chapter 4

2.7K 146 2
                                    


"prinsesa Cazimiya, may problema ba? Parang masama ang pakiramdam niyo" tanong sakin ni Rosie matapos nitong lagyan ng kulay ang aking mukha

Tinignan ko ang replesyon ko sa salamin, maayos naman ang ginawang pag aayos sakin ni Rosie, kinulot nito ang mahaba kong buhok at nilagay niya ang maliit na korona sa ibabaw ng aking ulo, mapula ang aking labi at madaming alahas ang nakasabit sa aking leeg, mahaba din ang aking suot na hikaw at kulay ube ang aking suot na bistidang abot lamang sa aking tuhod, mukha akong prinsesang handang angasan lahat ng prinsesa sa buong mundo dahil sa itsura at pananamit ko ngayon.

Princess Cazimiya is really a villain, kulay palang ng mata ay nakakatakot ng titigan.

"ayos lang ako" hindi lang sanay na sobrang pula ng aking labi, gusto ko sanang idagdag iyon ngunit sinabi niya sakin ay gustong gusto ko daw ang pulang lipstick, hindi daw ako pupunta sa mga handaan sa ibang palasyo kapag walang bahid ng pulang lipstick ang aking labi.

Dadalo pala kami sa isang handaan sa palasyo ng Escalus, tama kayo...dadalo ako sa tahanan ni prinsipe Edaward ng naka encounter ko kahapon sa bayan, hindi naman ata niya ako maaalala dahil iba ang ayos ko kahapon, sana hindi niya ako makilala.

Bumukas ang pintuan ng aking kwarto, sabay kaming napatingin doon ni Rosie, pumasok si Andrey at sinabing hinihintay na kami ng mahal na hari sa labas ng palasyo, tumayo na ako at lumabas na ng kwarto nasa likod ko si Rosie at nasa harap si Andrey.

"napakaganda ng aking anak" pinaikot ako ng aking ama ng makalapit na ako sa kaniya

Ngumiti ako ngunit hindi abot sa tenga, inalalayan kaming makapasok sa loob ng karwaheng sasakyan namin patungong Escalus, may ilang mga bantay kaming nakasakay sa mga kabayo kasama na don si Rosie at lalong lalo na si Andrey kaya kaming dalawa nalang ni aking ama ang nasa loob, naiilang ako kapag napapatingin ito sakin, parang may gusto siyang sabihin ngunit hindi masabi dahil sa sobra kong tahimik.

Tumingin ako sa labas ng bintana, papalubog na ang araw...

Bumuntong hininga ako at hindi na binigyang pansin ang aking ama na nakaupo sa aking harapan.

Dalawang oras ang tinagal bago kami makarating sa Escalus, namamanhid na ang aking pang upo, hindi na nga ako makatayo ng maayos eh.

"nandito na tayo, ayusin mo ang suot mo Cazimiya" ani sain ng aking ama

Tinignan ko ang suot ko, bumababa na ang strap ng suot kong bistida, nagpasalamat ako sa kaniya na kinagulat niya.

"may mali ba akong sinabi?" tanong ko

"wala, pumasok na tayo sa loob" nauna itong umakyat sa medyo kahabaang hagdan para marating ang malaking pintuan ng palasyo

Tinignan ko si Rosie at tinanong sa kaniya ang tinanong ko sa aking ama kanina.

"prinsesa Cazimiya, nagpasalamat kayo" nakangiti nitong sabi sakin

"at?"

"ngayon lang namin narinig ang salitang s..salamat na m..mula sayo" yumuko ito at pinaglaruan ang mga daliri

Oo nga pala.

Pagkapasok namin sa palasyo ay may mga nagsasayawang mga babae sa gitna, malalambot ang kanilang katawan at ang iba nilang kasamahan ay nilalagyan ng mga maiinom sa baso ang mga bisita, kulay asul ang mga telang nakasabit sa kisame at dingding.

This is a banquet.

Pinasadahan ko ang lahat ng mga bisitang nakaupo na sa kani-kanilang mga upuan, mukhang lahat ng mga hari at reyna ay dala dala ang kanilang mga anak.

Sa gitna ay may mahabang lamesa at nandon ang dalawang mag asawang nakangiti sa lahat ng mga taong lumalapit sa kanila at nakikipag usap, ang mahal na hari at reyna ng Escalus.

"prinsesa Cazimiya, muli tayong nagkita" napatingin ako sa gilid ko at nakita ko ang isang lalaking kulay itim ang buhok, itim ang mga mata at pula ang kaniyang labi na binagay sa kaniyang puti nitong balat.

Napaatras ako ng tangkain nitong hawakan ang aking kamay upang halikan ang likod ng aking palad.

Prince of Addellion, prince Raefon!

"nakalimutan mo na atang hinalikan mo ang labi ko sa tabing ilog nung kaarawan ng aking ina dahil lang sa nakita mo akong may babaeng kausap" ngumisi ito at nilaro ang kaniyang magulong buhok

Sabi kong hindi ako dapat makalapit o mapalapit sa tatlong prinsipe ngunit eto si Prince Raefon nasa gilid ko at may nangyari sa kanilang dalawa ni prinsesa Cazimiya!

Ano pa bang kalokohan ang mga pina gagawa ng dating may ari ng katawang ito noon?

"hindi kita matandaan" nagsimula akong maglakad at pilit na nilalayuan siya ngunit sinusundan niya pa din ako!

"ganiyan ka naman lagi, gusto mo sayo lagi ang atensyon ng lahat ng kalalakihan, mapaglaro ka Prinsesa Cazimiya matapos mong gamitin ang isa sa amin ay kakalimutan mo nalang at pandidirian" tumawa ito at nilagay ang dalawang palad sa likod ng ulo "pang ilan ba ako?"

"tumahimik ka" inis ko siyang hinarap "hindi kita kilala---"

"kung gayon ay magpapakilala muli ako sayo" umayos ito ng tayo "ako ang prinsipe ng Addellion, prinsipe Raefon" yumuko ito ang isang kamay ay nakalapat sa dibdib

"p...prinsipe Raefon, maaari ka nang makaalis sa tabi ko at itigil na ang pakikipag usap sakin"

Kumunot ang noo nito.

"naiba ang pamamaraan ng pakikipag usap mo, ganiyan ba talaga kapag nagsawa ka na?" ngumisi ito

"Raefon!"

Napamura ako sa isipan ng makitang papalapit sa amin si prinsipe Edward, great!

"kanina pa kita hinahanap" sabi nito kay prinsipe raefon

Nilingon ako ni prinsipe Edward, naaalala niya ba ako? Tatakbo na ba ako papalayo? Para akong na glue sa kinatatayuan hindi ko maigalaw ang aking mga paa upang tumalikod at iwan silang dalawa.

"siya si prinsesa camiziya, ang kinukwento ko sayo" ako? Kinukwento ni prinsipe raefon kay prinsipe Edward?

"kinagagalak kong makilala ka Prinsesa Cazimiya"

Tumango ako, mukhang hindi niya naman ako nakilala.

"ang tagal ni Albert"

Mas nakaramdam ako ng kaguluhan sa tiyan ko ng marinig ang pangalan na yun, kung ganon ang tatlong prinsipe ay makakasama ko sa iisang lugar?!

Nang makakuha ako ng lakas ay agad akong tumalikod at iniwan silang dalawa na nag uusap, nanghihinang umupo ako sa na nasa dulo upang makalayo sa dami ng tao at lalo na sa dalawang prinsipe, nasa likod ko si Rosie at nagmamasid din sa paligid.

Gusto ko ng umuwi at mag pahinga, masiyadong madaming kaguluhan ang nangyayari sa utak ko ngayon.

Reincarnated as a villain(COMPLETED)Where stories live. Discover now