Kabanata 17

237 16 2
                                    


Pagkapasok at pagkapasok ko sa entrada ng aming hacienda ay walang malay akong napahinto bigla at tumingin sa likod ko.

Tumaas ang mga balahibo sa batok ko ng naramdaman ko na parang may nakatingin sa akin, ngunit ng igala ko ang pangingin sa paligid ay wala naman akong nakitang kakaiba.

"Nababaliw na ata ako..." bulong ko sa sarili ko sabay kibit balikat at nagpatuloy sa paglalakad papsok sa aming mansion.

Magtatakip silim na at unti unti naring nagsisiuwian ang mga ilan sa trabahador namin sa kani kanilang bahay habang ang mga guardia sibil naman ay unti unti ng iniilawan ang mga tanglaw na nakasabit sa mga pader ng hacienda.

"Ina, nakauwi na po ako!" Saad ko sabay lapag ng mga pinamili sa mesa ng kusina.

"Juliana, mabuti naman at nakauwi ka na ngunit sana ay wag kang sumigaw, hindi iyan naayon sa isang dalaga." Pag suway ni Donya Mariana na kakapasok lang sa silid at nag hugas na ng kamay niya.

Napatawa nalang ako ng mahina sabay abot sa kanya ng sukli.

"Umakyat ka na at mag ayos muna bago ako tulungang maghanda ng hapunan." Sabi nya habang tinatabi ang ilang takas na buhok sa mukha ko.

"Bakit po? Maganda pa rin naman po ang ayos ko ah?" Biro ko na siyang kinatuwa niya rin.

"Nako ikaw talagang bata ka, puro ka kalokohan, marahil namana mo iyan sa iyong ama." Pagbibiro niya na siyang kinasimangot ko.

Naalala ko naman noon kabataan ko nung palagi akong pinagkukumpara kay Dad, kamukhang kamuka ko raw ito at kaugali pa na, sabi nga raw ng iba ay para kaming pinag biyak na bunga na siyang kinaayawan ko sa lahat habang lumalaki, pero ngayon para bang nagpagaan ito sa loob ko, siguro dahil namimiss ko na ang dating buhay ko at ayaw ko mang aminin ay kasama dun si dad.

Napansin siguro ng donya ang pag iba ng ekspresyon ko kung kaya't nilapitan niya ako at sa di inaasahang niyakap.

Nabigla naman ako sa ginawa niya pero gumaan din naman ang loob ko, siguro dahil ngayon lang ulit ako nakaramdam ng yakap ng isang mother figure.

"Anak, pagpasesyahan mo ang iyong ama, kahit ganoon yun ay mahal na mahal ka niya at ang kapakanan mo ang palagi niyang iniisip." Sabi niya sabay haplos sa buhok ko.

Hindi ko alam kung ano ba ang dapat kong sabihin kung kaya ay nanatili nalang nakatikom ang aking bibig.

"Hindi mo man naiintindihan ngayon pero lahat ng ginagawa niya ay para rin sayo." Saad niya sabay kalas sa pagkayakap pero ang dalawang kamay niya ay nanatiling nakahawak sa mga balikat ko.

"I-ina paano niyo po nasabi yan? Pinipilit niya po akong magpakasal sa taong hindi ko naman gusto?" Hindi ko alam kung saan ako nakahugot ng lakas ng loob para tanungin iyon, pero it's too late dahil na bitawan ko na ang mga salitang iyon.

Namilog naman ang mga mata ya at napa buntong hininga bago mag salita.

"Anak, alam ko ang nararamdam mo sapagkat napagdaanan ko rin iyan noon." Panimula niya.

"Marahil ay hindi mo ito alam o kahit sino sa mga kapatid mo, ngunit noong kabataan ko ay hindi dapat ako magpapakasal sa iyong ama." Bahagya akong nagulat sa sinabi niya.

"Bago ko pa man nakilala si Marcelo, ay meron akong ibang kasintahan noon, akala ko ay iyon na ang sinasabi nilang pagmamahal pero nagkamali ako. Tutol ang aking mga magulang sa relasyon namin sapagkat ay isa siyang minero, isang indio  at nagmula sa hindi ganoon kayaman na angkan kung kaya't pilit nila kaming pinaghiwalay at ipinagkasundo ako sa iyong ama na kahit kailan hindi ko pa nasisilayan."

Nabigla ako sa mga kinukwento niya ngayon sa akin. Hindi ako nag expect na mag o-open up siya sa akin ng ganito.

"P-po? So ibig sabihin hindi niyo po talaga mahal si ama?" Nalilito kong tanong sa kanya.

The Man from 1889Where stories live. Discover now