Ang Unang Pagkikita Nina Queen Rita At Renji

36 4 0
                                    

At pagkalipas ng isang minuto ay muling lumipad sina Queen Rita at Aileen sa himpapawid patungo sa tahanan nina Renji at Damela.

"Binabati kita Aileen sapagkat matagumpay mong natapos ang iyong misyon, ang bantayan ang dalawang tagapagmana ng Mutya Ng Mabuting Aswang! At dahil sa iyong ginawa ay naipasa na namin sa kanila ang mga Mutya kaya naman ikaw ay pinagkakalooban ko ng dagdag na kapangyarihan upang lalo mong magawa ang iyong isa pang misyon, ang bantayan ang bagong tagapaslang ng mga masasamang Aswang!.." Wika ni Queen Rita kay Aileen sabay lapit dito.

At sa pagkakataong iyon ay ipinatong ni Queen Rita ang kanyang kanang kamay sa noo ni Aileen. At ilang sandali pa ang lumipas ay naramdaman ni Aileen na may napakalakas na kapangyarihang dumadaloy sa kanyang katawan. At nang matapos na ni Queen Rita ang pagbibigay ng karagdagang kapangyarihan kay Aileen ay dumistansya na ito kay Aileen.

"Maraming salamat po sa kaloob ninyong karagdagang  kapangyarihan Mahal na Reyna!.." Masayang sabi ni Aileen kay Queen Rita habang patuloy sila sa paglipad.

"Walang anuman Aileen!.." Tugon naman ni Queen Rita sa sinabi ni Aileen sabay ngiti rito.

Sa Tahanan Nina Renji...

Habang naroon si Renji sa kanyang silid ay nakadapa ito sa kanyang kama habang naglalaro ng Mobile Legends. At pagkaraan ng kalahating oras ay natapos na si Renji sa kanyang ginagawa kung kaya't itinago na ng binata ang kanyang Cellphone sa kanyang bulsa at kumabas sa kanyang silid at nagtungo sa hapag-kainan sapagkat tinatawag na siya ni Damela para kumain. At nang makarating na si Renji sa hapag-kainan ay naratnan niya sina Sarah at Hanna, ang kambal na anak ni Damela. At ang mga anak ni Damela ay kaedad lamang ni Renji.

Mula nang sanggol palamang sina Sarah at Hanna ay pumanaw na ang ama ng mga ito sapagkat ang kanilang ama ay napaslang habang nakikipaglaban ito sa mga masasamang Mangkukulam na narito sa Mundo Ng Mga Tao, at kasama ng ama nina Sarah at Hanna sa pakikipaglaban ang mga Mabuting Aswang.

Mayamaya ay naupo na si Renji sa tabi ni Damela at pagkatapos ay kumuha na ito ng pinggan at sumandok ng kanin sa kaldero na nasa gitna ng lamesa. At ilang sandali pa ang lumipas ay nagsimula nang kumain ang lahat. At habang nasa kalagitnaan ng paghahapunan ang lahat ay bigla silang natigilan sapagkat  narinig nilang may kumakatok sa pintuan. At nang binuksan ng isa sa mga katulong ang pintuan ay laking gulat nina Damela, Sarah, Hanna, at Renji sapagkat nakita nila sina Aileen at Queen Rita na nakatayo sa harapan ng pintuan ngunit hindi kilala nina Sarah , Hanna, at Renji si Queen Rita.. Sa mga oras na iyon ay napatayo ang lahat sa kanilang kinauupuan. At pinagmasdan ni Renji si Queen Rita, at napansin ng binata na kamukha ito ng kanyang pumanaw na ina..

"Mama???... Ikaw ba iyan???..." Naluluhang tanong ni Renji kay Queen Riya..

Pasensiya na Renji ngunit hindi ako ang iyong ina..." Mahinahong tugon ni Queen Rita sa binata.

"Ako ang lola Rita mo Renji!.." Dugtong pa ni Queen Rita sa kanyang sinabi..

At dahil sa sinabing iyon ni Queen Rita ay hindi nakagalaw si Renji sa kanyang kinatatayuan at pinagmasdan pa ng binata ang kanyang lola. At nang mapatunayan ni Renji na ito nga ang kanyang lola ay nilapitan niya ito nang mabilis sabay yakap nang mahigpit ni Renji sa kanyang lola habang umiiyak ang binata.

"Patawarin mo ako apo kung ngayon lang ako nakabisita sa iyo... Marami kase akong inasikaso noon sa kaharian. At inakala namin ng iyong lolo na ang dalawang ate mo nalamang ang natirang buhay pagkatapos paslangin ng masasama mong tiyo ang inyong mga magulang..." Makungkot na wika ni Queen Rita kay Renji habang hinihimas nito ang likod ng binata.

"Wala po kayong dapat na ihingi ng tawad lola... Ang mahalaga ay nagkita na po tayo at ngayon ay alam ko na po na may lola pa ako!..." Masayang tugon ni Renji sa kanyang lola sabay kalas nito sa pagkayakap sa kanyang lola at sabay punas ng binata sa kanyang mga mata gamit ang panyo..

"Nakakatuwa namang makitang masaya si Renji!..." Masayang wika nina Sarah at Hanna sabay ngiti ng dalawa kay Renji.. At gumanti rin ng ngiti si Renji kina Sarah at Hanna...

At mayamaya ay niyaya ni Damela sina Aileen at Queen Rita na kumain, at pumayag naman ang dalawa... Sa pagkalataong ay lumipat si Damela sa tabi ng upuan ni Sarah habang si Queen Rita naman ay naupo sa kaliwang gilid ni Renji samantalang si Aileen naman ay naupo sa kanang gilid ng binata...

"Lola... Paano po ninyo nalaman na buhay pa po ako??.." Tanong ni Renji kay Queen Rita..

"Ganito kase iyan apo... Noong dumating sina Nayumi at Aira sa Kaharian ay sinabi nila sa amin na buhay ka pa!... At sa tulong ni Aileen ay natuntun ko ang kinaroroonan mo apo!.." Tugon ni Queen Rita kay Renji.... At ngiti lamang ang isinagot ni Renji sa sinabi ng kanyang lola at hindina ito umimik.pa.. At nang matapos nang kumain ang lahat ay nagpatuloy pa ang pag-uusap nina Queen Rita at Renji. At doon ay nalaman ni Renji sa kanyang lola na lagi siyang naalala nina Nayumi at Aira kung kaya't napangiti ang binata sa kantang mga narinig.. At nang matapos na ang pag-uusap nina Renji at Queen Rita ay lumapit si Queen Rita kay Damela at kinausap niya ito..

"Ikaw ba ang kapatid ni Reena, ang isa sa nga matalik na kaibigan nina Liandro at Althea???.." Tanong ni Queen Rita kay Damela...

"Opo Mahal Na Reyna. Ako nga po iyon!.." Tugon naman ni Damela kay Queen Rita..

At mayamaya ay may lumitaw na maliit na puting aklat sa kanang kamay ni Queen Rita at ibinigay niya iyon kay Damela, at nakangiti naman itong tinanggap ni Damela...

"Tanggapin mo ang aklat na iyan Damela... Diyan nakasulat ang lahat ng mga ritwal kung paano mo palalakasin ang iyong kapangyarihan bilang isang Mabuting Aswang at bilang isang Mabuting Mangkukulam.!..." Wika ni Queen Rita kay Damela..

"Maraming salamat po Mahal na Reyna Rita!.." Tugon naman ni Damela sa sinabi sa kanya ni Queen Rita.

"Walang anoman iyon Damela!..." Tugon naman ni Queen Riya sa sinabi ni Damela. At nang matapos na ang pag-uusap niba Damela at Queen Rita ay nagpaalam na si Queen Rita sa lahat at pagkatapos ay naglaho na itong parang bula at  bumalik na ito sa kaharian ng Medesia. At ilang sandali pa ang  lumipas ay nagpaalam na rin si Aileen kina Damela, Sarah, Hanna, at Renji at pagkatapos ay naglaho na rin itong parang bula at bumalik na sa kanyang tahanan.

At pagsapit ng 9:00 ng gabi ay nagtungo na ang lahat sa kani-kanilang mga silid upang matulog. At walang kaalam-alam si Renji na may malagim na trahedya naganap sa tahanan ng nagtuturo sa kanya kung paano makipaglaban sa masasamang nilalang gaya ng mga masasamang Aswang at iba pang masasamang nilalang...

Renji, The Aswang SlayerWhere stories live. Discover now