Ang mga magulang niya namatay sa isang napakadelikadong misyon. Yes, her parents were both joined in an organization. Tsk. Lahi na ata namin ang ganun.

"Nally, what's wrong?" Hindi ko napigilang tanong pagkalapit sa kanya.

"I guess, I like him." Nagulat ako sa sinabi niya.

"Who's that guy?"

"A guy who's innocent as a baby. Zares, what should I do? I just can't drag him into our world! I... I don't know what to do anymore!" I can't believe what I'm seeing right now? Si Nally? Inlove?

Bumuntong-hininga ako. "Nally, we should accept the fact that we can't be with other people, but if you're brave enough and think you can protect him, sure you can go to him!"

"But I don't want him to know the real me! Hindi niya alam kung anong klaseng tao ako!" Parehas kasi kami ng trabaho ni Nally. Yun nga lang magkaiba kami ng organisasyon. "Hindi niya alam na... p-pumapatay ako."

Napatawa naman ako. "Ano bang ginawa ng lalaking yan at nakuha niya ang puso mo? Damn! I should treat him for catching your attention!"

Si Nally kasi ang tipo na babae na nakatuon lang atensyon sa trabaho at hindi sa lalaki kaya walang boyfriend.

"Tss. Yun nga eh! Hindi ko maintindihan ang sarili ko. Wala naman siyang ginawa na ikasasaya ko p-pero bakit ganito?" Tiningnan niya ako. "Insan, he's just pestering my life for Pete's sake! Following me wherever I go and it annoys me all the time!" Ano yun? Attention seeker? "Ares, can you do me a favor? Pwede ka bang sumama sakin mamaya? Sasabihin kong m-may boyfriend na ako at ikaw yun."

"What? Why? I thought you like him?"

"Yeahㅡand this is for his own safety." Minsan lang humingi ng tulong ang pinsan kong to.

"Sige, pero di ako available mamaya eh. Pwede, bukas nalang?" Tumango naman siya.

"Thanks, insan!"

Nagpaalam ako sa kanya at pumunta sa condo ko. Susubukan ko ulit matulog kasi nga baka magtuloy-tuloy na ang pagkawala ng bangungot ko.

Kakahiga at kakaidlip ko palang ng sumagi na naman ang panaginip ko kaya bumangon nalang ako.

Pumunta akong kusina at kumuha ng beer. Isa sa mga ginawa ko pag di ako makatulog ng maayosㅡpag binangungot na naman ako.

Pagkatapos, sinubukan kong matulog ulit na nagtagumpay naman.

****

"You see, may mga grupo ng taong nangunguha ng mga babae. Marami sila, and according to our source, gabi-gabi sila tumatambay sa isang sikat na club para mambabae." Sabi ni sir Raymond.

"Yes sir, mamayang gabi din, pupuntahan namin ang club na yan." Sabi ko. Ibinalita kasi na maraming mga babae ang nawawala dahil may nangingidnap daw.

"Yes and you have someone to go with you." Nagtaka naman kami. "Let her in.."

Her?

Nakaabang lang paningin namin sa pintoan ng bumukas ito at dun lumuwa ang babaeng kasama daw namin. Bakit siya?

"What are you doing here?" Matigas kong tanong sa kanya.

"You need my help, so.. why not?" Baliwala niyang ani.

Naiinis akong humarap kay sir Raymond. "Sir, hindi siya pwede, delikado! Lalo na't babae siya!"

"Exactly! Kaya kailangan natin ang tulong niya. You see, wala tayong mga babaeng trainees kasi ipinagbabawal natin yun."

Tiningnan ko ang pinsan kong matigas ang ulo. "Nally, you can't do this. I won't let you. Just go home!"

"I can, Insan. I'm sure you'll thank me after this!" At kinindatan naman niya ako.

"Fine! Pero pag hindi, aalis ka okay?" Tumango naman siya habang nakangiti. Parang kahapon lang problemado sa lalaki niya. Tsk.

*****

"Nally, wag nalang kaya." Nag-alala ako para sa pinsan kong to. Oo, magaling siya pero di ko maiwasang kabahan.

"Ano ka ba, Ares. Trust me, okay?" Nakasuot kasi siya ng maikling skirt at croptop. May make-up din siya kaya parang nagmukha siyang malandi.

Ang plano kasi namin ay akitin ni Nally yung grupo ng mga nangunguha ng mga babae. Kapag nagtagumpay si Nally na maakit sila, dadalhin niya sa isang kwarto dito sa club kung san kami mag-aabang.

"Good luck, Nally!" Sabi ni Daren sa kanya at tinanguan lang siya ni Nally.

Nakikita namin sa gitna ng dancefloor ang maraming grupo na kalalakihan na nagsasayaw. Mukhang eto na nga sila.

Nakasuot kami ng leather jacket at pants at naka-cap narin kami para mas safety.

Nag-umpisa ng lumapit dun si Nally. Sinubukan niyang maging isang malanding babae. Kumembot-kembot pa siya. I'm sure, hindi niya gusto ngayon ang ginagawa niya.

Palihim naming tinungo ang kwarto kung san naming pinagplanohang dalhin ni Nally ang mga lalaking yun at pumasok. Hindi ko alam kung anong nangyayari sa labas dahil hindi kami sumilip.

Maya-maya lang ay narinig naming bumukas ang pinto kaya naghanda kami.

"Damn, baby.. you're so sexy. It turns me on!" At umungol pa ang gago. Hindi ko gusto ang pananalita niya pero kailangan kong kontrolin ang sarili ko. Baka masira ang plano namin.

"I know right!" Sagot ni Nally na ngumisi pa. Nakita pa naming pinahiga nung lalaki si Nally at kumaibabaw naman siya. Nagtatawanan lang yung mga Kasama nila na nasa gilid.

"Boss, kami sunod ha?" Sabi nung isa.

Nakita pa naming kinindatan siya ni Nally sabay bilang. "1... 2..."

"Baby, what are you doing?"

"Nah, just counting." My cousin smirks as she continued counting. "3... Now!"

Kaya nagsilabasan kaming lahat at tinutukan sila ng baril.

"A-Anong ibig sabihin nito?" Natatakot na tumingin samin yung leader nila.

"Surprise!" Ngisi ni Nally saka lumapit sakin.

"Hayop ka!" Sinubukan pa niyang sakalin si Nally ng maunahan siya. That's my cousin!

"You're not my type, idiot!" Sabi ni Nally.

"You okay?" Alalang tanong ko sa kanya, tinanguan niya ako.

"Sino kayo? Anong atraso namin sa inyo?"

"Saan niyo dinadala ang mga babaeng kinukuha niyo?" Tanong ni Daren.

Alam ko namang hindi sila magsasalita kaya pinosasan namin sila at dinampot.

Lumabas kaming silid. Walang kaalam-alam ang mga tao Dito sa pinanggagawa namin. Silang Daren ay sa likod na dumaan kasama yung mga nangingidnap.

Nakaakbay ako kay Nally at ganun din naman siya sakin. Siya lang nag-iisa kong pinsan kaya close talaga kami na parang magkapatid.

"T-Thana..." Napatigil si Nally sa paglalakad kaya napatigil din ako.

At dun hinarap namin ang lalaking parang walang nag-aalaga. Damn! He's totally a mess!

Kitang-kita ko sa mga mata niya ang sakit at hindi rin nakaligtas sa paningin ko ang pagtulo ng luha niya habang nakatingin sa nakahawak sa kamay kong nakaakbay kay Nally at sa kay Nally na ganun din sakin.

Uh-oh! I think.. I know him now.


*
A/N: Mababasa niyo ang detailed na pangyayari dito sa mismong story ni Nally. So focus muna tayo dito sa kay Ares.

He's My Badass Guy | BADASS DUOLOGY #1Où les histoires vivent. Découvrez maintenant