Chapter 39 - The Only One Left

Start from the beginning
                                    

"I sneaked in from that whore's room." we gasped from what we heard from Axel. Is he insane? Paano kung nahuli siya o may nakakita sa kanyang pumasok doon? Baka death penalty pa ang ihatol sa kanya ng mga heads. Lalo na it's a woman's dorm. Labag 'yun sa school's rules and regulations.

"Yeah yeah, You think I'm kind of insane to do that. But at least I got a picture of that freaking pendant." then nilapag niya sa table ang mga pinaphotocopy niya na pictures. Isa isa kaming kumuha ng kopya at mabusising tinignan ito. 

Mas mukha itong locket. Sa loob nito may mga lumang pictures na sa tingin ko ay mga nakalipas na pinuno ng Mafia Vantress. Puro dyamante at perlas ang mga nakaattached sa locket. Then may gintong palakwintasan. 

"Mr. Bermudez, can you tell if this is legit?" pagbaba ni Juno ng litrato at binaling ang titig sa private investigator na dinala niya. 

"Noon, nagawa kong makapasok sa loob ng pamamahay ng mga Vantress. Ang nakakapagtaka lang, hindi ganito ang nakita ko." pailing iling niyang sabi habang sinusuri ang litrato sa iba't ibang anggulo. 

Nahulog kami sa malalim na pag-iisip. Then isang matibay na pahiwatig na iyon na peke nga ang Kirsten na nakuha ni Spade. Pero bakit hindi alam ni Spade? O ... 

alam niya pero may rason siya kung bakit siya nagpapanggap na naniniwala siya sa babaeng 'yun?

May possibility na ganoon nga ang nangyari. Siya ang susunod na tagapagmana kaya imposible namang hindi niya alam ang tunay na itsura ng pendant. Tumingin kaagad ako kay Mr. Bermudez and I spilled out my curiosity. "Teka, I think we're missing something out." bigla naman silang napatigil sa mga ginagawa nila at pinukol sa akin ang mga tingin nila. 

"What really happened at nawala ng biglaan for 10 years si Kirsten?" nagpalakad lakad muli ang kasama naming imbestigador. Para bang iniisip niya ng maigi ang nangyari sampung taon na ang nakararaan. 

"Ah!" hiyaw niya. Bumalik siya sa pagkakaupo at tinungkod ang dalawa niyang braso at pinagdikit ang dalawang mga palad niya. "Ten years ago, may nangyaring massacre sa isang rest house or villa yata 'yun ng mga Vantress. Mabilis na lumikas ang pamilya sa lugar na iyon. There was a thunderstorm that day, if my memory is right. Sa mismong araw din na iyon ay lumipad sila papuntang England. About three weeks nang magpadala ng mga tauhan ang head para hanapin ang nawawalang pendant. Then napag-alaman na binigay pala ito ng heir sa kanyang crown princess bago sila tumakas noong araw na iyon. Simula noon, maraming nagkainteres na hanapin ang bata o kaya ang pendant. Siyempre may mga nagpanggap din, katagalan dahil ilang taon na ang lumipas." he even showed us some pictures of the well known impostors who pretended to be the long lost crown princess. 

"Edi wala talagang nakakaalam kung ano ang itsura niya? We can't hold on to the initial findings about her looks since ten years have passed." kinakagat kagat na ni Axel ang daliri niya dahil sa sobrang pag-iisip ng mga ideya o teorya kung paano hahanapin ang nawawalang babae. 

Mhorfell Academy of Gangsters (Now Published Under PSICOM Publishing)Where stories live. Discover now