"Releasing of cards ngayon?" Biglang saad ni Chanelle habang nakatingin sa phone niya.

"Wews?"

"Oo nga, sabi sa group chat." Aniya at pinakita sa'min ang chat doon sa SSG na group chat nila.

"Hala!" Sabay naming saad.

Kinabahan naman ako. Hindi ko kasi sure kung makaka-line of 9 ako sa mga subjects na nahihirapan ako, syempre special mention ang Chemistry, Physics at Statistics.

"Basta kapag pinalayas ako dahil sa grades ko, alam niyo na... Ampunin niyo ako." Si Diya.

"'Wag kayo kabahan, alam niyo naman sa sarili niyong ginawa niyo yung best niyo." Chanelle.

"Paano kapag may mababa ako? Like for example may 85 na naman ako, pwede ba ako mag remedial to make that line of 9?" I asked.

Gusto ko talagang makasama sa dean's list. Gusto kong maka-akyat sa stage para sabitan ng medal.

"Hindi ko lang sure." Sabay na sagot ng dalawa.

"Alam ko pag remedial yung bagsak lang? 'Di ba line of 7 'yon?" Diya.

"May remedial pa ba sa senior high? Alam ko sa junior lang 'yan eh." Sofie.

Isusumpa ko talaga yung tatlong subject na 'yon kapag hindi ako naka-line of 9. Walang grade is just a number, gusto kong makasama sa dean's list, period.

Dumating ang teacher namin sa first subject kaya nagsi-tahimikan na kami at nakinig sa lesson niya. Dumaan ang tatlong subject at breaktime na namin, sabay sabay kaming lumabas at pumila sa canteen.

Gaya ng dati, sa labas kami umupo, doon sa may bench at dinama ang binili namin for lunch. As usual, si Sofie at Diya na naman ang maingay sa'min buti na lang at hindi sila nag aaway ngayon para hindi kami makakuha ng attention.

After namin mag lunch ay bumalik kami sa room dahil may last 2 subjects pa kami before uwian. "Pag may mababa ako, iiyak talaga ako!" Saad ko.

"Gaga, okay lang 'yan may second sem pa naman." Si Anjali sabay ayos sa salamin niya.

Malabo din mata niya pero hindi siya lagi nagsasalamin, tuwing mag babasa lang siya or mag ce-cellphone susuotin. Unlike sa'kin na suot ko talaga dahil may grado nga ang mata ko.

"Kahit na, gusto ko rin makakuha certificate na with honors or dean's lister ako." Goal ko talaga 'yon.

Nung junior high school naman hindi naman ako nahihirapan sa subjects ko I even made it to top pero nung lumipat ako ng school, doon ko napatunayan na may ibobobo pa pala ako.

I've met a lot of people na sobrang galing sa acads, lalo na dito sa section namin. Hindi naman kami nagpapataasan dito pero pagdating sa exam doon mo talaga malalaman kung sinong magaling.

"Kapag ako may bagsak, saksakin niyo na lang ako!" Saad ni Diya at kinagat ang lower lip niya.

"Wala naman kaming panaksak sa'yo."

"Yung baba ni Sofie." Napahagikgik naman kami sa sinabi niya.

"Gago ka talaga 'no? Ako na naman nakita mo!" Inirapan ni Sofie si Diya.

"Hindi naman mahaba baba niya ah?" I asked.

"Mahaba kaya, tignan mo pag pinagtabi mga mukha natin sa kaniya mahaba" natatawang sabi ni Diya.

"Talaga? Sampalin kita!"

"Pikon!"

"Atleast maganda pa din!"

Falling for Miss PresidentWhere stories live. Discover now