaw na ang itinuring niyang ina at dahil iyon sa sakit sa puso. At pagkalipas ng isang taon ay pumanaw na rin ang ama-amahan ni Renji at dahil din iyon sa sakit sa puso. Ngunit bago pumanaw ang ama-amahan ni Renji ay nailipat na nito ang kanyang mga ari-arian at mga negosyo sa pangalan ni Renji kung kaya't si Renji na ang ang namahala sa mga negosyo at ari-arian ng kanyang ama-amahan. At ang mga negosyo ng ama-amahan ni Renji ay lalong lumago sapagkat magaling magpatakbo ng mga negosyo ang binata. At bukod pa riyan ay hindi malupit si Renji sa kanyang mga trabahador at mga empleyado kung kaya't hindi siya iniiwanan ng mga ito, sa halip ay lalo pa nilang pinagbubuti ang kanilang mga trabaho...

Sa kasalukuyan ay patuloy pa rin sa kanyang pamumuhay si Renji. Ngunit kapag dumarating ang mga sandali na naaala niya ang malagim na sinapit ng tunay niyang mga magulang ay hindi maiwasang makungkot at mapaluha ng binata...

Ngunit ang hindi alam ni Renji na abg kabyabg kinalakihang magulabg ay kabilabg rin sa lahi ng mga Aswang at ang mga ito ay matalik na kaibigan din ng kanyang mga magulang.

Renji, The Aswang SlayerOnde as histórias ganham vida. Descobre agora