Crown: 15

5.4K 230 2
                                    

ALASTAIR’S POINT OF VIEW:

        Noong hapon ng parehong araw na iyon ay mag-isa akong umikot sa buong school para gawin ang weekly facilitating, busy din kasi ang iba kong kasama kaya naman kahit medyo masama ang pakiramdam ko ay nag-ikot pa din ako sa school pero kahit paano ay gumaan din naman ang pakiramdam ko, nakatulong din siguro ang pagpapahinga ko kanina sa rooftop garden.

        Naglalakad ako sa hallway ng school noon ng may makita akong isang babae na pamilyar sa akin ang mukha. Sumisilip silip siya sa mga room na nadadaanan nito, dahil sa all boys school itong St. Lucas ay alam ko na taga labas ito kaya naman minabuti ko na lapitan ito.

        “Ah excuse me, miss may hinahanap ba kayo?” ang tanong ko sa kanya.

        “Ha? Ah oo meron akong hinahanap.” ang sabi ng babae na pilit ko pang iniisip kung saan ko siya nakita.

        “Teka parang nakita na kita. Nagkita na ba tayo before?” ang sabi ng babae sa akin at bigla ko naalala kung saan ko siya nakita, siya yung babae na nabangga ko sa restroom kagabi sa may restaurant.

        “Ah, eh, hindi pa ngayon lang tayo nagkita.” ang sabi ko habang nakatingin sa akin yung babae na parang iniisip pa din kung saan niya ko nakita.

        “Hmm siguro nga akala ko lang yon. Anyway I am Katryn” ang pakilala sa akin ng babae at nakipagkamay ito sa akin.

        “Ah nice meeting you Katryn, I’m Alastair ang student council president ng school na to.” ang pakilala ko.

        “Talaga ikaw ang student council president ng school na to? Kung ganon pwede mo kong matulungan para makita ko yung tao na hinahanap ko.” ang sabi ni Katryn nang malaman niya na student council president ako.

        “Ah siguro, pero sino ba ang hinahanap mo?” ang tanong ko sa kanya.

        “Ah hinahanap ko kasi si Milan, Milan Dionisio, fourth year student na siya at dito siya nag-aaral.” ang sabi ni Katryn at natigilan ako noong madinig ko ang pangalan ni Milan at nagsimulang magtanong sa isip ko kung sino at kaano-ano niya ang Katryn na to, pero ano nga bang pakialam ko.

        “Ah hello, Alastair?” ang sabi ni Katryn at kinaway kaway pa niya ang kamay niya sa harap ng mukha ko.

        “Ah, ano ulit yon?” ang sabi ko.

        “Ahm, kilala mo ba si Milan? Siya kasi ang sadya ko talaga bakit ako nagpunta dito.” ang sabi ni Katryn sa akin.

        “Ah oo, kilala ko siya.” ang sabi ko sa kanya na may kasama pang pagtango.

        “Talaga, mabuti naman at hindi na ako mahihirapan pa na hanapin siya, ang laki din pala kasi nitong school niyo. Pwede mo ba akong samahan sa kanya?” ang sabi ni Katryn na halatang sabik na makita si Milan.

Princess PrinceTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon