"Wow, sasagot ka pa talaga. Baka nakakalimutan mo kung ano ka dito sa kompanya? Trabahante ka lang!" 

At gano'n ka din po. 

"Naawa ka sa batang hindi mo kakilala tapos noong Anak ko ang nanghihingi ng makakain dahil gutom ay hindi mo binigyan gayong nandoon ka?" Tuluyan na akong hindi makatingin sa kaniya.

Hindi naman kasi nagsabi agad iyong Anak niya na wala pala itong baon, kung sinabi niya lang sana ay nabigyan ko siya gayong medyo marami ang baon ko noon. Pero huli na niyang sinabi nang tapos na ako nagliligpit. Ayos lang naman sa akin na may kahati dahil sanay na ako doon at hindi na big deal sa akin dahil iyon na ang kinalikihan ko. At noong tinanong siya ni Maam Kalim habang umiiya siya a gutom ay ang sagot niya lamang ay.

"Hindi pa ako gutom nun, Mommy. Kita niya namang hindi ako kumakain ay hindi niya pa din ako inaya! Masyado siyang maramot, Mommy!" Hindi ko mataas ang tingin ko dahil baka kung anong emosyon ang maipakita ko at mas lumalala pa ang sitwasyon. And worst, baka mapatalsik ako sa trabaho at hindi pwede iyon dahil ito lang ang trabahong bumubuhay sa akin.

"Walang hiya ka talaga, Maya! Siguro ay naiinggit ka sa Anak ko, 'no?" pagbibintang niya.

"Nako Maam, hindi po!"

"MAYA!" Nabalik ako sa reyalidad dahil sa hinampas niya ang braso ko ng malakas. Nagsimula akong kabahan dahil baka mangyari na naman ang nangyari noon. May nakita kasi akong bata at sobrang init ng panahon kaya naisipan kung hatian ito ng pagkain.

"Maam, pasensiya na po," tanging sagot ko na lamang.

"Sa susunod na mangyayari ito ay isusumbong na kita. Paalisin mo na ang batang iyan o ikaw ang paalisin ko?!" 

Sasagot na dapat ako nang ang batang kanina sa likod ko ay lumipat sa harap ko at tiningnan ng masama si Maam.

"Ang sama ng ugali mo!"

Napasinghap kaming pareho at buong lakas kong pinigilan si Maam dahil gusto nitong hilahin o saktan ang bata! Nangangalmot na si Maam pero iniharang ko ang sarili ko para hindi masaktan ang bata.

"Umalis ka na, bata! Dali!" saad ko habang pinipigilan si Maam. Gigil na gigil ito na para bang ayaw magpapigil.

"Alis na!"

"Opo, Ate! Salamat po sa pagkain!" Tinanguan ko lang bata at mas minadali ang pagpapalis.

"Walang hiya kang bata ka! Bumalik ka dito at pipitikin ko iyang bibig mo!" sigaw ni Maam. Nakaramdam ako ng mahapdi sa balat ko.

"Bleh! Pangit na nga, pangit pa ang ugali! Bleh! Ba-bye, Ate!"

"Maam, please po, tama na po."

"Ang pulubing iyon!"

“Maam, tigil na po!” Marahas akong napaupo dahil itinulak niya ako dahilan para mapaigik ako sa sakit.

“Huwag mo akong artehan, Maya. Alam mong ayaw ko sa gano'n pero ginagawa mo pa din!” Tanging pagyoko lang ang kaya kong gawin dahil ayoko na mas humaba pa ang usapan at baka mas lalong mag init ang dugo ni Ma'am sa akin.

Tinalikuran niya ako at sinabihang sumunod dahil may iuutos siya sa akin. Pikagpagan ko na muna ang suit kong jeans at inayos ang nagulong ponytail. Pilit akong ngumiti kay Kuya Billy na siyang nakasaksi ng lahat at sa ibang kumakain din dito sa likod. 

HER HALF (COMPLETED) Where stories live. Discover now