chapter 5

2.5K 141 7
                                    

Tapos na kaming kumain, halos natikman ko na lahat nang pagkaing nasa hapag ngunit wala pa din atang balak umuwi ng aking ama,uwing uwi na ako gusto ko nang magpahinga at matulog naiilang ako sa mga taong napapatingin sakin, wala ding may balak na lapitan ako ng mga kapwa ko prinsise kapag napupunta ang tingin nila sakin at makitang nakatingin din ako sa kanila ay tatalikod sila at hindi na muling titingin sakin, mas mauti na din atang wala akong kaibigan dito, I don't need any friends, im happy being alone and being unbothered princess o di kaya sabihin nating unbothered prince since im really a prince not a princess.

Kinuha ko ang wine na nasa harapan ko at sumimsim doon.

Agaw pansin ang isang lamesa di kalayuan sa pwesto ko, sino ba naman ang hindi mapapatingin doon kung ang tatlong kilalang prinsipe ay nandon nakaupo at nagtatawanan, kumpleto na sila, im doomed!

Edward he's good at using swords.

Raefon he's good at painting and calligraphy.

Albert, prince of Aspiel, blonde hair, golden eyes, red rosy lips at Moreno. Siya ang may ari ng university na papasukan ko.

Nang hindi ko na makayanan pangmanatili nalang sa kinauupaun ay agad akong tumayo at tagong lumabas ng palasyo, si Rosie ay nasa likod ko at pinipigilan ako hindi ko nalang siya pinansin dahil halata din namang gusto niya tong ginagawa kong pag alis sa loob ng palasyo, kawawa din siya ilang oras siyang nakatayo lang sa likod ko.

"may puno sila ng mansanas" tinuro ko ang puno ng mansanas na napapalibutan ng mga bulaklak

"bumalik na tayo prinsesa Cazimiya, baka hanapin tayo ng mahal na hari"

"babalik tayo sa loob Rosie pero hayaan mo muna akong mag gala sa palasyo ng mga Esccalus, wala namang masama diba? Ang masama kung lapitan ko si ama at ayaing umuwi na sa harapan ng ibang royal families." Nanlaki ang mata nito at yumuko

Lumapit ako sa puno at hinawakan kung magaspang ba ang kahoy.

"oh, madali siyang akyatin"

"prinsesa cazimiya ano ang binabalak niyong gawin?" aligaga nitong tanong sakin ng makita niya akong naghuhubad ng takong

"kukuha ako ng mansanas"

"ako nalang ang kukuha para sainyo---"

"marunong ka bang umakyat?"

Katahimikan.....

Napailing ako.

"huwag kang mag alala, sanay na ako"

Kumunot ang noo nito, nagtanong kung ano ang ibig kong sabihin ngunit sinagot ko lang sa kaniya ay tawa bago nagsimulang umakyat sa puno ng mansanas.

"mag ingat ka prinsesa Cazimiya" paalala nito sakin

Di naman kataasan ang puno ng mansanas kapag mahulog man ako gasgas lang ang matatamo ko depende nga lang kung paanong paraan ako mahulog, umupo ako sa sanga at inabot ang isang mansanas, bago ko kagatin ay pinunas ko muna iyon sa suot kong bistida.

"prinsesa Cazimiya, magbabanyo ako saglit huwag kayong umalis diyan" tumakbo ito papaalis

Napatawa nalang ako.

Habang abala ako sa pag ubos ng mansanas ay nakarinig ako ng kaluskos, maya maya ay may lumabas na isang babaeng mahaba ang kulay itim na buhok at nakasuot din ng magandang bistida kaya hindi ito isang katulong lamang dito sa palasyo, isa din siyang prinsesa.

Napataas ang kilay ko at pinagdikit ang dalawang braso at pinanood ang ginagawa niya.

May kinuha ito sa bag na nakasabit sa kaniyang balikat, it's a kitten, saan naman niya nakuha ang kuting na yan? Napahawak ako sa aking dibdib ng makita itong matamis na ngumiti sa hawak hawak na kuting.....hindi na ako nakapagpigil pa at tumalon pababa, napasinghap ito at gulat na gulat habang nakatingin sakin halos lumuwa na ang asul nitong mga mata dahil sa gulat.

Inayos ko ang nagusot na bistida at sa buhok kong may nakasabit pang dahon dahil sa pag akyat ko sa puno.

"what are you doing here and holding a little kitten" hindi ko siya nakita kanina sa loob.

Nang tuluyan na akong makalapit sa kaniya ay hindi ko maiwasang humanga at matulala sa kaniyang kagandahan, itim na itim ang kaniyang medyo kulot na buhok, asul ang mga mata at maganda ang kutis ng balat hindi maitim hindi din maputi saktong sakto lang ang kulay, amoy tsokolate din siya!

"you're princess cazimiya, right?" tumango ako "are you here to bully me?"

Tinaasan ko siya ng kilay.

Nakakainggit ang kagandahan niya , parang gusto ko na lamang na titigan siya buong magdamag.

"bakit ko naman gagawin yun?" tanong ko

"because you're princess Cazimiya" she stated

Kalat talaga ang kamalditahan ng prinsesa Cazimiya!

"wala kang mapapala kung saktan mo ko" hindi siya galit o naiinis, mahinhin ang boses niya parang handa ka niyang kantahan ng lullaby hanggang makatulog ka

Ngumiti ako at umiling.

"im not going to hurt you" ngumuso ako at napakamot sa batok

"im Victoria, princess of Albina, nice meeting you----"

"WHAT?!"

Hindi ko mapigilang mapasigaw dahilan ng pag kakagulat nito hanggang mapaupo nalang sa lupa, tutulungan ko sana siya ng may narinig akong mga yabag na papunta sa gawi namin kaya tinignan ko kung sino ang mga iyon.

"what happened?" mahinahong tanong ni Prinsipe Edward

Tinignan ako ng tatlong prinsipe, matagl tagal din silang nakatingin sakin hanggang mapadako sa prinsesang nakaupo pa din sa sahig at mukhang nasaktan ang pang upo niya malakas din kasi ang pagkakabagsak niya dahil sa gulat.

"mukhang may nabiktima nanaman ang prinsesang Cazimiya" ngising sabi ni prinsipe Raefon "ano pa bang maaasahan natin, diba?" tinignan nito ang dalawang prinsipeng kasama "kalat naman sa buong paligid ang ugaling meron siya"

Napakuyom ang kamao ko.

"Raefon" saway sa kaniya ni Albert

Ang tatlo ay lumapit kay prinsesa Victoria upang tulungan itong makatayo, gusto kong magsisigaw hindi dahil sa inis kay Raefon kundi dahil napaaga ang pagkikita ng tatlong prinsipe kay prinsesa Victoria!

"ano pang ginawa sayo ni prinsesa Cazimiya?" sinamaan ko ng tingin si Raefon

"wala akong ginawa sa kaniya!" I annoyingly said

Tahimik ang dalawang prinsipe hindi ko alam kung ano man ang nasa isipan nila ngayon, baka siguro nainlove na sila kay prinsesa Victoria ngayon, walang lalaking hindi iibig sa isang magandang prinsesa katulad ni prinsesa Victoria.

Ako nga ay nagkaroon ng paghanga sa kaniya ang tatlong prinsipe pa kaya?

"walang ginawa sakin si prinsesa cazimiya" lumapit sakin si prinsesa Victoria habang hawak hawak pa din ang maliit na kuting "hindi totoo ang mga usap usapan tungkol sa kaniya, nagulat lang ako sa ginawa nitong pag sigaw kanina kaya ako napaupo"

Nakatingin na saming dalawa ang tatlong prinsipe.

"pasensiya na sa sinabi ng aming kaibigan"hinging paumanhin ni prinsipe albert na sinang ayunan ni prinsipe Edward

Raefon tsked.

Napansin nilang wala akong suot na sapin sa paa kaya sinabi kong umakyat ako sa puno ng mangga, nagtataka ako ng makita ang gulat nilang mukha ng sabihin ko yun.

"bakit?"

"umakyat ka?!" hindi makapaniwalang tanong sakin ng katabi ko

Tumango ako.

"bakit bawal?" taas kilay kong tanong "babalik na ako sa loob, bahala kayo diyan---"

Nakita ko si Rosie na nagmamadaling tumungo sakin, kaya pala hindi ko makita ang takong ko dahil dala dala ito ni Rosie.

"prinsesa camiziya ipagpaumanhin niyong naidala ko ang inyong sapin sa paa—" pinatigil ko siya sa pagsasalita at sinuot ko mag isa ang takong ko

"bumalik na tayo sa loob Rosie"

Tumango ito at yumuko sa apat na naestatwa na ata sa kinatatayuan.

Reincarnated as a villain(COMPLETED)Where stories live. Discover now