Pick Up 21: Unexpected things..

70.2K 1.9K 39
                                    

Rea's POV

Di mawala ang ngiti ko, hinalikan ko ang singsing na ginawang kwintas ni mylabs.. may nakaukit sa singsing na lalong nagpangiti sakin.. Johnaer together..

Bakit Johnaer? John is from his name Johnny at yung  aer, name ko na binaliktad nya.. di ko gets nung una pero ngayon alam ko na.. ang corny nya 'no? hehehe

 "Kaya pala bigla na lang kayong nawala kanina." natatawang sabi ni Mychiel, kinuwento ko kasi sa kanila ang biglaang date namin ni mylabs kanina.. 

Naglalakad kami ngayon papunta sa cottage kung nasaan sina coach.. 

"Ate Gladies?" narinig kong sabi ni Izrah, nakasalubong namin sya kanina..napatingin ako kay ate Gladies na nagmamadali sa paglalakad.. 

"Girls come with me.." nagkatinginan kaming apat, naguguluhan man ay sumunod kami kay ate Gladies, tinatahak namin ngayon ang daan papunta sa parking area ng resort.. 

Sumakay kami sa sasakyan.. 

"Ano pong problema ate Gladies?" tanong ko.. Kalma lang ang itsura nya pero ramdam namin yung kakaibang atmosphere na para bang may masamang balita.. 

"Nakatanggap kami ng tawag, isinugod si Tina sa ospital.." napakunot ang noo ko sa sinabi nya.. 

"B-bakit po?" di makapaniwalang tanong ni Greshel.. Kahit ako di din makapaniwala.. Ok pa naman sya kahapon.. 

"Nabaril sya..." walang nakaimik samin ng sabihin yan samin ni Ate Gladies.. Nabaril? Paano mangyayari yun? . 

Di ko namalayan na nakarating na kami sa ospital.. Naguguluhang sinundan namin si ate Gladies.. Hanggang sa huminto kami sa tapat ng Operating Room.. 

Ang malaman na nakikipag laban kay kamatayan si Tina ay nakapag palungkot sakin ng sobra, nag simula ng pumatak ang luha ko.. Bakit may ganitong pangyayari? Sino naman walang puso ang gagawa nito?

Kaibigan ko si Tina, naging kasabwat  ko din sya sa mga raket ko sa buhay.. 

Napatingin ako sa mga bagong dating.. ang Jaguars.. 

"Kuya Xevier.. si ate Tina.." umiiyak na lumapit si Izrah kay Xevier.. Napatungo ako at mas lalong naiyak sa sinabi ni Xevier..

Ano bang nangyari? May nakain ba siyang di maganda? Masakit ba ang ngipin niya? bakit? may sakit ba sya na di sinasabi sakin? Ano?" tanong nya.. 

Naramdaman ko na may yumakap sakin.. 

"Shhh tahan na.." si mylabs.. Siniksik ko ang sarili ko sa dibdib nya.. Takte naman eh, ok na eh, ang saya na ng araw namin, tapos biglang nangyari ito.. 

Niyakap nya ako ng mahigpit, narinig ko pa ang ilang sigaw ni Xevier sa jaguars.. 

---------------------

Johnny's POV

Nakakagulat ang mga pangyayari. We are expecting a happy night for the celebration of first monthsary of captain and Hannah, but this thing came up.. Tiningnan ko ang jaguars, halata ang lungkot at galit sa kanila, lalo na kay Xevier. 

Sinusuntok niya ngayon ang pader. 

"Tama na yan pare, magiging ok din si Tina.." sabi ni Alfred. Pero tiningnan lang siya ng masama ni Xevier.

"Di mo alam ang nararamdaman ko ngayon gago, alam mo ba na gustong gusto kong hanapin ang mga hudas na gumawa nito, pero ang masakit di ko alam kung sino sila at san sila hahanapin.." sabi ni Xevier.. 

Tiningnan ko naman si Jonathan, tulala siya.  Wala pa kasi kaming balita kay Jana at Hannah. 

Naramdaman ko na umiiyak na naman si Rea, yakap yakap ko siya ngayon. I kissed her head. 

My Pick Up GIRLحيث تعيش القصص. اكتشف الآن