chapter 31

1.4K 88 12
                                    

"Prinsesa Cazimiya, ano ba ang gagawin natin dito?" Bulong sa akin ni Rosie nang makarating na kami sa bayan


Alas otso na ng gabi at wala akong magawa sa loob ng palasyo, hindi din ako makatulog kaya napag isipan kong magliwaliw dito sa bayan tsaka narinig kong sinabi ng isang katulong sa palasyo na nay pailaw daw (fireworks) kaya niyaya ko si Rosie para manood kaming dalawa, hinila ko ito at pumasok kami sa isang kainan


Naka suot ako ng pang lalaking kasuotan, nakatali ang aking mahabang buhok na muling kinulayan ni Rosie ng itim, hindi na ako nag abala pang magsuot ng pantakip sa mukha dahil gabi naman na at wala nang makakikilala pa sa akin dito, naglabas ako ng limang pilak at inabot sa lalaking nakatayo sa harapan namin


"saang pwesto ang inyong nais?" Tanong nito



"Yung kita sana yung pailaw mamaya" nakangiti kong sagot


"Sundan niyo ako"


Hinila ni Rosie ang laylayan ng suot kong pang itaas, pinapauwi na niya ako takot atang mahuli kami lalo na at gabi kami tumakas, binigyan ko siya ng ngiti bago sinundan ang lalaki....nasa pangalawang palapag kami tumigil at walang bubong kaya kitang kita ang kalangitan at mga bituin na kumikinang, may mga magkasintahan din kaming kasama at mukhang papanoodin din ang pailaw, pumwesto kami sa gilid at sumilip ako sa baba, nakita ko ang mga kabataang nagsisitakbuhan habang may mga hawak na saranggola at lanterns.


"Anong selebrasyon ito?" Tanong ko kay Rosie



"May mga araw talagang gustong mag diwang ng Cadrica sa pamamagitan ng pailaw" sagot nito



Binigyan na din kami ng pagkain kasama na iyon sa binayad namin, habang naghihintay ay nakaramdam ako ng pag ka ihi kaya nagpaalam muna ako kay Rosie gusto ako nitong samahan pero umiling lang ako, nasa baba naman ng kainan na ito ang banyo hindi naman ako lalabas pa dahil baka hindi na sumama sa akin si Rosie sa susunod, bumaba ako ng hagdan at nagtungo sa banyo, ngumiti ako at maginhawang inilabas ang nasi na lumabas, nakapasok ako sa panlalaking banyo sa wakas.



Naghugas ako ng kamay at lumabas na, napatingin kaagad ako sa may bandang dulo at napakunot ang noo ng makitang nakatingin ang tatlong lalaking nakaupo doon




"May kailangan ka pa ba ginoo?"




"Ah wala, aakyat na ako"





Nakabalik na ako sa pwesto namin ni Rosie at hindi ko maiwasang maging alerto sa paligid, ang tatlong lalaking nakita ko kanina ay parang gagawa ng masama kahit maraming tao, namukhaan ba nila ako?




"May problema ba Prinsesa Cazimiya----" tinakip ko kaagad ang bunganga ni Rosie, nanlaki ang mata nito kaya binawi ko kaagad ang kamay ko, natakot ko ata




"Huwag mo kong tawaging prinsesa, Cazim nalang nasa labas tayo ng palasyo, baka may makarinig sayo"




"Ipagpatawad niyo" yumuko ito at pinagsalikop ang dalawang palad




Nanatili kaming nakaupo hanggang ilang minuto nalang ay magsisindi na ng pailaw, nakatingala lang ako at naghihintay ng biglang may malamig na likidong bumuhos sa ulo ko, napatayo ako at napatili naman si Rosie




Napatingin ako kung sino ang gumawa nun at ang tatlong lalaking nakatitig sa akin kanina




Ngumisi ang mga ito, hindi ko magawang gumalaw sa kinatatayuan lalo na nang makita ko ang pabgkulay na ginamit sa aking buhok na dahan dabang naaalis, hindi pwede, wala akong pangtakip, nakita naman ni Rosie ang nangyayari kaya tinulak niya ang tatlo papalayo at iniharang ang katawan sa akin upang hindi ako makita, nakatingin na din sa akin ang lahat kaya umupo umupo ako at pilit na tinatakpan ang aking buhok




"Umalis ka sa harapan namin kung ayaw mong masaktan" sabi nung isa kay Rosie




"Diba siya ang taga pangalaga sa prinsesa?" Nanlaki ang mata ko sa narinig "bakit siya nandito? at sino ang kasama niya? Kasintahan ba niya yan?"





"K....Kaibigan ko ang lalaking binuhasan niyo ng tubig!" Rosie





"Pakita naman ng kaibigan mo, mukhang may itsura eh" kumuyom ang kamao ko ng itulak nila papagilid si Rosie





"Bakit niyo siya tinulak?!" Galit na sigaw ko




Natigil ang tatlo at pinasadahan ako ng tingin, itinago ko sa likod ang dalawang palad na kulay itim na dahil natuluan ng kulay na nanggagaling sa buhok ko




"Tatawag ako ng mga gwardya kapag hindi pa kayo umalis" Rosie



"Mukhang may problema ata----" napahiga sa sahig ang lalaking nagtatangkang lumapit sa akin




May telang tumakip sa ulo ko, at nang makita ko sumilip ako nakita ko si Raefon na sinamahan ang dalawa sa pag suntok sa tatlo, tinakpan ko kaagad ng maayos ang buhok kong unti unti nang nakikita ang kulay puti, lumapit sa akin si Rosie at kumuha ng pamunas tsaka pinunasan ang mukha ko, inalis niya ang itim don kaya nagpasalamat ako at tinanong kung ayos lang ba siya na ikinatango niya kasabay ng pag tayo ng tatlo at pag takbo naman ng kabilang panig paalis ay ang pagsilaw ng kalangitan kaya napatingala kaagad ako at iba't ibang kulay ng fireworks ang kumalat sa kalangitan, may mga nagagawa pang mga hugis na kinaawang ng bibig ko.




Tinaas ko ang isang kamay at iniimagine na nahahawakan ko ang mga pailaw sa itaas, nang may tatlong palad ang humawak doon




"Huwag mo nang uulitin pa ang pagtakas" sabi ni Albert




"Muntik ka nang makilala" Edward





"Bakit ka ba nandito?" Taas kilay na tanong ni Raefon




Nginuso ko ang kalangitan




"Upang panoorin ang mga pailaw" sagot ko





"Kung gusto mo palang mapanood ang mga pailaw ay maaari mo namang sabihin sa amin, bibilhin namin buong pagawaan ng pailaw at gabi gabing may pailaw sa kalangitan" inayos ni Albert ang telang nasa ibabaw ng ulo ko




"Sino pala ang tatlong iyon? Bakit napag diskitahan ka?"




Interesado na ang tatlong prinsipe at nakiupo na sa amin




Napaisip ako, siguro dahil sa pananamit ko? Pero wala namang tamang rason para kainisan nila pananamit ko o itsura ko





"Hindi ko alam, paglabas ko ng nanyo ay nakatitig na sila sa akin at nakangisi, nagulat na nga lang akong sabuyan nila ako ng malamig na tubig" kwento ko "baka lasing na"




"Hindi sila amoy alak" Edward








Third person pov:

Napasandal si Albert sa kinauupuan nang makauwi na sa palasyo, kasama pa ang dalawang prinsipe



"Ano ang gumugulo sa isipan mo, Albert?" Tanong ni Edward




Umiling si Albert at tinungga ang alak na inilapag ng isang katulong sa ibabaw ng lamesa na nasa harapan nito



"Masama ang pakiramdam ko sa tatlo kanina" nakapikit na sabi ni Raefon




Natigil ang dalawa.




"Huwag muna kayong mag isip ng kung ano, baka napag diskitahan lang si Cazimiya lalo na at kahit sabihin niyang hindi siya nakikipaghanap ng away ay trinatraydor naman siya ng kaniyang mukha, ang mga matang parang gustong makipagbangayan" Edward chuckled




"The clothing he's wearing earlier, suits him more" Raefon said and smirked when he remember Cazimiya




"Indeed"




(Nagbabalak akong gumawa ng series which is called the seven deadly sins hindi po ito yung sa anime, yung series na ito may mga kwento ang bawat sinners, you know...Gluttony, envy, lust, pride, sloth, wrath, greed. Bxb version naman po siya, sarili ko pong gawa at sariling takbo ng aking imahinasyon, nagbabalak palang naman ako wala pang kasiguraduhan.)
















Reincarnated as a villain(COMPLETED)Where stories live. Discover now