Crown: 21

4.8K 218 1
                                    

ALASTAIR’S POINT OF VIEW:

        Lumipas ang ilang linggo, at napapdalas na din ang pagkikita namin ni Milan at ako bilang Aliana, ngunit pag nasa school naman kami ay madalas na din akong nakakasama nila. Marami ang nakapansin sa pagbabago ko, yung dating seryoso at madalas na tahimik at mapag-isa na ako ay napalitan ng masayahin, maingay at makuli, at mahilig makihalubilo na ako. Sa buong buhay ko ay ngayon ko lang naranasan ang ganito kasaya, ang maging masaya.

        Araw ng Sabado, at magkasama kami ni Milan para mag-date, siyempre ako bilang si Aliana. Tulad ng madalas naming gawin nitong mga nagdaang linggo ay naglibot kami sa bayan at pumunta kami sa mga malalapit na mall.

        Noong araw na iyon ay nagpunta kami sa isang malapit na mall para doon na maglibot, balak din kasi namin manood ng movie, madami kasing bago na movie ang pareho naming gusto mapanood. Pero bago manood ng movie ay inuna na muna namin ang mag-enjoy sa mall.

        Una kaming nagpunta sa Time Zone, isang arcade house sa mall na yon, doon ay naglaro kami ng isang dancing game na kung saan sensor na lang ang gamit ng machine at hindi na katulad ng sa dance revo. Tuwang tuwa kami na sumayaw sa mga oras na iyon, hindi nga namin pinapansin yung mga nanonood sa amin eh pero namangha ako kay Milan dahil ultimo kembot ay na kaya niyang gawin nang hindi nahihiya, sabagay it is just a dance game at parte ng steps yon.

        Nang mapagod kami sa pagsasayaw ay nagpasiya kami na mag-videoke hub. Pagpasok namin sa videoke room ay naupo kami agad, magkatabi kami noon at sweet na sweet pa sa dalawa, sabay kaming naghahanap ng kanta sa songbook. Habang naghahanap kami ay hindi ko maiwasan na mapatingin sa mukha niya. Sa isip ko ay magiging ganito pa kaya kami kasaya sa oras na malaman niya ang totoo, masasabi niya pa kaya na mahal niya ako pag nalaman niya na ang Aliana na nasa harap niya ngayon ay si Alastair talaga.

        Si Milan ang unang nakapili ng kantang kakantahin niya kaya naman humanap na ako agad ng kakantahin ko at nang makahanap ay inenter ko na namin yung mga kakantahin namin. Agad na nag-play yung kanta ni Milan na ‘Got To Believe In Magic’ ni David Pomeranz, pakindat kindat pa nga siya habang kinakanta niya ito. Hindi ko akalain na madidinig ko na kumanta si Milan, ni hindi ko nga alam na maganda pala ang boses niya pag kumakanta siya kaya naman hindi ko maiwasan na hindi kiligin sa kanya.

        Ilang sandali pa ay natapos na siyang kumanta at nang matapos ay pumalakapak ako bilang pahiwatig na maganda ang pagkakanta niya. At ilang sandali pa ay ang kanta ko na ang nag-play, ibinigay sa akin ni Milan ang mikropono at tumayo ako.

        “Para sayo itong kanta kong ito at sana kahit anong mangyari ay hindi ka magsawang mahalin ako.” ang sabi ko habang nasa intro pa lang at ngumiti siya sa akin at nagsabi ng I love you at ngumiti ako sa kanya.

        I’ve tried to tell you,

        So many times,

        This feelings of mine,

        But it’s not that easy to letting you know how I love you so,

        Complete me, you complete me,

        I’ve never felt this way,

        Complete me, you complete me,

        Like words and melody.

        Don’t you know that we both belong, baby,

        Don’t you know that we will last forever,

        Don’t you know that we both belong,

        I knew it from the start we belong.

        Habang kumakanta ako ay sa kanya lamang ako nakatingin at ganon din siya sa akin. Nararamdaman ko ang luha na nagingilid na sa mata ko dahil sa naiisip ko na pwedeng mawala ang lahat ng ito pagdating ng panahon dahil alam ko na hindi habang buhay ay magiging si Aliana ako, at hindi habang buhay ay mapapaniwala ko si Milan.

        We belong together,

        You’re my shelter in the pouring rain,

        I just hope that you will see you and me, we belong,

        Don’t you know that we both belong, baby,

        Don’t you know that we will last forever,

        Don’t you know that we both belong,

        I knew it from the start... We... Belong...

        Nang matapos ako kumanta ay biglang tumayo si Milan at niyakap ako, sa pagyakap niyang iyon ay hindi ko na naiwasang maluha. Dahil nakapagpasiya na ako na bago dumating ang bakasyon at graduation ay aaminin ko na sa kanya ang lahat, ayoko nang lokohin pa siya. Kung sakaling dumating ang araw na iyon ay kailangan ko nang ihanda ang sarili ko sa galit niya, sa pagkamuhi niya sa akin.

        “I love you Aliana!” ang sabi ni Milan sa akin habang magkayakap pa din kami.

        “I love you too Milan!” ang sabi ko at yumakap ako ng mahigpit sa kanya.

        “Pangako mamahalin kita ng tapat, at ikaw lamang ang mamahalin ko.” ang sabi ni Milan at sa isip ko ay sana nga ay ako na lang ang mahalin niya pero alam kong hindi mangyayari yon at tanggap ko na kung hindi mo matupad ang pangako niyang iyon.

        Gabi na nang matapos kami sa paglibot namin sa mall at dahil don ay nagpasiya na din kaming umuwi, nag-umpisa na kaming maglakad papunta sa sakayan noon nang biglang bumuhos ang malakas, wala kaming masilungan noong mga sandaling iyon, hinawakan niya ang kamay ko at sa sidewalk kung saan kami inabutan ng ulan ay isinayaw niya ako habang nagsilbing ilaw namin ay ang mga ilaw ng sasakyan na dumadaan.

        “Aliana, pangako ko sayo na kahit anong mangyari ay hindi kita iiwan, pangako ko sayo na mamahalin kita.” ang sabi ni Milan sa akin habang nagsasayaw kami sa ilalim ng ulan.

        “Milan, heto lamang ang lagi mong tatandaan, mahal na mahal na mahal na mahal kita at hindi iyon magbago. At kung hindi mo man matupad yang pangako mo sa akin ay mauunawaan ko. At kung dumating man ang isang bahagi sa buhay natin at hindi tayo payagan ng tadhana na magsama ay sana huwag kang mamuhi sa akin.” ang sabi ko sa kanya na muling lumuha.

        Niyakap ako ni Milan pagkatapos kong sabihin iyon, “mahal na mahal na mahal na mahal din kita. Magtiwala ka sa akin, tutupadin ko ang pangako ko sayo, at kung humadlang man ang tadhana sa atin ay handa akong subukin ito makasama ka lang.” ang sabi ni Milan at pagkatapos ay hinalikan niya ako sa aking mga labi, sa mga sandaling iyon napawi ang takot sa puso ko, sa mga halik niyang iyon ay naniwala ako na maaaring matanggap niya ako pagdating ng araw na magtapat ako sa kanya. Hanggang sa dumating ang araw na iyon, gagawin ko ang lahat para mapasaya si Milan, gagawin kong memorable ang bawat sandali na magkasama kami. Ang mga sandali na ramdam ko ang pagmamahal niya sa akin.

Princess PrinceTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon