"Boss." sagot ko.

"You're here." nakangiting lumapit ito sa kinaroroonan ko. "You work with Maui now?"

Nahihiya akong tumango. "Oo, assistant niya."

"Nice, kailan pa?"

"Kagabi pa lang."

"Good for you. Where is she by the way? Kanina ko pa siya tinatawagan sa phone niya kaso ayaw naman niyang sagotin. Ipapakita ko lang sana 'tong business proposal na inihain sakin nung isang kliyente ko last week." anito saka inilapag ang bitbit na folder sa mesa. "I also went to her office at RIBC but she wasn't there, that's why I decided my luck here. Nandito ba siya?"

"Nasa taas si Ma'am, nilalagnat."

"Aww, no wonder." tinignan nito ang niluluto ko. "What are you making?"

"Sopas po para sa kanya. Di pa kasi yun kumakain e."

A playful smile formed on Vaughn's lips. "Akala ko ba Assistant yung trabaho mo sa kanya? bakit parang naging personal care taker ata?"

"Assistant naman talaga, timing kasi nag-day off yung mga kasambahay dito sa bahay kaya tinawagan niya ako."

"Aww okay." mahina itong natawa. "Ano palang pinang-gagawa ng bagong amo mo kahapon at nagkaroon 'yon ng lagnat?"

Ibinaba ko muna ang hawak kong sandok bago ito sinagot. "She was crying really hard last night."

Biglang natigilan si Vaughn na para bang may na-alala. "Oh shit, I forgot it's Ellie's--" she paused for a while.

"Birthday." dugtong ko.

"Alam mo?" nagulat ito.

"Oo, kwenento ni ma'am sakin kagabi."

Ilang beses kumurap-kurap si Vaughn. "Konti lang kaming nakakaalam sa totoong nangyari kay Maui noon....it seems like she's comfortable with you dahil sinabi niya talaga sayo."

"Parang ganun na nga." nakangiting sagot ko.

Umupo si Vaughn sa stool saka itinukod ang dalawang siko sa kitchen island. "Well today is her daughter's birthday. 6 years old na sana ngayon si Ellie kung hindi lang siya maagang nawala."

My smile faded, nakaramdam ako ng lungkot. "Sayang."

Vaughn heaved a sigh. "I witnessed it all, Gail. And it was really heartbreaking. Bago pa man naging kami noon ni Maui, we started as good friends. Kami yung unang naging close simula nung lumipat siya sa university na pinasokan ko. Nung mga panahong yun medyo girly pa ako ha, at laging ako yung third wheel sa kanilang dalawa ni Noah."

Hearing that guy's name is already pissing me off.

"I was also there for her when that bastard choose to be irresponsible. I helped her raised Ellie hanggang sa ayon....kinuha yung bata ng diyos. Until now Maui is still suffering from that pain. Sino bang inang gustong mawalan ng anak? Kahit naman ako nalulungkot din kasi naging close din sa akin yung bata."

My heart saddened. Di nako nag-komento dahil mas nalulungkot lang ako para kay Maureen.

Muli ko nalang ipinagpatuloy ang pagluluto ko at nagsandok para ipa-tikim yun kay Vaughn.

A Taste of Bliss (ɢxɢ) ✔️Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon