CL-91

189 6 0
                                    

Messenger
The Poke Pokes

10:12 PM, Saturday

Aaliyah Jade
Gago @Daphne Skye
Lagi na ang labas niyo ni Lucas ah
Akala ko ba mang-aaya ka na next time?

Liah Jasiel
Tanga date nila ‘yon
Ang ayain mo naman si San Miguel
Balak mo pang maging thirdwheel eh may jowa ka namang bruha ka 😅

Daphne Skye
Mga siraulo 😑
Nakakahiya naman magrequest sa kaniya kasi siya itong nag-aya sa akin
Tsaka hindi ‘yon date mga malisyosa
Parang nag-aya lang ng roadtrip iyong tao, date agad?
Ang advance niyo 😌

Aaliyah Jade
Suspicious 🤡
Lowkey dating HAHAHA
Alam mo namang may gusto iyong tao sa’yo
Nahihiya lang siguro magsabi kaya sinabing roadtrip

Liah Jasiel
Tigilan mo na Aaliyah, baka mamaya mailing pa sila sa isa’t-isa nako
Eh umaariba na ‘yong manok natin 😂
HAHAHAHA

Aaliyah Jade
After two years, he finally got his balls from his pocket 😭🤡

Daphne Skye
Ang kalat mga bwesit HAHAHAHA
Pero wala nga ‘yon.
We’re good friends, that’s all😌

Liah Jasiel
Alaws pa rin talagang feeling?
Sparks ganern?

Daphne Skye
Idk. Casual lang talaga yata
But I do enjoy his company, walang dead hours.

Aaliyah Jade
Paanong walang sparks eh inalay niya lahat kay Ethan
Kahit dedma siya nako 🙄

Liah Jasiel
Medyo true ka doon.
HAHAHAHA

Daphne Skye
Tigilan niyo nga ako
‘wag niyo akong iniintriga diyan 😑

Liah Jasiel
Aysus umiiwas ah
Anong nangyari?
May hindi ‘to sinasabi sa akin.

Daphne Skye
Naiinis lang ako kay Ethan
Bukod sa pinatapos niya sa akin iyong proofread sa Rizal kaninang 8PM, naguguluhan rin ako sa kaniya

Aaliyah Jasiel
Paanong naguguluhan?

Daphne Skye
Eh kasi ‘di ba nagpost ako ng picture namin ni Lucas last time, tsaka chinat niya ako nun dami niyang tanong tas kanina na naman.
Aba nagagalit at hindi ko raw alam priority ko.
Inuuna ko raw gumala-gala kasama boyfriend ko
Tangina napagkamalan pang jowa ko si Lucas😭
Amoy incest kapag ganun HAHAHAHA chos

Aaliyah Jade
Oh ano naman kung halimbawa boyfriend mo siya?
Why is he upset all of a sudden?

Liah Jasiel
Baka nagseselos?

Aaliyah Jade
Imposible.

Liah Jasiel
Walanghiya ka😁
Malay natin ‘di ba.
Na baka gusto niya rin pala itong kaibigan natin.

Daphne Skye
Kaya nga ayokong mag-assume ng bongga kasi alam kung hindi naman mangyayari ‘yon.

Aaliyah Jade
Paanong hindi mangyayari?
Lahat pwedeng mangyari kung magkukusa kayo nako

Daphne Skye
May girlfriend iyong tao.

Liah Jasiel
Hoy legit?
Sinabi niya sa’yo.

Daphne Skye
Parang ganun, tsaka nalaman ko rin kay Simon.

Aaliyah Jade
Malay natin confused siya ganun.

Daphne Skye
Bahala siya.
Kaya nga kinompronta ko siya kanina kung anong ikinagagalit niya talaga
Ang lakas rin naman pala ng loob kong tanungin siya ng ganun😅
HAHAHAHA

Liah Jasiel
Wala namang mali ah?
Pero sana kung alam niyang wala naman talaga siyang nararamdaman para sa’yo, ‘wag siyang magbigay ng mix signals
Kaya maraming nasasaktan eh 😏

Daphne Skye
Isa ka na roon
Ay nadulas HAHAHAHA
😩😩😩

Liah Jasiel
Tangina mo pinaalala mo pang hayup ka.

Daphne Skye
Sorry pi.

Aaliyah Jade
Oh pero paano nga kung totoo iyong assumption mo ganun?
You’ll give him a chance?

Daphne Skye
Hindi ko rin alam.
Parang ang gulo ‘di ba?
Like paano nangyari ganun?

Liah Jasiel
Gaga ngayon pabebe ka.
Maybe it just happened.
Baka isang araw narealize niya ng gusto ka na niya pala.
Ayaw mo nun nacrushback ka ng crush mo
Haba ng hair yarn 🤣

Daphne Skye
Basta komplikado.
Tsaka tigilan niyo na ‘yan, hindi ‘yan mangyayari.

Aaliyah Jade
Nako basta kahit anong mangyari o kahit ano mang decision mo, andito kami ni Jasiel.
Kung saan ka masaya, iyon ang gawin mo.

Delivered

Connection Lost Where stories live. Discover now