CHAPTER 7

44.7K 1.6K 1.5K
                                    

A/N: Please be aware that this story is unedited, sorry sa mga wrong typos and grammars.




Pagdating ng sabado, lunch time pa lang ay niyaya ko na si Yen na pumunta sa SM para bumili ng regalo para sa aming kaibigan. Halos nalibot na namin ang buong mall pero ni isa ay wala pa kaming mahanap na matinong regalo para ibigay kay Maggie. Ano pa bang gusto ng isang 'yon eh halos nasa kanya na ang lahat? Ikaw ba namang magkaroon ng mayamang asawang mahal na mahal ka? I feel so poor and unloved.

"Eto kaya, Gail, magugustuhan kaya 'to ni magic sarap?" tanong ni Yen habang ipinapakita ang isang mumurahing hoodie.

"Huwag yan, alam mo namang upgraded na ang isang 'yon. For sure ang mga hoodie 'non puro Chanel, Prada o di kaya Gucci."

Sumimangot si Yen saka ibinalik ang hoodie sa hanger. "Hays kanina pa tayo dito, mag-aalas sais na kaya."

Napakamot ako sa aking batok. "Tara balik na lang tayo 'don sa baba. Yung plushie nalang yung bibilhin ko."

Agad naman sumang-ayon si Yen. Muli kaming bumaba ng second floor saka tinungo ang isang toy store. Kinuha ko yung avocado plushie saka pinabalot at binayaran, ganon din ang ginawa ni Yen.

Paglabas ng toy store, napagdesisyunan muna naming mag-ice cream break. Nasa kalagitnaan ako sa pagkain ng paborito kong rockyroad flavored ice cream nang biglang may tumawag sakin mula sa di kalayuan.

"Abigayle?"

Napalingon ako at napakunot-noo. I was greeted by a sight of a very beautiful woman. Muntik na akong masamid. Oh lala ang ganda naman.

"Sino yan?" pabulong na tanong ni Yen.

"Shhh mamaya na kita sagotin."

The woman walked towards my direction, sexy ito at halatang mestiza. Shet, my weakness.

"Hi baby." bati ng babae sa akin.

"Hello." nakangiting ganti ko kahit hindi ko siya kilala, ang hot eh.

"Do you remember me?" she asked in a flirty manner.

Siniko ako ni Yen dahil sa confusion pero hindi ko ito pinansin, nanatiling naka-plaster ang ngiti ko at nag-kunwaring kilala ang magandang babae sa harapan ko. "Oo naman naalala kita....diba ikaw si ano...si...si...sino ka nga ulit?"

The woman looked offended. "Seriously hindi mo na maalala ang pangalan ko?"

Saglit ko siyang pinagmasdan, she does looked a bit familiar to me though. May duda akong isa siya sa mga babaeng na-encounter ko dati nung isinama ako ni boss Vaughn sa out of town business trips nito.

"Sorry babe pero nakalimotan ko na e, busy kasi ako palagi sa trabaho at pag-aaral kaya medyo nawala na sa isip ko, sino ka nga ulit?"

The woman crossed her arms. "It was just three months ago how can you forget it?"

"Kaya nga sorry kasi nakalimotan ko na." suyo ko sa malambing na boses.

"It's Kaela. Does that ring the bell? I'm the girl you spend the whole night with at my cabin in Palawan three months ago."

Natigilan ako. Shit naalala ko na, siya yung babaeng nagtangkang makipag-flirt kay boss Vaughn dati kaso hindi siya pinatulan ni boss kaya sa akin napunta. Yikes this woman is a major red flag, she's one of those flings i regret dealing with. Isa siya sa mga babaeng iniiwasan ko hanggang ngayon.

"Kaela, of course i remember you. Kumusta ka na?" plastik akong bumeso sa kanya.

"I'm doing great, i just moved in last week. How about you, kumusta ka naman?"

A Taste of Bliss (ɢxɢ) ✔️Where stories live. Discover now