Shit!








Ano ba itong sinasabi ko. . .












"Mga ilang oras pa kaya tayo sa ganitong puwesto? Baka kasi ma fall na ako nito e."










"Ha?" Saka ako natauhan nang muli siyang magsalita.










"Ahh. . I mean baka ma-fall ako sa sahig. ." Pilit siyang ngumiti para mabawasan lang ang awkwardness sa pagitan naming dalawa. Agad naman akong kumilos at inalalayan siyang makatayo ng maayos.








Mahina siyang nagpasalamat saka kinuha ang grocery bags at dumiretsyo na sa Cafe. Napailing na lamang ako dahil sa biglang pagbabago ng mood niya.









Hindi ko naisip na magiging ganito ang closeness namin ni Cheska. Itinuring ko na siyang matalik na kaibigan sa loob ng halos dalawang taon naming pag uusap kahit pa noong nasa Singapore siya. She would make time to hear my rants kahit pa busy siya sa pag aaral at pagtatrabaho.







I think it's the best time para naman makabawi ako sa kaniya. I want to hear her rants tungkol sa kanila ni Kim. Wala man lang akong kaalam alam na naghiwalay na pala sila. Pakiramdam ko kasi noon ako lang yung may problema sa buhay, hindi ko man lang narealize na may isang tao rin palang gustong mapakinggan yung mga problema at hinanakit na mayroon siya.






Pagpasok ko ng Cafe ay abalang abala naman na iniayos ni Cheska ang mga pinamili namin. Para siyang isang paslit na nakikialam sa grocery ng kaniyang ina.









"Ako na diyan, magpahinga ka na muna." Nakikita ko pa rin naman sa mga mata niya na gusto niya ang ginagawa niya. Kaya lang, nahihiya na ako sa lahat ng itinutulong niya sa akin.






"Hmmm, anong gusto mong ulam? Ipagluluto kita!" Excited niyang tanong sa akin. Napapakamot nalang tuloy ako sa ulo ko, hindi ko kasi maintindihan kung bakit niya ginagawa ang lahat ng ito para sa akin.







"Huy, kumalma ka nga!" Pinigilan ko siya sa ginagawa niya. Hawak ko ang magkabilang balikat niya at iniharap siya sa akin.








I sighed.








"Ako na ang gagawa niyan. Saka huwag mo akong inii-spoiled ng ganito, baka kasi hanap hanapin ko." She was stunned by what I said. Para bang may mali sa sinabi ko.









"Gusto ko nga yun e!" She replied happily. Naguguluhan na talaga ako sa kaniya.












"Yung hanap hanapin mo. . . " I didn't quite understand the last thing she said because it was almost a whisper.








***






"Why did you broke up?" I did not take my eyes off her. Malalim na ang gabi ngunit narito pa rin si Cheska sa Cafe. Late na rin kaming kumain ng dinner dahil kailangan pa naming umorder ng gas tank para lang makapag luto.







"Sinagot ko na yan kanina ah!" Mabilis niyang kinuha ang isang basong tubig at saka nilagok iyon. I am just worried about her. In fact, kaibigan ko si Kim pero kung sinaktan at ginago niya si Cheska ay baka masapak ko siya. Cheska was Samantha's bestfriend, I also wanted to protect her.







"Niloko ka ba niya?" Natigilan siya sa pagkagat ng karneng nakatusok sa tinidor niya. Tinaasan ko siya ng kilay nang wala akong makuhang sagot mula sa kaniya.










"Hmm—indi—ahh. . " Pinilit pa rin niyang sumagot kahit pa puno ng pagkain ang bibig niya.










"E bakit nga?" Mas lalong lumalim ang titig ko sa kaniya. And I was shocked, dahil ganun din ang ginawa niya. Nginingisian pa niya ako para maasar ako sa kaniya.








"If you don't want to answer, tatawagan ko nalang siya." I also smirked at her.









"Hey!" Mabilis siyang tumayo sa kinauupuan niya at saka tumakbo palapit sa akin.







"Sasabihin ko na!" Hawak ko na ang cellphone ko and start to look for Kim's contact number.







"Kay Kim nalang ako magtatanong." She started pulling my hand to snatch my cellphone from me. Pero dahil mas matangkad ako sa kaniya ng kaunti ay itinaas ko ang kamay ko para hindi niya maabot ang cellphone na hawak ko.








"Huwag mo na kasing alamin!"










"Akala ko ba sasabihin mo na?" Tumatalon na siya para lang maabot ang cellphone ko.









"Okay fine!" Napapadyak pa siya sa sahig nang mainip na siya sa pakikipag agawan sa akin.








"Well, it's because of—"








We both stunned as we heard a knock from the door. Tila ba nakaramdam ako ng labis na pagkabog ng dibdib at para bang tinakasan yata ako ng puso ko.









Ang kaninang tatlong katok ay muling nasundan pa ng sunod sunod na katok.











For the past two years, ngayon lamang may kumatok sa pinto ng Cafe. No one tried to visit this cafe ever, and I am also not expecting visitors dahil simula noong nawala si Samantha ay nawala na rin yung mga taong malalapit sa akin.








And of course it's not a customer dahil matagal ng nagsara ang cafe sa kadahilanang nadamay rin ito sa scandal na nakasangkutan ko.








Bakas sa mukha namin ni Cheska ang pagkabalisa. Wala ni isa sa amin ang naglakas loob na humakbang papunta sa glass door. Madilim sa labas at hindi rin namin maaninag kung babae ba o lalaki ang nasa labas ng cafe.









Muli itong kumatok at saka mabilis na nagtago sa likuran ko si Cheska.








"S—Sino yan?" Matapang kong tanong sa taong nasa labas. Ngunit wala kaming nakuhang sagot. Humakbang ako ng kaunti at pilit na nilalakasan ang loob.









"H—Huwag ka na kayang lumapit? Sa tingin mo sinong may matinong pag iisip ang kakatok dito ng ganitong oras?" Napalunok ako sa sinabi niyang iyon.






Pero paano kung SIYA na ang nasa labas?








Paano kung itong taong 'to, ay yung matagal ko ng hinihintay?








Ayokong sayangin pa ang pagkakataon na ito.










Matapang kong binuksan ang glass door at tumambad sa akin ang isang pamilyar na mukha.














"Hi."

Seduced By A Lesbian: AllisonWhere stories live. Discover now