Tumango naman ako, at nag sang-ayon naman ang tatlo.

Naunang umupo si Meli, Chescka at Ellie sa katapat naming row sit.

Kaming dalawa lang dito ni Ryona kaya baka may umupong iba.

Hinihintay pa namin mga kasakay ang ibang classmates at students para ma kompleto at maka alis na ang bawat bus.

Nasa tabi ako ng bintana ang presko kasi sa pakiramdam hindi ko rin napansin masyado si Ryona kung naupo na.

"Aalis na ang bus, umaayos na kayo!" rinig kong sigaw ng driver ng bus.

"Ryona ilang oras-" my words cut dahil hindi si Ryona ang katabi ko.

Sobrang lapit ng muka niya sa muka ko halos naamoy ko na rin ang hininga niya at pabango.

"Ay sorry Ms. nagulat ata kita hehe." sambit ni Keijo at kabadong tumawa.

"Wala na kasing vacant sit para kay kuya kaya dito ko nalang siya umupo, it's that ok Yhonna?" pagtango nalang ang naisagot ko kay Ryona at umayos ng upo.

Nakakabigla naman kasi ni hindi ko manlang naramdaman na ang katabi ko ay hindi si Ryona.

Ilang oras daw ang biyahe kaya pwede ko rin tong gawing rest time.

Hindi rin ako nakatulog ng maayos dahil nag ayos ako ng mga gamit at ewan hindi ko rin alam ang dahilan kung bakit hindi ako nakatulog ng maayos kagabi.

"Yhonna want to taste it." nabaling ang tingin ko kay Ryona na may inaabot na cupcake ang kuya naman niya ay kumakain rin.

"Try mo Yhoona?, masarap yan si Ryona nag bake." dagdag pa ni Keijo kaya hinampas siya ni Ryona.

"A-Ah ok..sige salamat." napakamot pa ako sa batok ko habang inaabot ang cupcake.

"Ano name mo? hindi ko kasi alam kung tama." napa iwas pa ng tingin si Keijo.

Gusto ko tumawa dahil lahat sila ay nahihirapan sa pangalan ko.

"Yhonnanica Allure Freya." napaawang ang labi niya sa sagot ko.

"W-Wow...ang haba pero nice name bagay sayo maganda." halos mamula ang muka ko sa saad niya.

"Kaya lang hindi kaba nahihirapan sa spelling tapos bigla ka may nakalimutan na letter tapos mukang hindi pa kasama surname mo, ang talino ng parents mo sa pag iisip ng name mo ha." mahaba niyang sambit at ang dahilan ng pagtawa ng malakas ni Ryona.

Ako naman ay napanganga lang sa sambit niya.

Alam kong narinig din iyun nila Meli kaya tumatawa narin sila ngayon.

"Bakit kayo natatawa? nagtanong lang naman ako. Ang hirap naman kasi." narinig ko pa ang mabigat niyang paghinga at inosenteng nakatingin sa kapatid niya.

"Laugh trip ka kuya, wag kana magtanong baka mawala sa mood yang si Yhonna." natatawa paring saad ni Ryona at tumango naman ang kuya niya.

Ang swerte ni Ryona magkaroon ng kompletong pamilya at Kuya.

Nangangarap rin ako magkaroon ng kapatid kahit na alam kong malabo na. Kaya mahilig rin ako sa mga bata.

Pero isa sa happiness ko mag paiyak ng bata.

Mahaba haba ang biyahe narinig ko ang kwentuhan nila, ang ihip ng hangin ay tumatama sa muka ko may mga huni ng ibon halos lahat ay maiingay at puno ng saya.

Hanggang hindi ko nalang namalayan na nakatulog na pala ako.

"Yhoona uy gising na malapit lapit na daw tayo tulog mantika ka ha." may tumapik sa balikat ko.

Dahan dahan kong binuksan ang mga mata ko at tinignan ang kumalabit sa 'kin.

Ganun nalang ang gulat ko ng nakatulog ako sa balikat ni Keijo.

Inangat ko ang ulo ko at duon ko nakita na deresyo ang tingin niya sa 'kin at ngumiti.

"S-Sorry." katagang lumabas sa bibig ko at umayos ng pag kakaupo.

"Hindi ko kasi namalayan na sa balikat mo ako nakatulog." dagdag ko pa.

"Hindi lang naman ikaw." saad niya at tinuro si Ryona na natutulog rin sa balikat niya.

Nahihiya naman akong ngumiti.

"Baka kasi mamaya mawalan ka ng ulo kapag diyan ka natulog sa bintana saka ako naman naglagay ng ulo mo sa balikat ko." nakamot pa niya ang ulo niya habang sinasabi yun.

"Ah.. salamat." sambit ko at pilit na ngumiti sa kanya.

"Don't mention it." sambit niya habang kinakalabit na rin si Ryona.

"Malapit naba tayo?" narinig kong tanong ni Ryona habang sinusuklay ang buhok niya.

"Oo daw konti nalang daw bunso." sagot sa kanya ni Keijo.

Maya maya pa ay huminto na ang bus na sinasakyan namin.

"Tara na babaan na!" nilingon kami ni Chescka at tuwang tuwa.

"Yung energy mo ang taas taas nanaman." natatawang saad ni Ellie at inaayos ang mga gamit nila.

Inaayos ko na rin ang gamit ko bago bumababa baka kasi may makalimutan ako.

Unti unti nang nagbabaan ang mga kasama namin sa loob ng bus.

Bumababa narin sila Chescka, Ellie, Ryona at Meli.

Pababa na ako ng may kumalabit sa akin.

"It's nice to meet you again Freya bye bye muna." nakakaway na sambit ni Keijo.

Me too?

---
A/N:
Road to 1k reads na tayo yellows thank you for always supporting me.

Until Our Voice Meet Again Stranger | ✓Where stories live. Discover now