Chapter 4

22 2 1
                                    

Chapter 4: Clarisse


Hiyang-hiya ako. Parang gusto ko na lang maglaho bigla. Can I change what happened between us? Kung pwede lang sana edi ginawa ko na. Hindi ko alam kung bakit madali akong bumigay pagdating sakaniya.


Hindi naman ako marupok diba?


But I need to admit the fact that he kiss so good. Kaya nga siguro nadadala ako sa tuwing inaatake ng labi niya ang labi ko. His kisses hits different from my ex-boyfriend.


Yes. I had a boyfriend before way back in second year college until third year. I'm not that uptight though but it doesn't mean that I really loved my ex. My definition of love is so shallow. Na kapag attracted ka sa taong iyon ay pwede na. Iyon ang naging basehan ko sa pagsagot kay Oliver dati.


I can describe Oliver as a tall, dark and handsome kind of man. Idagdag mo na rin ang magandang pangangatawan dahil na rin siguro isa siya sa mga magaling na basketball player sa campus.


Unang kita ko sakaniya noon ay namangha na talaga ako sa angking kagwapuhan niya. Napapadaan kasi ako noon sa basketball court tuwing uwian dahil madalas na naroon sina Alexi at Xierra para magmasid sa mga players kaya nakikita ko rin si Oliver.


Later on, Alexi got herself a boyfriend from the basketball team while Xierra on the other hand had her own thing with Isaiah, one of the basketball players too. Simula noon ay naging malapit na ang grupo namin sa basketball team ng school.


Doon nag-umpisa ang pagiging attracted ko kay Oliver and then after a long time of hanging out as a friend, he decided to court me and of course the attracted me said yes after 7 times of dates.


Alam ko noon na hindi talaga ako para sa isang long term relationship dahil mababaw ang pananaw ko sa pag-ibig ngunit dahil komportable at masaya naman ako kay Oliver ay nagtagal kami. We lasted for 10 months. Kalaunan ay naghiwalay din kami dahil lumipat sila ng pamilya niya sa Switzerland.


Oliver and I ended in a nice way. We remained friends. Nag-uusap kami paminsan-minsan sa Instagram at Messenger.



Napabalik ako sa realidad nang biglang nagsalita ang lalaking may dahilan ng lahat ng kahihiyan na nararamdaman ko ngayon. I gave him a death glare.


He just smirked at me and plastered a playful smile on his lips.


"Let's go. They're waiting," casual na sabi niya. Wow! Parang walang nangyari ah? Para bang normal lang ang lahat para sakaniya.


How can I face his mother? May mukha pa ba akong maihaharap? Baka nagconclude na nga si Tita na malandi ako eh. Hindi pa nga kami kasal ng anak niya tapos naabutan niya kami sa gaanong sitwasyon? Take note, nasa ilalim pa ako ng anak niya. Baka sabihin pa niya na gustong-gusto ko iyon. Damn it!


Bigla kong naisip si Daddy. Gusto ko tuloy kastiguhin ang sarili ko. What if Tita Kalla told him already about the kiss? Paniguradong papagalitan niya ako.

Heal Me, Love MeWhere stories live. Discover now