Crown: 28

5.1K 231 3
                                    

ALASTAIR’S POINT OF VIEW:

        “Sir Alastair? Bakit nandito na kayo ngayon?” ang bungad na tanong ni Manang Isay sa akin nang makita niya akong bumaba sa sasakyan nang makarating na ako ng bahay. Bakas sa mukha ni Manang Isay ang pag-aalala na tila ba may nangyaring hindi maganda.

        “Ba-kit po Manang Isay? May problema ho ba? Bakit po parang hindi kayo mapalagay?” ang tanong ko kay Manang Isay.

        “Mabuti pa Obet, ibalik mo na si Sir sa eskwelahan niya, sige na Obet mas makakabuti yon.” ang sabi ni Manang na tila pinipigilan na mapalakas ang boses niya.

        “Teka ano po bang nangyayari Manang? Masama po ang pakiramdam ko kaya ako nagpasundo sa eskwelahan para makauwi.” ang sabi ko na naguguluhan na sa nangyayari.

        “Kasi, si Sir, ang papa mo...” ang sabi ni Manang Isay na hindi na niya natapos dahil sa biglang lumabas si Papa mula sa bahay at nakita ko ang galit sa mukha niya. Tila naiintindihan ko na kung bakit ako gustong paalisin ni Manang Isay, pero ang hindi ko maunawaan ay kung bakit kailangan kong umalis at ano ang kinalaman ko sa galit ni papa.

        “Mabuti naman at nandito ka nang bata ka.” ang sabi ni Papa, lumapit siya sa akin at hinawakan niya ako sa braso na sobrang higpit, nakaramdam ako ng sakit sa higpit ng pagkakahawak sa akin ni Papa. Hinila niya ako papasok sa loob ng bahay na halos kaladkadin na ako ni Papa, pero dahil sa bigla ko ay hindi na ko nakalaban pa sa paghila sa aking iyon ni Papa.

        Sumunod si Manang Isay sa pagpasok sa bahay na nakikiusap na wag akong saktan, kung sinabihan lamang siya ni Papa na huwag nang makialam pa. Hindi ko nauunawaan ang nangyayari, hanggang sa makarating kami sa sala at halos itapon ako ni Papa, sa sobrang lakas ay napabuwal ako sa sahig.

        “Alfredo ano ba ang ginagawa mo sa anak mo?” ang sigaw ni Mama ng makita niya ang ginawa sa akin ni Papa. Pero bukod kila Mama at Papa mas laking gulat ko nang makita ko si Katryn sa loob ng bahay namin.

        “Sir maawa po kayo sa anak niyo.” ang pakiusap ni Manang Isay pero tila hindi ito narinig ni Papa.

        “You’re a disgrace to this family!” ang galit na sabi ni Papa sa akin.

        “Papa ano po bang nangyayari?” ang tanong ko sa kay Papa upang maunawaan ko kung bakit galit na galit si Papa sa akin at kung ano ang ginagawa ni Katryn sa bahay namin.

        “Anong nangyayari? These!” ang sabi ni Papa at ibinalibag sa akin ni Papa ang ilang mga papel, nang tignan ko ito ay mga pictures ito. Kinuha ko isa-isa ang mga pictures at nagulat ako sa nakita ko, pictures ko ito bilang Aliana habang kasama si Milan.

        “Papa, let me explain...” ang sabi ko habang tumatayo ako pero sa pagtayo ko ay isang malakas na sampal mula kay Papa ang ibinigay niya sa akin.

        “Nakakahiya ka!” ang sabi ni Papa at hindi ko na napigilan ang maluha pa.

Princess PrinceTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon