Chapter 7

6 2 14
                                    

Chapter 7: Hug


Saktong alas singko ng umaga ay dilat na ang aking mga mata. Naunahan ko pa iyong alarm clock ko. Maaga pa para bumangon. I still have one hour to sleep so I closed my eyes to comeback on my dream land. Just when I'm about to close my eyes ay napamulat na naman ako at agad na bumangon sa aking kama. Nagyon ko lang naalala na pupunta pala kami ng Tagaytay para sa cake tasting. Pambihirang cake tasting iyan! Bakit kailangan doon pa? Ang layo-layo eh.


Nasapo ko ang aking noo nang maalala na marami pa pala akong naiwan na trabaho sa hospital at kailangan ko iyong matapos agad dahil may pupuntahan akong conference sa Friday. Dalawang araw ang conference na gaganapin sa isang resort. My schedule is ruined because of the cake tasting and I hate it. Wala naman akong choice since I said yes to Tita Kalla. Kung hindi lang dahil kay Tita Kalla ay hindi talaga ako sasama kay Kendrick para sa cake tasting.


I let out a deep sigh because of frustration and irritation before calling my secretary to inform her that I can't go today. After 3 rings ay sinagot ni Annette ang tawag ko.


"Good morning, Maam. May ipapaggawa po kayo at this hour?" she asked politely on the other line. Napailing na lamang ako habang nakangiti. Ilang taon lamang ang agwat naming dalawa pero kapag oras ng trabaho ay gumagawa talaga siya ng border line sa pagitan namin. She's my friend when it's not working days or hours and we talked about usual things like what friends do. Minsan ay pinagsasabihan ko rin siya ng problema ko.


"Oo. Pwede bang tapusin mo iyong presentation na dadalhin ko sa conference? I can't go to work today," tumayo ako sa kama habang hawak ang cellphone at binuksan ang kurtina ng aking silid para maging maliwanag ito.


"Okay, Maam," tumikhim siya bago nagsalita ulit.


"Bakit liliban ka today? Anong nangyari sayo? May sakit ka ba?" she talked like my friend now and removed the formality in her voice. The concern is very evident on her tone.


"Wala pero pupunta ako sa Tagaytay kasama si Kendrick para sa cake tasting," matamlay na sagot ko. Just the thought of it makes my body weak. Alam naman ni Annette ang tungkol sa fix marriage. Invited nga siya sa engagement party noong nakaraan.


"Tagaytay for a cake tasting? Seryoso ba yan, Sabrina? Pwede naman na dito na lang diba?" sunod-sunod na tanong niya. Kahit siya ay hindi rin makapaniwala.


"Hindi ko rin alam kung bakit,"


"Alam mo, parang hindi naman fix marriage yang magiging kasal niyo. Imagine, ilang buwan yung preparation tapos bongga pa. Iba sa typical fix marriage na minamadali. Iyong iba nga, sa judge lang pero kayo church wedding talaga," there she goes with her conclusions again. I rolled my eyes kahit hindi niya naman ako nakikita.


"Stop putting ideas on my mind. This fix marriage will eventually fail kaya hinahayaan ko na lang sina Daddy. I don't want any complications as of the moment," mahinahon kong sambit bago umupo sa upuan ng aking desk.


"Ewan ko sayo! I'll hang up now. Enjoy sa Tagaytay," kantyaw niya sa huling sinabi. Baliw talaga. Binabaan niya na ako ng tawag bago pa man ako makasagot. Ipinatong ko ang cellphone sa mesa at bahagyang napaisip kung magdadala ba ako ng damit o hindi sa Tagaytay. Baka inuuto lang ako ni Kendrick kagabi nang sinabi niya iyon. Ilang beses ko iyong pinag-isipan at sa huli, natagpuan ko na lang ang sarili ko na naglalakad papuntang closet. Isang maong na jeans at kulay krema na off shoulder ang aking napili. Kumuha na rin ako isang pares ng underwear. Inilagay ko ito sa medyo malaking sling bag kasama ang wallet, alcohol, cellphone, charger, powerbank, tissue, wet wipes at lipstick.

Heal Me, Love MeWhere stories live. Discover now