Chapter 12

24 5 0
                                    

"Everything is easy when you are busy, but nothing is easy when you are lazy.”

Para rin talaga sa'kin talaga 'tong quote na 'to. HAHAHA.

GOODMORNING EVERYONE!

***

Nang maimulat ko ang mga mata ay madilim na sa labas. Bukas ang bintana kaya kita ko ang mga bituing kumikinang sa langit. Dahan-dahan akong bumangon.

Napasarap yata ang tulog ko. And then I remembered, nasa kwarto pala ako ni Raven.

I yawned and stretched my arms ngunit nagulat ako bigla ng maramdamang nakabalot ako sa kumot. Who put this to me? Agad na lumingon ako sa tabi ko ngunit wala akong Raven na nakita. Where is he?

Nilalagnat pa kaya ito?

Bumaba ako sa kama saka nagmamadaling lumabas ng kwarto. Saan naman kaya ito nagpunta? Andami-dami nyang sugat baka makita sya ni Tito.

Natagpuan ko ang sarili sa kusina, inisip kong nagugutom lang sya kaya sya lumabas. Ipinalibot ko ang tingin ngunit puro katulong lamang ang nakita ko.

"Magandang gabi po ma'am." Bati ng kasambahay na nakangiti sa'kin.

"Magandang gabi rin sa'yo." I smiled. Muli kong ipinalibot ang tingin sa paligid ngunit wala talaga sya rito.

Nagmamadaling naglakad ako papalabas at tumungo papaakyat sa hagdanan. Kailangan kong kunin ang backpack ko sa kwarto nya. Siguro nasa C.R lang ito sa loob.

Nang makarating sa ikalawang palapag ay nakita ko ang kasalukuyang oras sa wall clock na nakasabit.

'6:59 PM. I need to change. Sasabay pa akong mag-dinner kina Tito.'

Pumasok muli ako sa kwarto nya at kinuha ang bag, pati narin ang phone ko na nasa bedside table. I checked the comfort room if someone was inside... but there's no one here. I'm all alone and I don't know where he is.

Bumalik ako sa may kama nya. I didn't see his phone, so I assumed he have it right now.

Wait. Why don't I send him a message?

Umupo ako sandali sa gilid ng kama upang itext ito. I got his number earlier.

To: Mr. Black Bird
7:00 PM

I chuckled when I saw his name in my contacts. Sinadya kong gawing katatawanan ang pangalan nya. I just feel like doing it. I don't know.

'Asan ka ngayon? Paggising ko wala ka rito. Hindi ka dapat masyadong maglalakad-lakad sa dami ng sugat mo. Rest is what you need. Btw, how do u feel right now?'

And then I hit send.

Sana mabasa nya agad.

"Sir, magandang gabi..." I heard a voice outside. The maid knocked three times. "Dala ko 'ho ang pagkain ninyo."

Tumayo ako upang buksan iyon. Dala-dala ko ang backpack ko. Magulo rin ang buhok ko pati na ang school uniform, hindi ako nakapag-ayos simula ng magising...

When I opened the door the maid froze.

"Ma'am H-heather? Magandang gabi 'ho." She stuttered. Of course, it was Nanay Aya.

"Hi nanay. Same to you." Pilit na ngiti ko rito. Sa uri ng tingin nya ay parang may halo na namang malisya. I suddenly remembered what happened last time.

"Mawalang galang na, pero ano 'hong ginagawa nyo sa loob ng kwarto ni Sir?"

Oh! "Ahm... nothing." Hilaw ang pagtawa ko. "May kinuha lang po akong bag, nakalimutan ko kasi pagkatapos naming magreview kanina." Naiilang ako dahil alam kong marumi na naman ang nasa isip nito.

Countless Mistakes Where stories live. Discover now