Kahit na masungit siya, laking pasalamat ko parin kasi nailigtas niya ang buhay ko. Nagulat nga ako pagkakita sa kanya kanina eh.

Galing kasi ako sa isang sikat na bar dahil waitress ako dun. Napaiyak nga ako kanina sa takot dahil may isang lalaking hinawakan ang pwet ko. Buti nalang dumating si kuya bouncer at tinulungan ako. Wala na kasi akong aasahang tao maliban na lang sa sarili ko kaya tiisin ko nalang ang lahat.

Nagmadali akong naglakad. Mahirap na, baka magising yung dalawang panget na manyak.

Pumasok ako sa nirentahan kong apartment. Pinili ko ang apartment nato dahil malapit lang sa school at para wala ng gastos sa pag-commute.

Hayy! Kapagod..

Humiga agad ako at di ko namalayang nakatulog din.

****

"Ano? Bakit ka pa bumili kung wala ka rin namang pambayad! Pobre!" Sigaw sakin ni Marie na syang katulong din sa pagbebenta sa canteen.

Nasanay naman na ako sa mga masasakit na salita pero, bat ang sakit parin sa tuwing naririnig ko?

Naiwan ko kasi ang pera ko sa apartment dahil nagmamadali ako kanina. Late na kasi akong nagising at hindi na rin ako naka-attend sa isang subject ko.

Lunch time ngayon at talagang hindi ako makakain nito dahil naiwan ko ang pera ko.

"A-Ahm.. p-pasensya na miss Marie.. n-naiwan ko kasi ang pera sa pagmamadaliㅡ" napatalon naman ako nang bigla na naman siyang sumigaw.

"Hah! Naiwan? O baka naman.. wala talaga? Wag mo'kong gawing bobong estupida ka! Hala, sige! Layas!"

Napatingin ako sa mga nandun at sakin silang lahat nakatingin. Napayuko nalang ako dahil anumang oras, tutulo na ang luha ko.

Ang hirap talaga pag walang kakampi. Napangiti ako ng mapait nang maisip yun.

Aalis na sana ako nang may humawak sa braso ko.

"You have no right to shout at her like that! You're just a worker here and nothing special! Now, give her the food or I'll tell the president to fire you?" Napaigtad pa ako dahil sa sigaw nito.

"P-Pero.. w-wala po siyang pera k-kayaㅡ"

"Pera ang gusto mo?" Nakita kong inilabas niya ang wallet niya at nanlaki ang mata ko sa nakita.

A-Ang dami naman! Puros lilibohin.

"Tsk. Etong perang gusto mo! Now, give her the food!" Sigaw na naman niya.

"O-Opo. E-Eto na K-Kaede." Halata ang takot sa boses ni Marie.

Napatulala ako sa nangyari dahil hindi ko talaga inasahan to.

Nang mapansin siguro niyang hindi ako kumilos ay siya na ang kumuha ng tray at hinila ako.

Napa-angat ako ng ulo at tanging side view niya lang ang nakikita ko.

Side view palang... gwapo na. Ipinilig ko ang ulo ko sa naisip.

Natauhan lang ako nung pinaghila niya ako ng upuan. Nahihiya na ako sa kanya kaya kusa na akong umupo.

"S-Salamat pala dun kanina." Nakayukong sabi ko dahil nahihiya ako.

Nailang naman ako ng hindi siya magsalita at ramdam kong nakatitig lang siya sakin.

He's My Badass Guy | BADASS DUOLOGY #1Where stories live. Discover now