Sunod ang group 1 laban sa group 4.

Walang nagpapatalo kaya medyo natawa kami kasi kapag hihilahin na ng group 1 saka hihilahin pabalik ng group 4 salitan ang nangyari pero sa huli nanalo pa ang group 4.

Sunod na ang group 3 laban sa 5 mukang malakas rin ang group 5. Si Zaiker ang nasa likod at si Gelo naman ang nasa harap dahil matangkad siya at mukang alagang alaga ang katawan.

Sa umpisa nahirapan na ang group 5 pero hindi nagpatalo at nagsisigawan na ang lahat dahil parehong magaling.

Mahihila na dapat ng group 5 ang group namin ng pumuwersa sila at hinila pabalik ang group 5 napatayo ang grupo namin nun at nag sisigaw.

At dahil ang group 2, 3, 4 ang nanalo nasa amin ang huling halakhak, kami ang nag wagi.

Sunod na laro ay bring me, madali lang pero wala kaming ni anong dala.

Kada grupo daw ay isang member lang ang magdadala ng bagay o kung ano ang hihingin ni Coach.

"Bring me something beautiful." eh? anong something beautiful.

Napatingin kami sa nag sigawan ng may isang lalaking nagdala ng babae sa tabi ni Coach at sinabi ang "Coach here, she's so beautiful." Corny nyo.

Madami pa kaming nilaro at ang nagungunang grupo na nakakuha ng mataas na puntos ay ang grupo nila Keijo.

Sumunod ang sa amin. Pwede na basta may grade.

Natapos kami sa unang araw madami rin kaming ginawa dahil bukas hanggang hapon nalang kami at uuwi na at pasukan na naman.

"Ahh nakakapagod." nasa loob na kami ng room at magpahinga daw muna.

7:00 pm kami lalabas para sa bonfire.

---

"Yhonna wake up!" nagising ako sa pag kalabit ni Ryona.

Hindi ko inakala na makakatulog rin ako dahil sa pagod sa ginawa namin kanina.

"What..time is it?" tanong ko at napansin na si Ryona nalang at ako ang nasa room.

"6:30 nasa baba na sila, dinner na tayo and deresyo sa bonfire let's go. Malamig narin sa labas wear your jacket." tumango ako at pumuntang bathroom para mag hilamos.

I wear my black hoodie naka t-shirt ako sa loob at short. Hanggang tuhod ko nag hoodie kaya hindi rin kita ang short ko.

Hinawakan ni Ryona ang braso ko at bumababa na kami.

"Zaiker have you eaten?" napako ang tingin ko kay Zaiker na kinawayan ni Ryona.

"Hm yeah, how about you?" huminto siya sa harapan namin. He's wearing a short and gray branded jacket.

"Not yet." sagot ni Ryona.

Napansin ko rin na hindi maalis ang tingin niya kay Zaiker.

"Good evening and better to eat." at nilagpasan na niya kami.

"Ayos ka lang?" tanong ko at lumakad na ulit kami.

"He's so handsome and cold." eh? may bago ba dun parang pinag hili nga sa sama ng loob ang lalaking yun.

Nakarating kami sa isang table kung nasan silang anim, lumalaki na circle or friends ko.

"Good evening." ngiting sambit ko.

"Good evening Yhonna, tara na kain na tayo." energetic na sambit ni Chescka.

Nagsimula na kaming kumain para makapunta na sa bonfire, tatlo daw ang bonfire para makasama lahat.

---

Pagtapos namin kumain, dumeresyo na kami sa labas at nakarinig agad kami ng malakas na speaker at nagtatawan na mga students at teachers.

"Come here girls joined us." napatingin kami at tumango kay Ms. Velasquez science teacher namin.

Agad kaming umupo sa buhangin na may nakaladag na carpet na may mga pillows pa.

May isang apoy na nasa gitna at may mga snacks pa at drinks.

Nag kwe-kwentuhan lang sila at tawanan.

"Sana masundan 'to." napatingin kami kay Meli.

"Yep, kahit walang vacation na ganto pwede pa naman tayo mag bonding." dagdag pa ni Chescka.

"Magdala ka ng madaming foods ha si Meli kasi ang uubos nun." nagtawanan naman kami ng nagsimula na sila mag asaran.

"Sir and Ma'am paano po ba malalaman kung inlove kana?" nadako ang tingin namin kay Veron dahil sa tinanong niya.

"Hmm... inlove? bakit naman ayan ang natanong mo?" balik na tanong ni Sir.

"Nothing Sir, im just interested." sagot ni Veron.

Madami kaming kasama sa bonfire na 'to kaya lahat sila nakatingin sa pwesto namin.

Sa pangalawang bonfire nandun ang high school, at sa pangatlong bonfire ay mga ibang students from senior high.

"Hindi ka pa ba naiinlove?" tanong naman ni Ma'am Enrique.

Tawa nalang ang sinagot ni Veron. Kahit ata ako hindi pa naiinlove ano kaya feeling nun? hindi ko rin naman mapapanindigan kung mapasok man ako sa isang relasyon.

"Mga anak, malalaman mo kung inlove ka kapag yung isang tao na naka agaw ng pansin mo hindi na mawala sa isip mo. May iba't ibat term ng love, may mga love na panandalian lang." sambit ni Sir kaya sa kaniya kami nakatingin lahat.

"Diba merong destiny, may mga tinadhana sa maling tao pero sumaya sila may mga tao naman na napunta sa tinadhana nila pero hindi masaya. Lahat ng bagay sa mundo maaring magtagal at maaring hindi. Ang love kasi darating yan sa tamang oras, panahon at tao. Hindi mo yan basta basta mararamdaman kung hindi totoo. Mga anak kung hindi nyo pa nararanasan ma inlove hintayin nyo pero nasasa-inyo na yan kung magtatagal o panandalian lang." mahabang sambit ni Sir.

Ang love kasi for me ay puhunan. Puhunan ng pagtitiwala, paghihintay, at pagmamahal.

Gusto ko rin maranasan mainlove kahit na panandalian lang kahit na hindi na sa tinadhana para sakin. Gusto ko maranasan kahit na hindi pang habang buhay.

Sarap siguro mapunta sa tamang tao 'no? yung may mag aalaga sayo, mag aalala, yung taong hindi ka iiwan.

Kasi ako hindi ko kayang mangako na hindi ako mang iiwan.

What is love?

Until Our Voice Meet Again Stranger | ✓Where stories live. Discover now