"Mukhang wala 'ata silang balak na ilabas tayo dito ah..." pabirong sabi ni Atlas kaya nagtawanan ang ilan sa kanila.

Nilapitan ni Cecilia si Atlas. "Atlas habaan mo ang pasensya mo..." pangaral niya kay Atlas.

Dahil sa seryosong mukha ni Cecilia ay natigil sa pagtawa si Atlas. "Opo ma..." sabay tango niya.

Simpleng ngumiti si Cecilia kaya napangiti na rin si Atlas. Kahit sa batang edad ay tila nagsisilbing nanay na si Cecilia kay Atlas, denisiplina niya ito dahil madalas itong pasaway, tinutulongan niya ito at naging takbohan din siya nito kapag naging malungkot ito.





Mayamaya'y laking gulat nila nang biglang sumulpot sa kanilang harapan ang batang kaibigan ni Atlas at ang mismong apo ni Andres Waluna na si Suijin Waluna. "Kuya Atlas may ibibigay ako sa 'yo..." abot tenga ang ngiti nito habang inabot kay Atlas ang hawak niyang bote na naglalaman ng tubig.

Napakamot sa ulo si Atlas. "Ay naku Suijin...hindi ito ang oras para sa mga binabalak mo sa akin..." nakangusong sagot niya, naalala kasi niya ang ginawa nito sa kaniya nitong nakaraang araw na pinakain siya ng isdang nakakasama ng pakiramdam.

Bumuntong hininga si Suijin at ngumiti. "Kuya Atlas ba't ko naman gagawin 'yon dito eh maraming tao. Maniwala ka, hindi ito nakakasama ng tiyan, marasap ang lasa nito kumpara sa ibang tubig, para itong may kasamang lasa ng prutas, paunang-regalo ko ito sa 'yo bilang pagbati, alam ko naman kasing mananalo ka." Sabi niya.

Pinapakita ni Suijin kay Atlas ang hawak niyang dalawang bote ng tubig. "O ito tignan mo meron din ako, parihas tayo, para mapatunayan ko talagang wala akong binabalak na masama sa 'yo..." pagpapaliwanag niya.

Bwahahaha sige na Kuya Atlas pumayag ka na, para naman masaya din ang laban mo mamaya, may mabaho kang pasabog...hindi niya alam itong nasa kanan ko ang totoong tubig, ito namang nasa kaliwa na ibibigay ko sa kaniya ay nakakasama ng tiyan, sa isip ni Suijin.





Walang kaalam-alam si Suijin na ang isa sa mga kasamahan nila dito na si Juan ay gumamit ng kapangyarihan na White Eye para mabasa ang laman ng kaniyang isip.

Nang mabasa ni Juan ang nasa isip ni Suijin ay bumalik na sa orihinal na itim ang kaniyang mga mata at nakahanda siyang tulongan si Atlas dahil malapit niya itong kaibigan.

Agad na tumabi si Juan sa isa sa mga kaibigan niyang si Jericho. "Jericho itulak mo ako dali..." pabulong niyang utos dito.

Napakunot-noo si Jericho. "Ano?! Sira ka ba?!" Sagot niya.

Hinawakan na ni Juan ang kamay ni Jericho. "Sige na..." muling pagpumulit niya.

"Eh 'di sige..." malakas na itinulak ni Jericho si Juan papunta kay Suijin, kaya nagkabanggaan ang dalawa na nagdulot ng pagkadapa nila sa sahig at nagtagumpay nga ang plano ni Juan, nabitawan ni Suijin ang mga boteng tubig.

Nagulat ang lahat sa ginawang pagtulak ni Jericho kay Juan. "Hoy ano ba kayo?! Hindi pa nga nagsimula ang Warriors Battle, sinimulan niyo na dito mag-away..." inis na pagkasabi ni Adhana na nag krus pa ng braso.

Nakipagtitigan si Jericho kay Juan at nilalakihan niya ito ng mga mata bilang nais niyang iparating na ano ang kaniyang sasabihin dahil sumunod lang naman siya sa pinag-utos nito.

Balyo ka talaga Juan, dinamay mo pa ako, sa isip ni Jericho.

Dali-daling tumayo si Juan. "Ah wa-wala ito, naglalaro lang kami, nalakasan lang pagtulak sa akin ni Jericho kaya ganun..." pagsisinungaling niya habang inaakbayan pa si Jericho na tumatango naman, kaya napaniwala nga nila ang mga kasamahan na walang away ang naganap.

Dali-daling nilapitan ni Atlas si Suijin at tinulongan niya itong makabangon. "Suijin ayos ka lang?" Pag-alala niya dito.

Pagkatayo ni Suijin ay agad niyang kinuha ang dalawang bote ng tubig na nasa sahig. "Ah oo ayos lang ako..." sagot niya.





Hawak-hawak na ngayon ni Suijin ang dalawang bote ngunit tila pinagpapawisan na siya dahil sa kaba na hindi siya sigurado kung alin sa dalawang bote na ito ang merong lason.

Palipat-lipat ang tingin ni Suijin sa dalawang hawak na bote.

Naku patay ako nito, alin ba dito sa dalawa, halos magkapariho pa naman sila, sa isip ni Suijin.

Napatingin si Suijin nang dahan-dahan na kinuha ni Atlas ang isang bote ng tubig at hinayaan nalang niyang kunin ito sa kaniya. "Sige Suijin, tiwala naman ako sa 'yo na wala ka talagang gagawing masama sa araw na ito..." nakangiting tugon ni Atlas.

Saglit pang napalunok si Suijin bago siya unti-unting kumalma. "Sa-Salamat Kuya Atlas...sige sabay na nating inumin ito." Nakangiting sagot ni Suijin at sabay na nilang ininom ang kanya-kanyang hawak na tubig.

Bahala na, magkakaalaman mamaya, sa isip ni Suijin.

Habang si Juan nama'y nais sanang pigilan si Atlas ngunit nakainom na ito, kaya wala na siyang nagawa kundi ang tumayo nalang at napakagat pa sa kuko dahil sa kaba na hindi siya sigurado kung siya o si Suijin ba ang nagtagumpay.

Hindi ako nakakatiyak kung naipagpalit ba ang mga tubig, pero ang mahalaga nakagawa ako ng paraan para kahit papaano mailigtas ko sa kahihiyan ang kaibigan ko, malay natin nag tagumpay ako, sa isip ni Juan habang nakatitig kina Atlas at Suijin na malapit ng maubos ang mga tubig.








Atlas Volume 2 [Warriors Battle] حيث تعيش القصص. اكتشف الآن