“Okay ka lang ba, Maya? Namumula ang mga braso mo.” Napatingin naman ako dito at napagtantong may mga sugat nga dahil sa kalmot.

“Ay wala ho ito, Kuya Billy. Okay lang po ito. Hugasan ko na lang po mamaya sa Cr bago ako pumunta kay Ma'am.” Tumango na siya at bumalik sa guard house niya.  

“Ayan kasi. Akala niya siguro sobrang yaman niya.”

“May pabigay bigay pang nalalaman. Edi siya 'yung gutom ngayon.”

“Pabida.”

“Papansin kasi.”

Rinig kong bulungan nung mga tauhan din na nadadaanan ko. Pinapatagos ko na lang sa kabilang tenga ang mga sasabihin nila dahil ang mahalaga ay nakatulong ako kahit papaano. Sana nga ay ligtas lang iyong bata ngayon.

“Hay, Maya,” bulong ko sa sarili habang marahang pinupunasan ang mga maliliit na dugong lumalabas sa braso ko. 

“Aish.” Masakit! Ang hapdi noong nilagyan ko ng alcohol, para na din tumigil ang pagdudugo.

Pilit kong iniihipan ang mga kalmot kahit na hindi abot ng hangin mula sa bibig ko iyong sugat. Bawat kapwa empleyadong pumapasok sa Cr ay napapatingin sa akin dahil nandito ako sa may lababo, sa harap ng salamin—sinusuri kung may sugat pa ba. May nararamdaman akong hapdi sa may bandang likod sa leeg pero binaliwala ko na lang dahil natatabunan naman ng buhok ko iyon na naka ponytail at hindi ko matingnan iyon sa salamin dahil medyo tago.

“Hoy, Maya! Lagot ka na naman kay Ma'am Kalim! Ang tagal tagal mo d'yan, kanina ka pa hinahanap!” Biglang kumabog ang puso ko sa narinig. Patay ako neto! Halos sampung minuto na din pala ako dito at limang minuto na lang para matapos na ang break at balik trabaho na ulit!

Tinakbo ko na ang office ni Ma'am Kalim at parang matutumba ako sa bawat hakbang ko dahil sa kaba. Hindi ko nga ba alam kay Ma'am kung bakit napakainit ng dugo niya sa akin gayong medyo matagal na simula noong nangyari iyong pagsusukbong ng Anak niya.

Nang marating ko ang pinto ay sumilip muna ako habang pinunasan ang mga namuong maliliit na butil ng pawis sa noo ko. May kausap si Ma'am at nakatalikod ito pero alam kong lalaki.

“Yes, call them, please,” aniya ng lalaki at tumalikod. Agad akong gumilid sa pinto at nagpanggap na walang narinig dahil alam kong palabas na ang lalaki.

“It's bad to eavesdrop y'know.” Napatalon ako ng kaunti nang marinig ang boses ng lalaki.

Lagot ako neto, huwag naman sana akong tanggalin sa trabaho.

“Ay hehe, ako po ba, Sir?” tanong ko na may pilit na ngiti sa labi pero ang totoo niyan ay kinakabahan na ako ng sobra!

“Of course, may ibang babae pa bang nasa labas ng office ni Mrs Kalim?” Napanguso ako at napakamot sa batok pero isa niyong pagkakamali dahil nakamot ko ang kalmot kanina ni Ma'am! Ang sakit!

“Aish. Sakto pa sa sugat,” bulong ko at pigil na maiyak dahil sa hapdi.

“What---”

“Oh, Sir Achie. Ano pa pong---oh, Maya. What are you doing here?” Mabait niyang tanong na nagpabigla sa akin. Bakit ang bait niya ngayon? May nakain ba si Ma'am?

“Hello? Maya, I'm asking you,” saad niya pero mas seryoso.

“Ahm, may iuutos ka po 'di ba.” Napatingin ako sa lalaking tinawag niyang Sir at dumapo naman ang tingin ko sa babaeng nasa likod ni Ma'am Kalim—her daughter, Alexandria. Masama ang tingin nito sa'kin sa hindi ko malamang dahilan.

“Oh nevermind. Pumunta ka na doon at may sasabihin si Sir Achie,” saad nito at agad akong tumango, nag-bow ng kaunti at tumalikod. Napahawak din ako sa batok ko at marahang dinama ang sugat ko doon. Pakiramdam ko'y mas humapdi ito kaysa kanina.

HER HALF (COMPLETED) Where stories live. Discover now