Chapter 1: The Audition

167 15 12
                                    

Elodie POV

"3...2...1... Action!"

Ang mga salitang iyon ay hindi na bago sa akin, lalo na at ito naman yung mundo na nakalakihan ko.

At a mere age of 4 years old, I already entered showbiz through commercials. Pero habang lumipas ang panahon, nakakuha din naman ako ng mga roles bilang batang version ng mga bida sa teleserye.

Above all, I thank the opportunity to enter the world of showbiz through my Lola Carmelita.

Simula bata palang ako, mahilig na ako mag-pose sa camera, kumanta at sumayaw. Parang gusto ko daw laging nagpapasaya ng mga tao. Palagi ko pa daw sinasabi na gusto ko makita ang mukha ko sa telebisyon.

Napansin naman ata yun ng maaga ni Lola Carmelita kaya 4 years old palang, sinamahan niya ko sa mga commercial auditions.

Through commercials, casting managers noticed me and started to refer me to audition for younger versions of female leads in teleserye. Simula 'non, yun na ang mga ginaganap kong roles.

Dahil nga bata pa kami, mahirap talaga makakuha ng 'breakthrough roles' compared doon sa mga nag-debut sa industry in their early 20's.

Kala din ng mga tao na mas madali sa aming mga child stars na sumikat dahil kinalakihan na namin ang industriya pero nagkakamali sila.

Dahil nga kilala na kami ng mga tao, mas mahihirapan kami makaalis sa image na nakatatak sa amin. Kung sakali magkaroon man kami ng mga 'adult roles' sa future, makikita parin nila kami as "child actors" o yung pinaka-memorable na role na ginanap naming bilang bata.

Ngayon na 22 na ako, ang pinaka-memorable parin na role ko at sa mga audience ay ang pagiging batang version ng isang prinsesa sa historical na drama. Hanggang ngayon nga, madami pa din tumatawag sa akin na "Mithi".

Actually, pagkatapos ng drama na iyon, may nag-offer sa akin na sumali sa isang variety teen show. Pero, kinailangan ko tanggihan dahil sa pangako ko sa nanay ko: tatapusin ko muna ang college at kukuha muna ng degree.

Do I have some regrets about it? Definitely, in some ways. Di ko naman made-deny 'yun. Lalo na noong age ko siguro noon, masakit sa akin dahil mahal na mahal ko ang pag-aarte pero hindi ko rin naman pwede tanggihan si Mama.

Lalo na, dahil nagpapakahirap si Mama sa Italy para lang pagpadala ng pera sa amin ni Lola Carmelita. Dahil nadanas niya ang maghirap dahil sa di pagtatapos ng pag-aaral, ayaw niya din madanas ko ito.

Sabi niya, kahit pa may trabaho ako sa showbiz, hindi ito stable na industriya. Hindi ako sigurado kung makakuha ba ako ng regular na gigs all the time. Kaya, mas mabuti na kung may fall back ako na isang college degree.

Pero noong natapos ko na ang degree ko sa Tourism, feeling ko ay may kulang parin sa akin. There's a void that cannot be filled by anything else aside from what I truly love: acting.

Kaya naman ang audition kung nasaan ako ngayon ay tinuturing kong one and only chance para mapatunayan sa sarili ko na may abilidad ako para maging isang leading lady sa teleserye.

Bukod doon, I recognise this as a chance para mapatunayan kay Mama na kaya ko magka-stable na career sa showbiz.

Other people may find it hard, but I didn't even put much effort as I got into my character and tears naturally stared to fall down from eyes.

"Andres, totoo ba ang sinasabi mo? Hindi ako naniniwala sa'yo. Alam mo naman na ikaw lang naman ang mahal ko..."

Heavily immersed into my character, parang gripo kung pumatak ang mga luha galing sa mata ko. Kahit na wala naman tao sa harap ko, kung umiyak ako ay para bang totoo na may karakter na 'Andres' sa harap ko.

Hustled SparksDonde viven las historias. Descúbrelo ahora