Crown: 20

5.4K 215 3
                                    

MILAN’S POINT OF VIEW:

        Natalo ako sa laban namin ni Riyo noong araw na iyon, ang pinagtataka ko ay bakit sobra ang pagkadismaya na nararamdaman ko sa nangyaring pagkatalo, hindi ko maintindihan ang sarili kung bakit parang ang halaga sa akin ng laban na iyon na ipinatalo ko. Ngunit ang mas pinagtataka ko ay ang ginawa ko kay Alastair noong iniligtas niya ako sa muntikan ko nang pagkalunod, hindi ko alam bakit ko nagawang siilin siya ng halik, pero ang alam ko lang noon ay naramdaman ko sa mga labi ni Alastair ang labi ng kapatid niyang si Aliana, iyon marahil ang dahilan bakit ko nagawa iyon, siguro nga ay iyon ang dahilan.

        Dahil nga natalo ako sa laban ay wala na akong pagkakataon pa para kausapin si Alastair sa araw na iyon. Gusto ko pa naman sana siya makausap para magpasalamat at yayain na gumala bilang pasasalamat sa pagtulong niya sa akin sa kapatid niya, at para tanungin na din ang cellphone number ni Aliana dahil nakakalimutan kong kunin ito sa tuwing nagkakasama kami ng kapatid niya.

        Palabas na ako ng school noon ng matanaw ko sila Alastair at Riyo na magkasabay na lumabas ng gate ng school, sila lamang dalawa ang magkasama. Sa hindi ko mawaring dahilan ay nakaramdam ako ng pagkainis, pero hindi ko na lamang pinansin ang nararamdaman kong inis at nagpatuloy sa paglalakad. Nang makalabas na ako sa school ay hindi ko na nakita sila Riyo at Alastair kaya naman lumingon lingon ako sa paligid at nakita ko sila na magkasabay na naglalakad papunta sa bayan at napansin na masayang nagkukwentuhan, at muli ay nakaramdam na naman ako ng pagkainis kaya naman naisipan ko na sundan ang dalawa ng palihim. Hindi ko alam kung ano ang dahilan kung bakit ginagawa ko ito pero pakiramdam ko ay mas nagiging palagay ako pagnakikita ko si Alastair at nababantayan ko ang Riyo na ito pag kasama niya si Alastair.

        Mula sa poste na pinagtataguan ko ay nakita ko silang pumasok sa arcade house kung saan kami nagkita ni Alastair kasama ang kapatid kong si Kiko, bigla ko tuloy naalala na gustong gusto pa naman makita sana ni Kiko si Alastair ulit pero dahil kay Riyo hindi ko masasama si Alastair sa bahay at hindi ko matutupad ang gusto ng bunso kong kapatid.

        Nang makapasok na sila Riyo at Alastair sa loob ng arcade house ay naghintay muna ako ng ilang minuto bago ako pumasok. Nang makapasok ako sa loob ay maingat akong nagmasid sa buong arcade house para hanapin sila at nakita ko silang naglalaro ng basketball game kaya naman nagkubli ako sa malapit na token machine para panoorin silang dalawa. Nakita ko na tinuturuan ni Riyo si Alastair ng tamang posisyon sa pagshu-shoot ng bola pero naiinis ako sa Riyo na to dahil halos yakapin na niya si Alastair. Tumingin ako sa paligid at nakita ko ang isang token sa pinagkukublihan kong token machine kaya kinuha ko ito at hindi ako nagdalwang isip na ibinato ko ito kay Riyo, at boom sapul sa ulo. Nang tamaan ko sa ulo si Riyo ay agad akong nagtago. Bahagya ko itong sinilip at nakita ko na hinahanap niya ang bumato sa kanya pero asa siya na mahahanap niya ako.

        Nang mukhang magsawa sa kalilingon si Riyo ay bumalik siya sa pagtuturo kay Alastair pero ilang segundo na lang din naman ang natira kasi naubos ang oras niya kakahanap sa akin na di niya alam na bumato sa kanya ng token. Nang matapos sila basketball ay sumunod naman nilang ginawa ay naglaro sila ng racing game kaya naman naghanap ako ng mapagkukublihan, at nagkubli ako sa mga tao na nanonood ng naglalro ng Tekken game, nang mag umpisa na silang maglaro ay naiinis ako na makita na mukhang nag-e-enjoy si Riyo na kalaro si Alastair kaya naman nagpapalit ako ng apat na token nagkakahalagang bente pesos. Muli akong bumalik sa kumpol ng tao na nanonood sa naglalaro ng Tekken at binato ko ulit ng isang token si Riyo at kung suswertehin ka nga naman ay tinamaan ko na naman siya sa ulo mabilis akong tumalikod para hindi niya ako makita, hindi ko tuloy mapigilan ang sarili ko na mapangisi.

Princess PrinceTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon