Ang inaasar naman na si Mariecris Polledo ay nanginginig na sa galit habang nakasakay sa sanga ng kahoy. Isa siyang Land Gifted at kakayahan niya na kontrolin ang mga kahoy sa paligid, kaya agad niya inilapit kay Joseph ang isang sanga na mas lalo pang humahaba.

Nang makalapit kay Joseph ang sanga ay agad siya nitong hinawakan ng pagkahigpit sa bandang tiyan at inilapit siya nito kay Mariecris.

"Pwede kitang burahin sa mundong ito kung gugustohin ko! Simulan na kaya natin maglaban dito para mawala ka na sa buhay ko!" Tumitindi ang galit ni Mariecris habang inilalapit niya ang kamao sa mukha ni Joseph.

Sa kabila ng ginawa ni Mariecris ay nagawa pa rin tumawa ni Joseph habang nakipagtitigan sila sa isa't isa. "Napaka-init talaga ng ulo mo, kumalma ka nga. Hindi ka naman mabiro eh..." sagot ni Joseph.

Unti-unting kumalma si Mariecris. "Alam mo, kaysa mag sayang ako ng enerhiya sa 'yong gunggong ka, mabuti pa ituon ko nalang ito sa pagsasanay..." agad na binitawan ng sanga si Joseph at wala ni-isa ang sumalo nito.

Napangiwi si Joseph nang mahulog siya sa lupa dahil sa sakit, pero ilang sandali pa'y natawa lang siya nang magtawanan ang mga kasamahan niyang lalaki na sina Atlas Dampasigan at Juan Luna.




"Wala talagang araw na hindi sila nag-aaway, buti nalang nasanay na tayo sa kanila." Wika ni Lynn Yarra habang naghahagis ng mga tubig sa lupa bilang kaniyang pagsasanay.

"Hayaan lang natin sila." Tumigil si Adhana Makadatu at nilingon ang paligid.

"Pansin niyo ba, kunti lang tayo dito. Apat lang tayong babae, at tatlong lalaki na puro pasaway pa ang kasama natin..." napabuntong hininga siya habang nakaupo at ang mga kamay niya'y nakadapo sa lupa, kaya ang mga damo sa harapan niya ay nasusunog dahil sa mga apoy na lumalabas mula sa kamay niya.

Ang isa pang Land Gifted na si Mara Molina ay napahinto sa pagpapalo sa puno ng kahoy gamit ang kaniyang mahabang talulot ng bulaklak rosas na parang latigo at nilingon niya sina Adhana at Lynn.

"Hindi ba sabi naman ni Protector Nayde na pinapayagan niya magsanay dito ang may gusto lang, kaya malamang ang iba sa kanila sa kanila-kanilang lugar nagsasanay, hindi ko lang alam kung sa'n. Kay Haliya lang ang alam ko, nando'n siya ngayon sa Medicalania at itinuon ang oras sa pagsasanay manggamot." Pagkatapos niya ito sabihin ay bumalik na siya sa pagsasanay.

"Alam niyo, sa ating lahat kay Haliya ako naaawa, ayaw niya ng gulo at ayaw, pero sa gaganapin na Warriors Battle bukas, kinakailangan niyang gawin. Pwede siyang umatras, pero babalik lang siya sa pagiging Trainee, masasayang lang lahat ng pagod niya." Mababang tuno ng boses ni Lynn at tumango naman si Mara.




Nagsalubong ngayon ang mga kilay ni Adhana nang makitang nakaupo lang sa lupa at nagkukwentohan lang sila Atlas, Juan at Joseph, kaya agad siyang tumayo at hinagisan sila ng mga apoy bagay na ikinagulat nila.

Naprotektahan sila mula sa apoy nang agad na sumulpot ang pananggang gawa ng mga tubig o kakayahang tinatawag na Water Shield, isa ito sa mga kakayahan ni Atlas na agad lalabas kapag may aatake nang hindi niya namamalayan.

Nanlaki ang mga mata nila Atlas, Juan at Joseph nang makitang nag-aatake pa rin ng mga apoy si Adhana para mabasag ang Water Shield kung saan sila nakapaloob.

"Kanina pa kayo tawa nang tawa diyan! Magsanay na nga kayo!" Sigaw ni Adhana.

Nagtawanan lang sina Juan at Joseph. "Nauna kaya kami dito sa inyo, kanina pa kami nagsasanay hindi niyo lang nakita kasi kakarating niyo palang..." sagot naman ni Atlas na ngumi-ngiti-ngiti pa.

Agad naman tumigil si Adhana. "Ah ganun ba. O sige ganito nalang, labanan niyo kami. Mga babae laban sa mga lalaki. Gusto ko kasing magsanay tayo ngayon sa pakipaglaban, ano payag ba kayo?!" Tanong niya.

"Siga ba..." agad na sagot ni Juan at nang mawala na ang Water Shield ni Atlas ay agad siya naglaho.




Sumulpot si Juan sa likod ni Adhana at agad siya naglabas ng mga hangin, pero napansin 'yon ni Adhana kaya mabilisang humarap si Adhana at agad siya nag-atake ng apoy kaya nagkasalpokan ang mga apoy niya at mga hangin ni Juan sa gitna nila.

Parihong napangitngit ng ngipin sina Adhana at Juan dahil sa todo bigay nila ng lakas para maitulak at tatapon ang isa sa kanila.

Nakaisip ng paraan si Adhana, gamit ang isa niyang paa ay malakas siyang tumadyak sa lupa, kaya kumalat sa lupa ang mga apoy at papunta sa kinatatayoan ni Juan.

Agad napatingin si Juan sa lupang kinatatayoan dahil nakadama siya ng init sa paa at nanlaki ang mga mata niya nang makitang unti-unting umaakyat sa katawan niya ang mga apoy ni Adhana.

"A-Aray, aray ang inittt..." pagsisigaw niya at agad na siya naglaho bago pa mahuli ang lahat, sumulpot siya sa pwesto na malayo kay Adhana.

Tumatakbo naman papunta sa isa't isa sina Lynn at Joseph, nang palapit na sila ay sabay silang nag-atake ng mga tubig, pero parihong nagbanggaan lang ang mga tubig nila, kaya ang kabilang kamay naman nila ang ginamit nila para mag atake ng tubig, pero nagkasalubongan pa rin ang mga ito.

"Itigil niyo 'yan!" Nanlaki ang mga mata nila nang marinig ang boses ni Protector Nayde, kaya agad silang lahat nagsitigil at dali-daling humarap kay Protector Nayde.

Seryosong tinitignan ni Protector Nayde ang mga batang narito, pero mas nakatuon ang tingin niya sa apat na naglalaban.

"Hindi na ba talaga kayo makapaghintay sa Warriors Battle at talagang sinimulan niyo na dito! Ang sinabi ko pasarili kayong magsasanay dito, hindi maglalaban! Mukhang mali 'ata na pinayagan ko kayong magsanay dito, kaya do'n na kayo sa malayo sa isa't isa, sa iba't ibang lugar, nang sa ganun ay hindi makita ng bawat isa sa inyo ang gagawin niyong paghahanda! Sige na, pwede na kayong umalis." Tugon niya sa mga bata.

Sabay-sabay na nagyuko ng ulo ang mga bata. "Patawad po Protector Nayde..." paghingi nila ng tawad at naglaho na sa harapan nila si Protector Nayde. Sinimulan na ng mga bata ang dahan-dahan na paglakad palabas ng Atlan Academy.








Atlas Volume 2 [Warriors Battle] Where stories live. Discover now