"PAPATAYIN KITA!" Galit na sigaw ni Keiv. P-Paano siya napunta dito ng ganun kabilis?

Galit na galit siya pero nagtataka ako nang makita ko ang sakit sa mga mata niya.

Hawak na rin ni Daren yung isa. "Bro, wag! Baka mapatay mo siya. Hindi tayo mamamatay tao!" Napatingin ulit ako kay Keiv at nakita kong nagpipigil lang siya. "Andito na sila!" nagulat ako nang may dumating na maraming mga taong armado at bumangga sakin si Keiv dahil itinulak siya nung isa at tumakas.

"Sundan niyo siya!" Sigaw ni Zares na napahawak ng bahagya sa likod ko dahil sa pagkabangga niya sakin.

"Yes, boss!" Boss?

Hinila ako ni Daren at pumasok ulit sa club.

"Hahaha! Stupid girl! You think I'll apologize to you? Over my dead gorgeous body, no way! Makita ko nga lang ang mukha moy parang masusuka na nga ako eh!" Maarteng sabi ni Tina ng makapasok kami.

"Really? Then, why are you still looking at her?" Pabalang na sagot ni Daren sa kanya.

"Duh! Paano ko mapapatunayan kung hindi ko siya titignan?"

"That's it! And you said, just by looking at her face would make you puke! How I wish you would puke to death!" Napalingon ako kay Keiv nang sabihin niya yun.

"Hahaha! How I wish either!" Segunda ni Daren. "The next time I see your face, I will punch you! Wala akong pakialam kung babae ka!" At hinila niya ako palabas. Nakita ko pa nga ang nanlilisik na mata ni Tina.

"I am not done with you, bitch!"

"Don't mind her, she's crazy." Natawa ako ng sabihin ni Daren yun. "You okay?" Tanong niya habang tinungo namin kung saan nakapark ang mga kotse.

"Ayos lang ako.."

Rinig namin ang malalim na buntong-hininga ni Keiv. "Daren, ihatid mo na siya.. alis na ako." Sasakay sana siya sa kotse niya ng pigilan siya ni Daren.

"Bro.." at ipinakita niya ang cellphone niya at dun nabasa namin ang message na Daren, 'I'm very mad at you! And I'm dead serious!'

"So?" Walang ganang ani ni Keiv.

"Bro, alam mo naman pag nagalit si mommy and I have to be there ASAP!" Tumingin sakin si Daren. "Ahm.. siya na maghahatid sayo Kaede ha? Babush!" Dali-dali siyang sumakay at pinaharurot ang kotse.

"What theㅡthat bastard!"

"Um, hindi mo na ako kailangang ihatid, mag tataxi nalang ako o di kayaㅡ" napatalon ako sa gulat nang hawakan niya ang kamay ko pero binitawan din niya agad.

"Sakay na!"

"Ah, hindi na talaga!" Napatigil ako nang samaan niya ako ng tingin. Kaya dahan-dahan akong sumakay sa kotse niya.

Sumakay din siya at pinausad ang kotse. "Ano bang pumasok sa isip mo't pumunta ka dunㅡng mag-isa!" Simula niya.

Napayuko naman ako nang maalalang pinagkakaisahan lang pala ako. "Nakipagkita kasi si Tina. Sabi niya h-hihingi daw siya ng tawad." Tiningnan naman niya ako ng di makapaniwala.

"Seriously? Sa club? Kung matino siyang tao, hindi ka niya kailangang dalhin sa club para lang makahingi siya ng tawad! And you know she's a plastic pero nagpadala ka parin!" Napalunok ako dahil sa galit ng boses niya.

"S-Sorry..." Mahinang usal ko. Napasinghap pa ako ng bigla siyang magpreno. Tiningnan ko siya na nakatingin din sakin.

Agad siyang nag-iwas ng tingin. "Bakit ka ba nagsosorry?" Aniya at pinausad ulit Ang kotse.

He's My Badass Guy | BADASS DUOLOGY #1Where stories live. Discover now