Nanlalabo ang mata ko na umalis sa sala at duneretso sa kwarto. Hindi ko aakalaing berhin man ako pero diring diri ako sa sarili ko.

"Hoy! Ano? Tutunganga ka na lang ba dyaan? Malapit na silang dumating, bilisan mo ang kilos mo."

"O-opo, Kuya." Tutungo na sana ako sa kusina nang lumingon ako para magtanong.

"Ahm, Kuya? May tanong po sana ako." Nakatingin ako sa sahig dahil na din sa hiya.

"Nagtatanong ka na, Maya. Pero sige, ano 'yun?"

"Si Paul po? Pupunta ba siya?" Kita kong napangisi si Kuya. Alam kong na-misunderstoon niya ang binitawan kong salita kaya agad ko itong binawi.

"I mean, hindi sa gano'n Kuya ha. Takot po ako sa kaniya. Ayaw ko po mangyari ang nangyari noong pumunta din siya dito."

"Wala. Ay hindi. Hindi siya pupunta, may asikasuhin daw. Sige na! Shoo! Alis! Gawin mo na ang inuutos ko." May ngiti sa labi akong tumango at agad na tumalikod para gumawa ng meryenda.

May ngiti ako sa labi habang hinahanda ang meryenda. Magaan din ang loob ko kasi alam kong wala si Paul at magiging payapa ang hapon ko. Pero how wrong I was.

Nang inutusan ako ni Kuya na buksan at papasukin ang barkada niya ay laking gulat ko nang unang bumulaga si Paul na may malalaking ngiti at may pagkamanyak na tingin sa akin.

Ilang segundo ako nakatayo lang doon. Nagsinungaling si Kuya.

"Hi, Maya. Miss me?"



"ARGH!!" Naiinis kong pinukpok ulo ko gamit ang palad ko. Panaginip! Inis kong inabot ang relong nabili ko sa halagang singkwenta pesos sa palengke. Ito ang tumutulong sa akin kapag may pasok sa trabaho. Ayaw kong ma late kasi baka tanggalin ako, napakahirap pa naman ang maghanap ng trabaho lalo na't hindi ako nakapag tapos ng pag-aaral.

2:55??

Ang aga naman ata ako ginising. Sa sitwasyon ko, minsan hindi ko na kailangan ang isang alarm clock. Managinip ka ba naman ng mga pangyayari sa nakaraan, sinong hindi gugustuhin na magising mula sa mga 'yun.

Ayaw ko mang gumising ng maaga dahil pagod ako sa trabaho ay wala akong choice kundi ang bumangon para magsimulang maglakad. Wala akong pera pangbayad sa motorcycle. Kung kaya ko namang lakarin eh bakit hindi, mas makakatipid pa ako ng pera.

Nag toothbrush muna ako at naghilamos. Hindi na muna ako maliligo, naligo naman na ako kahapon. Magpupunas na lang muna ako. Baka kasi kapag naligo ako araw araw e mas lalong lumaki ang bayarin ko sa tubig. Pinagkakasya ko na nga lang ang sahod ko araw-araw sa gastosin dito sa apartment na nirerentahan ko at sa pagkain ko.

Ni-bend ko ang tuhod ko para makita ko ang sarili ko salamin. Basag kasi ang kalahati nito at kung babaliktarin ko naman ay baka mahulog lang at maging sayang pa. Nakita ko lang 'to noong nakaraang araw habang naglalakad ako pauwi sa gilid ng kalsada. Natamaan ng ilaw ko na tig-sampo na lighter kaya binitbit ko na, kung sa iba ay hindi na mapapakinabangan, sa akin ay kering keri pa. O 'di ba hindi ko na need bumili ng salamin na mahal sa palengke, libre na iyong akin.

Inayos ko muna ang pagkaka-ponytail ng buhok ko bago kinuha ang bag at isinirado ang pinto. Napatingin ako sa relo ko.

3:20. Maaga nga talaga ako ngayon ah. May magandang dulot din naman pala iyong bangungot ko.

Ini-on ko na ang tig-sampo kong lighter para ilawan ang daan. Habang naglalakad ako sa tahimik at madilim na daan, muling sumagi sa isip ko ang panaginip ko.

"Hi, Maya. Miss me?" Napaawang ang bibig ko at gulat ang mga mata ko. Akala ko ba hindi siya pupunta? Bakit nandito ang manyak na 'to?

HER HALF (COMPLETED) Where stories live. Discover now