4- CASA L'MAFIOZA

Start from the beginning
                                    

Imposibleng ito ang nagsabi dahil ngayon pa lang naman nalaman ng binata ang tungkol sa kanya. Kanina pa siya sa labas, at alam din niyang walang nakakakilala sa kanya. Except if someone that Waem knows tells them. Not also Lax, because she knows him very well.

It's not Eujem, right? Of course he won't tell them about me dahil mapapahamak din siya. So who? Damn!

“I don't know how, pabalik pa lang ako sa mesa natin nang magkagulo dahil nalaman na may nakapasok na kalaban. I heard your father's name kaya ikaw agad naisip ko. Damn, kanina pa kita hinahanap. Tumulong si Eujem sa paghahanap sa 'yo, hindi ko alam kung saan na siya. Let's go, Waem. You're not safe here anymore.” At hinila na siya ni Lax ngunit natigil nang may humawak sa isang kamay niya. Agad niyang naramdaman ang libo-libong boltahe na umakyat sa katawan niya.

“You can't go out there. Marami kaming tauhang nakabantay diyan. Come.” Hindi na nito hinintay na magsalita pa silang dalawa ni Lax at agad na siya nitong hinila sa kung saan.

Nakalabas silang pareho ni Lax dahil sa tulong ni Loid. Bumuntonghininga siya nang tingnan ang kamay niya. Loid hold her hand so tight a while ago. Hindi niya alam ang mararamdaman. Masaya siyang kahit papaano nahawakan ng lalaking mahal niya ang kamay niya. Ngunit pagkadismaya at lungkot sa katotohanang baka iyon na ang huli.

“Max told me you will stay at his house tonight. Hindi ka mahahanap doon ng Tatay mo.” Bumaling siya kay Lax at tumango.

“Okay, thank you!”

“Tsk, don't be sad. I'm sure, hindi naman iyon ang huling pagkikita niyo.”

Ngumuso si Waem. “Ilang buwan na naman? Ngayon ko lang siya nakita ulit at nakausap ng matagal pero ito pa ang nangyari. I didn't even get his number,” maktol niya.

Hindi makapaniwalang tumingin si Lax sa dalaga. Hanggang sa mapailing siya. Kung kaya lang niyang batukan ang dalaga ay baka ginawa na niya ngunit alam niyang siya ang mananagot sa kambal niya.

“Are you for real? Lalaki ka ba? Tsk, don't look so desperate to have him. Baka mamaya ay may girlfriend iyon.” Halos umusok naman ang ilong ni Waem nang marinig iyon sa kaibigan.

Inis niyang binaklas ang seat belt,  dumukwang siya palapit at binatukan ito. Sandali siyang sinamaan ng tingin ni Lax at ganoon din naman ang ginawa niya dito.

“Lalaki lang ba ang puwedeng humingi ng number? We can do that too! And he doesn't have a girlfriend! Don't talk to me, sisipain kita.” Umirap si Waem dito.

She crossed her arms and didn't talk to him until they arrived at Max's house. Lumabas siya ng kotse at malakas iyong sinara. Nang akmang bababa si Lax nang isara niya ang pinto sa banda nito. Hinarangan niya ang pinto nito. Naiinis siya dito. Bumukas ang bintana at masungit siyang tiningnan ni Lax.

“I won't let you come inside. Huwag kang magpumilit, isusumbong kita kay Max! Naiinis ako sa'yo! Alis! Panget!” Nagmartiya si Waem papasok sa loob ng bahay at ni-lock agad ang gate at pinto ng bahay.

Hanggang sa pagtulog ay nakasimangot si Waem. Ngunit habang iniisip niyang nakausap at napagmasdan niya si Loid ng malapitan ay kinikilig siya.

Waem has been in love with Loid for how many years now? The first time she saw him was three years ago at church. Hindi pa niya alam noon na Falcone ito. Ito din ang dahilan kung bakit pabalik-balik siya sa simbahan kapag araw ng pagsamba. But one day he didn't show up hanggang sa magtuloy-tuloy na iyon. Sobrang pagsisisi talaga ang naramdaman niya dahil hindi man lang niya ito nilapitan noon o kahit tanungin man lang ang pangalan nito.

Wrath of the Mafia HeirWhere stories live. Discover now