"Fvck! Oh, fvck! I'm so fvcked up! Really, really fvcked up!" Sambit ko sa sarili ko.

"Alam mo ba kung anong naisip ko ng magising ako nun? Iniisip kong kapag nakita ko ang lalaking yun, pagbabayarin ko siya. Alam kong masama, pero kinuha niya ang nag-iisang kaligayahan ko. Nang dahil sa kanya, naging miserable at nag-iisa ako ngayon."

Umalingawngaw sa tenga ko ang sinabi niya kahapon. Hah! What a great life!

Tumayo ako at kumuha ng tubig sa ref.

"Maybe because.. you two are somehow connected to each other."

Naibuga ko ang ininom ko ng mag-flashback sa isip ko ang sinabi ni Daren.

Connected to each other huh? What a small world, fvcking indeed!

Marahas akong napabuga ng hangin at sinabunutan ang buhok ko.

"What's wrong?" Agad akong napalingon sa gilid. Nakita ko si Nally dun na nakahilig sa dingding.

"Nothing.." ayokong makadagdag sa iniisip niya.

"And the pigs can fly." Sarcastic niyang usal. "Spill it!"

"Tss. How can I spill it knowing na may problema ka pa sa boyfriend mo!" Deretso kong sabi.

"What the hell, Insan? He's not my boyfriend! Psh! Bat ba napunta sakin ang topic samantalang ikaw tong may problema ngayon." Kibit-balikat niyang sabi.

Napatitig ako sa kanya. Sasabihin ko nalang para naman gumaan ang mabigat kong dibdib.

"Nally, naalala mo ba yung nangyari two years ago? Nung isang linggo matapos nailibing si Ailee?" Tiningnan niya ako na para bang may kahanga-hanga sa ginawa ko.

"You mentioned her.. without cracking your voice. Naka-move on ka na, I see. I wonder why?" Nakataas pang kilay na sabi niya. Sinamaan ko siya ng tingin. "Okay, okay. Kalma lang, Insan." Umakto pa siyang nag-iisip. "Hmm.. yung may naaksidente dahil sayo? Oo, naalala ko."

>_< Pinsan ko ba talaga to?

"I.. I found that girl..."

"That girl? Who?" Nakakunot-noo niyang turan. "Waitㅡyung dalagita na siyang nabuhay sa aksidenteng yun?" Nanlaki ang mata niya. "Oh my god! Sino siya?"

"Yung napagkamalan mong girlfriend ni Daren."

Mas lalong nanlaki ang mata niya. "Did you just say 'napagkamalan' ? Ibig mong sabihin.. h-hindi siya girlfriend ni Daren?"

"No freaking way!" Gigil kong sagot. Nagulat naman siya at nagulat din ako sa sinabi ko. "I-I mean, sa sitwasyon namin ngayon, walang planong mag-girlfriend si Daren." Nag-iwas ako ng tingin dahil sa uri ng titig ni Nally. "Kaya ikaw, alamin mo muna ang katotohanan bago ka magsabi ng kung ano-ano! Pano nalang kung may makarinig, eh di nadamay si Kaede!"

Mas nanunudyo ang uri ng tingin niya. "So, Kaede is the name.." ngumingisi pa siya.

"Kung ano man yang iniisip mo, hindi yan totoo!" Inunahan ko siya agad.

Natawa naman siya. "Insan, ano bang pinagsasabi mo? Anong iniisip pinagsasabi mo? Buti ka pa alam mo ang iniisip ko. Sige nga, sabihin mo kung ano?" Nanghahamong sabi niya sakin.

"Malay ko sayo! Teka lang, bakit ba tayo napalayo? Isa talagang pagkakamali na sinabi ko sayo! Tss. Parehas lang kayo ni Daren!" Aalis sana ako nang magsalita siya.

He's My Badass Guy | BADASS DUOLOGY #1Where stories live. Discover now