Kalmado pa rin nakatayo si Protector Raidan habang tinitigan si Izalem. "Ano Izalem, sumusuko ka na ba?!" Tanong niya.

Napakuyom ng kamao si Izalem. "Hindi! Kaya humanda ka lalabanan pa kita!" Pagkatapos niya sabihin ito ay agad siya tumakbo papunta kay Protector Raidan.

Kalmadong itinadyak lang ni Protector Raidan ang isa niyang paa at nagkaroon na ng malakas na pagyanig sa mga lupang tinatakbohan ni Izalem. Kaya napatalon-talon ngayon si Izalem para hindi muling lamonin ang paa niya sa lupa.

Mabilis na minanipula ni Protector Raidan ang ibang mga pirasong lupa at inihagis niya papunta kay Izalem at pinagsusuntok naman ito ni Izalem.

Muling gumawa ng atake si Protector Raidan sa pamamagitan ng paglahad niya ng kamay sa itaas ni Izalem kaya nagkaroon ng malaking hugis bilog na lupa.

Nag angat ng tingin si Izalem at nanlaki ang mga mata niya nang makitang matatamaan na siya ng malaking hugis bilog na lupang ito at kapag hindi pa siya makaiwas ay maiipit siya nito sa ibaba, pero agad siya nakaisip ng paraan, ginamit niya ang kakayahang natutunan mula kay Protector Raidan.



Biglang tila nagpalit ng anyong maliit na bato si Izalem, ngunit alam ni Protector Raidan na hindi si Izalem ang batong ito, at mayamaya'y tama nga siya ng iniisip nang maramdaman niya ang enerhiya ni Izalem mula sa kaniyang likod.

Mabilis na kumilos si Protector Raidan pagilid para makaiwas sa gagawing atake ni Izalem at agad niya sinuntok si Izalem kaya tumilapon ito, muli pa niyang nilapitan si Izalem at pangalawang beses itong sinuntok kaya tumilapon ito sa mas malayo.

Magaling, alam pa rin niya gamitin ang kakayahang itinuro ko sa kaniya, ang Nature Copy, sa isip ni Protector Raidan habang tinitignan niya si Izalem nakadapa.

Ang Nature Copy ay ang kakayahang gayahin ang wangis ng mga kalikasang bagay. Katulad ng ginawa ni Izalem kanina na pinagmasdan niya ang bato sa paligid at itinatatak niya sa isip ang wangis nito kaya nagawa niyang gayahin ito at ipinalit ito sa kaniyang kalagayan para makaalis siya sa kinalalagyan at ang bato ang pumalit.

Madalas sa merong nitong kakayahan ay mga Land Gifted at Water Gifted. Sa mga Water Gifted ay tanging mga kalikasan na konektado ng tubig lamang ang kanilang magagamit sa Nature Copy, katulad ng tubig, perlas sa karagatan, at kung ano-ano pa.





Dahan-dahan na bumangon si Izalem at mas lalo siyang hinihingal pero nilalabanan niya ang pagod, agad niya inilahad ang mga kamay sa lupa at minanipula niya ang mga ito sabay hagis ng mga pirasong lupa papunta kay Protector Raidan.

Pinagsusuntok ni Protector Raidan ang mga lupa, hanggang sa isang malaking lupa nalang ang natira kaya malakas niya itong sinipa papunta kay Izalem at tumama nga ito sa mukha ni Izalem.

"Maghapon nalang Izalem pero hindi mo pa ako nasusugatan! Mukhang kailangan ko pa doblehin ang pagpapahirap sa 'yo upang mailabas mo ang tunay mong lakas!" Tumataas na ang boses ni Protector Raidan.

Muling pinipilit ni Izalem ang bumangon kahit nahihirapan pa siya. "A-Anong ibig mong sabihin?" Nahihirapang tuno ng boses niya.

Inangat ni Protector Raidan ang kaniyang mga kamay at nakalahad ito sa itaas ni Izalem kaya nagkaroon ng mahahaba at malalaking lupa na tila pader kung ihahantulad kaya tinatawag itong Land Wall, ang mga Land Wall na ito ay pinalibutan si Izalem hanggang sa nakakulong na nga siya sa loob.

Atlas Volume 2 [Warriors Battle] Where stories live. Discover now