chapter 28

1.4K 84 15
                                    

"Prinsesa Cazimiya!" nilingon ko si Andrey na nakasunod sa akin ngayon

"ilang beses ko bang kailangang sabihing masama ang aking pakiramdam para makipag kita sa mga prinsipeng iyon?" kuyom kong sabi

Yumuko ito

"ngunit pinasasabi ng mahal na hari na ikaw ay ang aking ihatid sa kanila" magalang na sabi nito

Umungol ako sabay sabunot sa buhok at hinarap na siya, ilang beses ko bang kailangang sabihin hindi maganda ang karamdaman ko ngayon? Hindi ba niya nakikitang inaantok ako? Ang ama din ay mapilit gusto niyang magpakita din ako sa tatlo ngayon, ano bang pinakain nila kay ama? Lumapit na sa amin si Rosie at hinawakan ang aking braso

"Andrey" tawag ko sa pangalan niya

"Prinsesa Cazimiya?"

"kahit ngayon lang pagpahingahin niyo kong lahat" napalunok ito at tumango

Nang makaalis ito sa harapan ko ay pumasok na ako sa loob ng kwarto at humiga kaagad sa kama, hindi ko na napigilan pang umiyak at isubsob ang mukha sa unan, pinuntahan ko si Dio kaninang umaga upang kamustahin ang kaniyang kalagayan akala ko ay hinihintay niya ang pagbabalik ko akala ko ay siya ang unang sasalubong sakin habang nakataas ang dalawang braso handa akong yakapin ngunit iba ang sumalubong sakin, nakita ko siyang nakikipaghalikan kay Gerick hindi halatang napipilitan lang si Dio dahil kitang kita ng dalawa kong mata na nakangiti ang dalawa matapos ang halikang naganap

Alam kong alam ni Gerick na pinapanood ko sila, dahil nagtama ang mata naming dalawa inasar niya ako sa paamagitan ng pag hawak niya sa gitna ni Dio, ayokong mag isip kung anong meron sa kanilang dalawa noon dahil ayokong bumagsak sakin ang katotoohanan pero ang sakit lang na makita ko mismo harap harapan ang totoo

"D......Dio" nauutal kong tawag sa pangalan niya ng matapos silang dalawa maghalikan

Mukhang hindi nito inaasahan na pupunta ako sa kaniya ngayon, lumaki ang mata niya at itinulak papalayo si Gerick

"Cazim, ang tagal mong nawala ah" napakamot ito sa likod ng ulo at nilapitan ako tsaka hinawakan ang aking braso "gutom ka na ba? gusto mo bang kumain? May niluto ako sa loob"

Kinuyom ko ang kamao at umatras, kumunot ang noo nito....hindi ko mapigilan ang luha kong hindi tuulo at nang akita niya iyon ay tinanong niya kung may problema ako, tawa ni Gerick ang namuo sa paligid at inakbayan si Dio

"tinatanong ka kung gutom ka ba" he said

"a....anong meron sa i...inyong d..dalawa?" lakas loob kong tanong

"patawad hindi ko kaagad sinabi sayo ang totoo" mas lalong nagbagsakan ang luha sa aking mata "may relasyon kaming dalawa ni Gerick, matagal na, ngunit nagmamakaawa ako Cazim"

I gasped when he kneel in front of me

"huwag mong sabihin sa kahit na sino ang nakita mo at nalaman mo, nagmamakaawa ako sayo...."

Ngumisi si Gerick tsaka asar na sinabunutan ang likod ng buhok ni Dio, pinantayan niya ito ng laki at namuo ang galit sa aking dibdib ng marinig ang binulong nito kay Dio

"dalian mo diyan dahil luluhudan mo pa ako mamaya"

Tumayo na si Gerick at binangga pa ang balikat ko

"Dio" pinatayo ko ito "sinasaktan ka ba ni Gerick? Huwag kang magsinungaling sakin"

Ngumiti ito at ginulo ang aking buhok kaya humagulgol na ako at niyakap siya ng mahigpit

"sumama ka na lang sakin Dio, magpapakabait ako at hindi ako magiging pasaway, marai akong ginto kaya hindi tayo maghihirap" hinampas ko ang dibdib nito upang mabawasan ang galit na nararamdaman ko

"hindi maaari Cazim"

"bakit? Bakit hindi maaari?"

Nagpakawala ito ng hininga at pinatong ang baba sa aking ulo

"dahil mahal ko si Gerick" bulong nito sa akin

"ngunit sinasaktan ka niya!!"

"ngunit mahal ko siya, kung ang saktan ako ay ikakasaya niya handa akong masaktan para lang hindi siya lumayo sakin"

"nababaliw ka na Dio, kapag hinayaan mo siyang saktan ka hindi na siya titigil at baka dumating pa ang araw na mapatay ka na niya!" inilayo ko na ang sarili ko sa kaniya "mahal kita Dio, sumama ka na lang satin takbuhin natin papalayo ang lugar na ito----"

"bata ka pa Cazim hindi mo pa alam ang takbo ng mundo, umuwi ka na sa inyo.....huwag ka nang babalik" nag iwas ito ng tingin sakin

Sa huli niyang sinabi ay doon na nadurog ang puso ko at nanghina ang aking tuhod, napalapat ang aking palad sa pader na nasa gilid upang hindi mapaupo sa lupa

"mas pipiliin mo ang taong sinasaktan ka kaysa sa tanong handa kang ipaglaban?" nanginginig ang aking labing sabi

Umiling ito

"pipiliin ko ang taong mahal ko kaysa sa taong hindi ko mahal"

"ngunit mahal kita at araw araw kitang mamahalin"

"ngunit hindi kita mahal Cazim"

Tumakbo na ako ng mabilis at halos madapa dapa na ako, nang makarating sa palasyo ay nagbihis ako ng bistida at pinunasan ang aking luha

"prinsesa Cazimiya---"

"iwan mo muna ako mag isa Rosie, gusto kong mapag isa" humahagulgol kong sabi

"tawagin mo nalang ako prinsesa Cazimiya kung may kailangan ka man"

Niyakap ko ang mahaba kong unan at tsaka ipinikit ang aking mga mata

I am in terrible pain

Ilang katok sa pintuan ang narinig ko, boses ni ama, boses nang tatlo, boses ni Rosie, Boses ni Andrey

Hindi ako gumalaw sa kinahihigaan hanggang bumukas na ang pintuan na halos matanggal na ata iyon sa pagkakakabit

"Cazimiya!" galit na tawag ni ama "matigas nanaman ba ang ulo mo?!!"


hindi ako sumagot

"kinakausap kita!"

Pinatigil ito ng tatlo kaya tumahimik ang paligid at naramdaman ko ang paglubog ng aking kama

"kung maaari lamang ay lumabas muna kayo mahal na hari" sabi ni Albert

--

"magpapakamatay ako kapag ipilit niyong magpakasal sakin" diretso kong sabi nang makaalis ang ama, Andrey at Rosie sa loob ng kwarto

"kung ganiyan ang iniisip mo mapipilitan kaming dalhin ka sa tagong lugar kung saan wala kang magagawa kundi sumunod sa amin at bantay ka buong magdamag" ani ni Edward

Bumangon ako at tinignan sila isa isa, gulat ang mga mukhang nakatingin sila sa akin, basang basa ang unan ko pati na din ang pisngi dahil walang tigil na pag luha ang aking mata ay pulang pula.

"mas pipiliin ko ang taong mahal ko kaysa sa taong hindi ko mahal" tulala kong sabi

Alam ko na ang nararamdaman ni Dio, mas pipiliin niya si Gerick dahil yun ang mahal niya at hindi ako, at mas pipiliin ko si Dio kaysa sa tatlong ito dahil si Dio ang mahal ko...

Napangiwi ako ng sabay nila akong yakapin ng mahigpit at ibinaon ang kanilang mga mukha sa aking dibdib

"a...ano ang ginagawa niyo?" inangat ni Raefon ang kaniyang mukha upang tignan ako, he smirked and wipe my tears

"tumigil ka na sa pag iyak dahil ayokong pumangit ka" ani nito

"hindi maganda ang pag luha" segunda ni Albert

"sabi ni ina nakagagaan daw sa kalooban kung yakapin mo ang taong umiiyak" Edward

Reincarnated as a villain(COMPLETED)Where stories live. Discover now